09

41 2 0
                                    


Bakit sa dinami-rami ng tao ay sa kaniya pa ako mapapa-ibig ng ganito? I still need to hear his words before I can realize it myself. This crazy man has a strange mystery that will suddenly captured my heart.

"A-ayoko! Bahala ka riyan." Tinalikuran ko siya, napatakip pa ako sa aking mukha.

"You're blushing," natatawa niyang asar. Paano ko magugustuhan ang baliw na 'to?! puro pang-aasar lang naman ang ginagawa sa akin.

"Sa inis ko sayo kaya ako nagbu-blush!" Sigaw ko pa. Namilog ang mata ko nang akbayan niya ako habang naglalakad pabalik sa mga kaibigan namin. Parang wala siyang pakealam sa mga estudyante na napapatingin sa akin.

"Lumayo ka nga!" Inis kong bulong.

"Ayoko, babakuran ko ang akin." Damn his words! how can he say his words directly to me?

***

Pagbalik namin kila Jacob ay hindi ko mapigilang mahiya kay Priel nakatuon ang atensyon niya sa amin nang bumalik kami ni Caelum.

"Saan kayo galing?" Usisa ni Harrison naningkit pa ang mata niya.

Walang sumagot sa aming dalawa. Napansin ko na parang balisa si Theodore at kanina pa nakatitig sa cellphone niya.

"Ano nagreply ba?" Tanong sa kaniya ni Jacob. Umiling si Theo at ibinagsak ang ulo niya sa lamesa.

Tinapik naman ni Rupert ang balikat niya. Anong mayro'n? bakit nagkakaganito ngayon si Theo?

"Maybe she just needs to rest first, kausapin mo kapag lumipas na ang ilang araw." Makahulugang sabi ni Priel habang nakatingin kay Theo.

Gusto ko sanang magtanong pero anong karapatan ko? nag-aalala ako sa kaniya. Napatingin ako sa kamay ni Caelum na humawak sa akin maski si Jacob ay natuon ang pansin roon kaya akmang ilalayo ko nang higpitan niya iyon.

"You and Lynette, kamusta kayo?" Tanong bigla ni Caelum kay Priel napatingin ako kay Priel at nakita ang pag-igting ng panga niya.

"We're... Fine," tuluyan kong binawi ang kamay ko kay Caelum.

Hindi rin kami nagtagal sa university dahil mukang pagod sila ngayong araw. Tahimik lang ako sa kotse ni Jacob at iniisip ang mga naganap kanina.

"Do you and Caelum have a thing?" Biglang tanong ni Jacob. Kinakabahan ako bigla.

"W-wala..."

"Siguraduhin mo lang, Aisha. Hinayaan kita sa pagkagusto mo kay Priel dahil alam kong hindi ka niya magugustuhan, panatag ako roon. Pero kung si Caelum..." Bigla akong nainis sa sinabi niya.

Bakit parang pinaglalaruan niya lang ang feelings ko para kay Priel? Muka bang biro lang ang lahat ng iyon?

"So hahayaan mo ang feelings ko na masaktan para kay Priel?" Saglit siyang bumaling sa akin.

"Kung iyon ang nararapat."

Hindi ko siya pinansin hanggang sa makabalik ako sa dorm hindi ko rin siya nagawang lingunin manlang o magpaalam.

The day passed and we were busy at school, they stopped the gig for a while because of the upcoming exam. Matinding pagre-review ang ginawa namin nila Clarisse para makakuha ng diploma sa graduation. Wala pa rin ako ganang pansinin si Jacob dahil pakiramdam ko'y wala lang sa kaniya ang nararamdaman ko.

"May bisita ka," wika ni Clarisse.

"Huh?" Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si Caelum na may dalang paper bag. He smiled at me before placing it in front of me.

"Wala ka bang reviewer? bakit andito ka na naman?!" Kahapon pumunta rin siya dito at nagdala ng pagkain.

Tapos ngayon nandito na naman siya sa harap ko! narinig ko ang impit na tili ni Clarisse. Isa pa 'tong babae na ito.

"To prove my love for you?" Walang preno niyang sambit kaya muling napatili ang kaibigan ko.

