04

74 6 0
                                    

CHAPTER 4 — THE BIZARRE FEELING

DWEIN was sitting in front of me, her lips were pursed and her eyes looked bored

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DWEIN was sitting in front of me, her lips were pursed and her eyes looked bored.

Thankfully, the pounding in my head stopped. Medyo pakiramdam ko masusuka pa rin ako, pero ininda ko na lang 'yon.

Nawalan ng malay 'yong driver namin mula roon sa nangyari kanina. Dinala siya sa ospital, at sumama si Uncle Finn. Doon sa ospital kung saan nagtatrabaho si Uncle. Yes, he's a doctor.

And here I am with Dwein, sitting in one of the guardhouses. Nandito pa rin kami sa Frias Compound. We're waiting for Mom. Dahil nauna kaming umalis kanina, nandoon pa siya sa bahay, kaya sa kanya na lang kami ni Dwein sasabay. Nasira kasi 'yong likod ng sasakyan kanina.

May tatlong guards dito sa loob kasama namin. They're all on their work. 'Yong dalawa sa kanila ay may tig-isang desk at abala sa pag-tingin sa computer na nasa harapan nila. Nang subukan kong silipin kung ano ang nasa computer, informations ng mga nakatira sa compound na ito ang nakalagay.

Nakita ko pa 'yong pangalan ng kapitbahay namin.

'Yong isang guard naman ay nakaupo sa isang swivel chair, sa harap niya ay isang malaking screen. He's monitoring the CCTV.

Iyong lalaking nagwawala kanina, he has a telekinetic ability.

Ang sabi, lalabas daw siya, he used a fake ID. Doon nagsimula. When the machine read his fake ID, no information showed up in the computer. Walang nagtugma sa information niya sa ID at sa naka-save sa computer. The guards talked to him in a calm way, pero siya ang hindi kalmado.

Doon na siya nagwala, nandamay pa siya ng mga inosenteng sasakyan, kabilang na kami ro'n sa nadamay.

They brought him in the Institute Center. The place for gifted people. What will happen to him? I have no idea.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang guwardiya, kasunod niyang pumasok si Mom. She smiled when the guard pointed where we are.

"Are you both okay, girls?" she asked, when we got inside her car.

She has no driver. Well, that's Mom. If she can, she would do it by herself.

"Ayos lang naman kami, Tita. May baliw na lalaki lang kanina." Nakakunot-noo na naman si Dwein.

I scoffed. "Baliw?" Ganoon na pala ang tawag sa taong gusto lang makalabas nang payapa.

She didn't answer, she just crossed her arms.

Tinigil ni Mom ang sasakyan sa tapat ng Central Hilaria University. Nang makababa na kami, kumaway muna siya sa amin bago umalis. Nakatayo-tayo pa si Dwein sa may entrance nang iwanan ko siya roon.

"Hey!" Hinabol niya ako. "I have your schedule, so, don't try running away from me! You're going to wait for me—"

"Yeah, yeah." I rolled my eyes and made faces.

Behind This Name (UNEDITED)Where stories live. Discover now