01

214 19 4
                                    

CHAPTER 1 — THE ILLUSIONIST

CHAPTER 1 — THE ILLUSIONIST

Oops! Bu görüntü içerik kurallarımıza uymuyor. Yayımlamaya devam etmek için görüntüyü kaldırmayı ya da başka bir görüntü yüklemeyi deneyin.

Year 2326

(CELESTE'S POINT OF VIEW)


KANINA ko pa pinagmamasdan ang bawat galaw niya. He was really doing it. Gail was right about him.

I was inside my room, sitting on the tabletop of my bedside table. Patay lahat ng ilaw dito sa loob at tanging ang ilaw lang ng malaking lamppost sa labas ng mansyon namin ang tumatama sa mukha ko. Bahagyang nakabukas ang kurtina ng malaki kong bintana, and here I was peeking at a man who was about to steal Dad's van.

Hawak-hawak niya ang garage remote. One click and he was ready to steal. Luminga-linga muna siya sa paligid, making sure no one's around. Sunod siyang tumingin doon sa malaking puno malapit sa fountain. He stared at it. May nakakabit na CCTV kasi sa punong 'yon, and he was aware of it. Ang lakas talaga ng loob niya.

Napayuko agad ako nang mapatingin siya sa may bintana ko.

Sinulpot ko ulit ang ulo ko sa bintana makalipas ang ilang segundo, tinanaw ko siyang muli.

He didn't see me.

Bumukas ang garahe. Mula rito sa taas, tanaw ko ang mga sasakyan namin.

Mr. Melchor Asuncion, our great driver, was about to steal a senator's van.

Do you think you can get away with it? Wala sa sariling napailing-iling ako.

He thought no one was going to see him. Dad had an important meeting with the president, he was with his trusted bodyguards. Mom was still on her work. The rest of the people in this house were all inside, it was already eleven in the evening.

Sigurado siyang walang tao ang makakakita dahil alam niyang walang ibang tao sa labas maliban sa kanya.

He planned this for a long time, sabi sa akin ni Gail.

Pumunta siya sa isang van. He opened the door and went inside it. Kailangan talaga niya ng pera, hindi man lang siya nakaramdam ng takot sa tatay ko. Well, it was just a van anyway. But still, that was stealing.

I leaned sideways on the wall beside the window. I bit my lip, trying to contain a laugh. Nakakatawa lang kasi isipin na panatag siya na magtatagumpay siya.

Tinitigan ko ang harapan ng van na papaalis na sana ng gate.

I suddenly felt the cold wind, it crept me out at some point. But I love its creepiness. Biglang hinangin ng malakas ang kurtina ko. Tumingala ako sa langit sa labas, and witnessed nothing but the darkness. Nawala ang mga bituin na kanina lang nandoon pa.

The houses of our neighbors vanished one by one. Lahat ng bagay na nakapaligid sa bahay namin naglaho. Napalitan iyon ng isang disyerto. This house stood in the middle of the desert, in the middle of nowhere.

Behind This Name (UNEDITED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin