24

19 1 0
                                    

Tahimik.

Kulang nalang ay magtawag ako ng kuliglig maputol lang ang katahimikan naming dalawa sa kotse. Nakabalik na kami galing sa hospital ginamot lang ng doctor ang braso ko dahil wala naman akong masyadong natamo.

"Dito nalang ako." putol ko sa katahimikan.

"Okay."

Binuksan ang pinto ng kotse sana manlang may goodbye kiss 'di ba? huy! charot!

"Ah, salamat. Mauna na ako." Mahinhin kong sambit. Tinapunan niya lang ako ng saglit na tingin bago tumango. Pagkasara ko sa pinto ng kotse niya siya namang alis niya.

Impit akong napatili habang maski sa pagpasok ko sa bahay ay kagat-kagat ko ang labi ko.

"Gusto kong magalit sa'yo."

"Hindi ko magawa kasi tangina! marinig at makita ko lang na umiiyak ka mas gusto kitang yakapin kaysa pabayaan ka."

" Ihhh!" kinikilig kong tili naabutan ko naman si Clarisse na nagluluto. Nilapitan niya ako dala ang kunot niyang noo.

"Ano 'yan ante? para kang inasinan na uuod, may nangyari ba sa inyo ni sir Atlas?" Usisa niya.

"Wala! gagang 'to, bakit naman may mangyayari sa amin e boss ko yun!"

Nag kibit-balikat siya."Malay ko ba kung may something na sa inyo? ang bait niya sa'yo e halatang may pagtingin."

"Shut-up! hindi naman siya ih... si kuan!" Kinagat ko ang ibabang labi ko. Mukang narealize niya ang ibig kong sabihin akala ko ay kikiligin din siya pero hindi, kinurot niya lang ang tagiliran ko.

"Ano ba?! ang rupok mo! kike ka!" Singhal niya pero imbis na mainis ay mas lalo pa akong kinikilig.

"May pag-asa pa ako, tiwala lang sa kamandag ko." Sambit ko sabay kindat.

Pumasok ako sa kwarto at doon itinuloy ang kilig ko na naudlot dahil kay Clarisse.

As the days went by I was busy at the office and of course I was able to take leave after that to go home to the Philippines. Namiss ko na rin ang pamilya ko roon iyon nga lang may pagbabago.

It's been a years na rin nang mag disband ang The Daze at parang buong araw ko noong college ay nasa The Daze. Ang saya pa no'n.

Totoo pala na ang kapalit ng saya ang lungkot. Matinding lungkot. Magkasama kami ni Clarisse sa pagpunta sa ibang bansa at ngayong uuwi na sa pinas kami pa rin ang magkasama. Sobrang proud ako dahil pareho kaming naging matatag habang lumilipas ang araw.

"Aisha! Clarisse!" bungad sa amin ng matangkad at maputing lalaki nakasuot siya ng puting polo at mukang kakagaling lang sa trabaho. Grabe ang tangkad niya! mas lalo rin siyang gumwapo.

"Ano ba naman 'yan! wala manlang pasalubong sa akin?" Nakangusong tanong ni Harrison kinuha niya ang dala naming maleta.

"Bakit ikaw ang nagsundo sa amin?!" Taas kilay na tanong ni Clarisse.

"Busy sila e, ako lang natawagan ni Tita. Bilang kuya kailangan kong sunduin ang mga bunso ko." Proud niyang sabi napairap nalang ako.

"Ang daldal mo pa rin talaga,"

"Pogi naman." Sabat niya sabay kindat sa akin. Inirapan ko siya.

Kalaunan ay tinulungan na niya kami sa mga gamit naming dala sa kotse niya rin kami sumakay pero natigilan ako nang makita ang babae sa passenger seat. Tinaasan pa ako ng kilay!

"Sorry girls, sa likod kayo." Ngising sambit ni Harrison napasimangot si Clarisse.

"Hilig talagang mambwisit nito." Bulong ni Clarisse natawa nalang ako bago sumakay sa kotse.

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now