PROLOGUE

98 5 2
                                    


˗ˏˋ₊ʚNOTEɞ₊ˎˊ˗

This story has content about the 'boy band' and the unexpected in love as well as struggles that each character will go through.

Ps: hdjhdkd other errors have not been edited please, thanks for understanding:>

。 ゚

"Hindi naman gwapo," sambit ko sa ipinakita sa akin ni Clarisse kasalukuyan kaming nasa classroom ngayon at kami palang ang nandito.

"Pogi kaya nila, sikat ang banda nila 'di ba? sana makapasok ako sa event ng Trinidad University. Gusto ko silang mapanood." Kinikilig na sambit ni Clarisse hinampas naman siya ni Simone.

"Gaga abs lang naman habol mo ron."

"Para sulit ang ticket!"

Baliw na baliw sila sa bandang The Daze mula sa Trinidad University, binubuo kasi ito ng isang grupo na may limang miyembro na sina Rupert Mendoza, Harrison Ford, Theodore Castillo, Priel Tiago at Caelum Nazarro. Bakit ko sila kilala? Kasi kahit magkaiba kami ng university ay kung saan-saan napadpad ang kanilang pangalan may picture pa sila sa billboard palibhasa mga anak mayaman. Nakilala ko rin sila dahil sa pinsan ko kaya may alam na ako sa ugali nila pero si Priel talaga ang kakaiba.

Kasalukuyang nag-aaral ang anim sa Trinidad bilang college student. Ang alam ko mage-engineer si Caelum habang si Jacob at Theodore naman ay Business ad, si Priel ay nutritionist, si Harrison fine arts habang si Rupert ay balak maging isang architect.

"Punta na tayo, please!" Pagpilit sa'kin ni Clarisse habang nasa dorm kami. Napa Buntong hininga ako.

"Ayoko!"

"Nandoon naman si Priel eh!" biglang uminit ang pisngi ko nang makarinig ang pangalan ni Priel.

Tinukso ako bigla ni Clarisse alam niya na si Priel ang kahinaan ko, naging fan ako nito simula no'ng mag release siya ng kanyang kanta solo lang siya noon hanggang sa masama siya sa bandang The Daze at siya ang ginawang main vocalist. Bihira ko nalang tuloy siyang nasisilayan.

"Sige na nga!" Halos tumalon naman sa tuwa ang kaibigan ko.

Kinabukasan ay nagsuot kami ng uniform galing sa Trinidad University, hiniram lang daw ito ni Clarisse dahil bawal magpapasok sa Trinidad ng outsider students. Maparaan talaga ang babaeng 'to.

"Bilisan mo!" Hinila ako ni Clarisse at nakisabay kami sa mga estudyante para hindi mapansin na wala kaming suot na ID.

Ako ang kinakabahan kay Clarisse eh! pagkapasok sa university ay nabungaran agad namin ang mga taong nakapila sa labas ng stadium. Malaki ang university nila, minsan na akong nakapunta rito noong sinama ako ni Jacob ang pinsan ko doon ko nakilala ang mga kaibigan niya sa The Daze. Parang si Jacob ang manager nila.

"Ayan na sila! Naririnig ko na, malapit na tayo." Impit na tili ni Clarisse. Tinext ko si Simone kung nasaan na siya. Traffic daw.

Pagkapasok sa loob ay narinig ko agad ang maingay na sigawan habang ang tugtog na kinakanta ni Priel ay perfect by simple plan hindi ko alam kung paano nagawa ni Clarisse na makakuha ng pwesto sa harap kaya kitang-kita namin ang banda.

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now