I rolled my eyes. "Hindi kita gusto."

"Oh, that's hurt... but it's okay, magugustuhan mo rin ako." Aniya sabay ngisi.

Kainis na ngisi 'yan! bakit ang gwapo niya? lalo siyang gumwapo sa suot niyang white t-shirt at cream pants. Naka white shoes din siya na branded pa ang tatak.

"Please continue reviewing." Aniya tsaka pumwesto sa harap ko.

"Ang hirap magfocus kapag nakatingin ka." Napangisi siya sa sinabi ko. "I mean, ayoko na may nakatingin sa akin!"

Nakangisi pa rin ang sulok ng labi niya. "Okay, sorry mag-review ka na hindi na ako titingin." Nalalabi ako nang ibaling niya sa ibang direksyon ang tingin niya.

Pumasok naman si Clarisse sa kaniyang kwarto na may panunukso pa sa mga tingin. Humanda siya sa'kin kapag si Jacob na ang kaharap niya!

Hindi ako tinantanan ng titig ni Caelum kaya napairap ako bago isara ang kwaderno ko.

"Wala ka bang ibang pupuntahan?!"

Umiling si Caelum. "Wala, dito lang ako." Tumayo ako at hinila rin siya patayo.

Alam kong may reviewer din siya lalo na't engineer ang course niya. Minsan napapaisip ako kung ganon ba kadali sa kaniya ang course na kinuha niya para maging ganito ka kalma?

"Mag review ka nalang!" Pagtataboy sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako palapit sa kaniya.

"Tapos na, bago ako pumunta rito siniguro ko muna na tapos na ang reviewer ko."

Tumaas ang kilay ko. "Wala kang ibang gagawin?" Akmang ilalapit niya sa akin ang labi niya pero pinigilan ko siya.

"Wala, tinatamad na akong basahin ang makapal na libro at mag-solve." Aniya na parang balewala nga lang ang course niya.

Bumuntong hininga ako at walang nagawa kundi ang magpatuloy sa ginagawa ko. Oras ang lumipas napatingin ako sa kaniya habang seryoso siyang nagbabasa sa kaniyang cellphone. Bahagya akong napangiti dahil mukang seryoso naman pala siya sa course niya.

Humikab siya kaya mabilis akong umiwas ng tingin at kunwaring naghi-high light.

"Aisha," tumingin ako sa kaniya. Lumapit siya sa akin at bahagyang nilayo ang lamesa pagkatapos ay pumwesto sa hita ko para doon mahiga.

Napalunok ako dahil hindi ako sanay sa ganito. Nakapikit siya habang ang kamay niya ay nasa t'yan niya. Pinilit kong magfocus pero hindi ko talaga magawa lalo na kapag napapatingin ako sa kaniya.

Kung pagmamasdan ko siya ngayon baka lalo akong mahibang. Parang dati ang haba pa ng buhok niya, wala na rin ang hikaw niya sa tenga. Napatingin ako sa kaniyang kwintas na ngayon ko lang napansin.

"Caroline..." Napadilat si Caelum at kunot noo akong tinitigan.

Napansin niya rin na sa kwintas niya ako nakatingin. Nagbago ang eskpresyon ng mukha niya at nababahid ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Caroline is my sister, if she was alive she would probably be in high school right now." He said smiling and holding the necklace.

"Ako dapat ang magbibigay sa kaniya nito, sa dulo ako rin pala ang magsusuot." I can see the pain in his eyes and smile.

"Pwede ko bang malaman kung bakit siya namatay?" Mahinang tanong ko. Nakapatong na pala ang kamay ko sa dibdib niya.

He reached my hand before holding it.

"Nalunod si Caroline, kasalanan ko 'yon dahil iniwan ko siya sa pool. Gusto ko sanang ibigay sa kaniya ang kwintas habang nasa pool siya pero pagbalik ko... wala na, wala na siyang buhay."

Humigpit ang kapit niya sa kamay ko. "K-kasalanan ko ang lahat, I'm sorry, Caroline."

I thought he was just arrogant, but it turns out he's also hurt and he still can't get over his past.

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now