14

23 2 0
                                    

Wow! the rest house on the beach is very nice! napaka-ganda rito at sariwa ang hangin, walang masyadong bahay dahil medyo malayo sa kung nasaan kami ngayon.

"This is my rest house, the two of us and our future kids." Bulong niya habang nakayakap sa likod ko.

"Wala pa nga akong trabaho, kids agad ang nasa isip mo!"

"So kapag mayroon na?"  Nilingon ko siya at nakita ang kaniyang pag-ngisi.

"Tigilan mo muna ako, Caelum!" Humalakhak ang loko bago umalis sa likod ko. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob.

"Matagal kong hindi napuntahan 'to." Aniya "Bata palang kami ni Caroline no'n." Napatingin ako sa kaniya at nakita ang bahid na lungkot sa kaniyang mga mata.

Pinisil ko ang kamay niya. " Ako na ang kasama mo simula ngayon." He smiled and brought his lips to mine.

I'm used to him doing it all the time, sa tuwing hahalikan niya ako pakiramdam ko'y ito ang first kiss ko sa lalaki. I was lucky because I ended up with him.

°°°

Nilibot ko ang ilang kwarto habang si Caelum ay niluluto ang ibang pinamili namin kanina. Ang galing niyang magluto, tinalo pa ako, talagang husband material ng isang Aisha.

Huii charot!

Sariwa ang hangin sa bahay na ito. Sakto lang din ang laki at napaka nature vibes ng buong bahay dahil may nga halaman din sa labas at maski sa kwarto.

Nabaling ang atensyon ko sa isang picture na nasa tabi ng study table. Lumapit ako roon para kunin ang picture frame at pagmasdan iyon.

Si Caroline ba ito?

Medyo kahawig niya kasi si Caelum. Nakangiti ang bata habang nakapeace sign. May bangs at nakaponytail  ang buhok.

Ang alam ko lang ay may trauma si Caelum, but I have not seen him attacked by his trauma, he must be fighting it.

Kinuha ko ang isa lang lawarawan at nakita ang picture nilang anim may notes pa sa likod niyon.

‘One day we will grew! padayon, The Daze!’

Alam kong sulat kamay iyon ni Jacob dahil para siyang babae mas maganda pa ang penmanship niya.

"Isha!" Narinig ko ang pagtawag ni Caelum kaya inayos ko ulit ang pictures bago bumaba.

Umawang ang bibig ko kk nang makita ang hinanda niyang mga pagkain sa labas ng rest house.

"Masyado mo naman akong pinabilib." Natatawa kong sambit.

Sa totoo lang, kinikilig ako sa paraan niyang ito. Halatang pinaghandaan niya talaga.

"You like it?" tanong niya habang nasa tabi ko.

I smiled and give him a pecked of kiss. "Yes, I like it."

Umiwas siya ng tingin habang namumula ang pisngi kaya natawa ako at pinisil iyon bago kami tuluyang kumain.

"I am planning to take the board exam after Summer fest. Kung hindi papalarin aasawahin nalang kita." Muntik na akong mabulunan sa biglaan niyang pagbanat.

"Sira ka talaga! pero good luck sa board exam mo, make your dreams come true because we are here to support you." I smiled while saying that we finished eating and now just looking at the beautiful view while the two of us sit next to each other.

Gusto kong matupad ang pangarap niya, ang akin rin. We'll both do it together, I didn't expect that I like him this much, I love him so much, it seems that I'm not used to not having him by my side.

"Caelum..." He just stared at me, his gaze dropped to my lips which I was biting hard.

"Stop biting your lip, I'm attracted to what you're doing." Mahina niyang bulong.

Kaming dalawa lang ang naririto. I have a strange feeling right now that I can't explain, it's fine if we try, right?  I approached him which surprised him a little. Inabot ng kaniyang hinlalaki ang labi ko bago ilapit ang labi niya sa akin.

We kiss gently and with a touch of love, he holds my neck to press the kiss even more. Ilang sandali pa'y bumaba na ang halik niya sa leeg ko na nagpa-awang sa labi ko.

"C-caelum..." He was kissing me while his hand went down to my chest and the other to my waist.

"Let's go inside, I might not be able to hold back." Aniya pagkatapos akong halikan at bitinin!

Bigla akong napanguso na ikinatawa niya. Inirapan ko siya nang tumayo siya at ilahad ang kaniyang kamay sa harap ko. Tinanggap ko naman iyon.

"Uuwi na ba tayo?" Tanong ko. Umiling siya.

"Hanggang bukas tayo rito." Bigla akong napalunok.

Hanggang bukas? pero paano na mamayang gabi? tabi ba kaming matutulog? paano kung...

"Aray!" Pinitik niya ang noo ko.

"Stop thinking about something, I have nothing else to do with you." Natatawa niyang suway. "Maybe you can do something with me."

"Shut-up!" Mas lalo pa aiyang tumawa. Pakiramdam ko tuloy nakakahiya ang mag-isip ng ganoong bagay sa harap niya.

Tulad ng sinabi niya magsstay kami rito hanggang bukas. Binuksan niya ang music box na ngayon ko lang din napansin na nasa sala.

"Ang galing, uso pa pala 'yan?"

"I valued this, binigay pa ito sa'kin ng nag-aalaga sa amin noon ni Caroline." Aniya sabay salang roon ng malaking CD.

Luma na ang kanta ngunit ang sarap pakinggan sa tenga tila binabalik ako sa makalumang panahon. Pinakinggan ko lang iyon hanggang sa matapos ang kanta.

Napangiti ako nang makita ang mga mata ni Caelum na nakatitig sa akin habang magkalapit kami.

"Aisha bakit?" Kumunot ang noo ko.

"Huh?"

"Bakit maganda sa paningin ka palagi kahit wala ka namang ginagawa? bakit mahal na mahal kita? hmm?" Umayos siya ng tayo. Hinagkan niya ang kamay ko.

Magkalapit na kaming dalawa ngayon, nilagay niya ang isa niyang kamay sa bewang ko habang ang kamay ko ay pinulupot niya sa kaniyang leeg. He played the music that made me feel better now.

I want to cry, not because of sadness but because of the joy I feel with him, I don't want this day to end. Isinayaw niya ako kasabay ng tugtog nilapit niya ang kaniyang ulo sa leeg ko at sumiksik roon habang sumasabay ang aming katawan sa tugtog.

"I love you, Aisha." Bulong niya ngumiti ako at niyakap siya ng mahigpit.

"I love you... Caelum."

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now