21

18 1 0
                                    

"Totoo ba sir?" Gulat kong tanong. Tumango lang si sir kaya gusto kong tumalon sa tuwa.

Ayos! Secretary na ako sa company niya, sa tagal ko ba naman rito'y nasanay na rin ako sa mga tao. Masakit pa rin sa akin ang naiwan kong alala sa pilipinas pero pinipilit kong makaahon.

Pag-uwi ko sa condo agad kong tinawagan si Clarisse para ibalita sa kaniya ang ganap ko ngayong araw, kumuha na ako ng sarili kong condo kasi nakakahiya na rin kay tita.

"Sakto, wedding party ang ganap ni Simone sa pinas." Natatawang sambit ni Clarisse.

"Seryoso? pero 'di ba amerikano ang mapapangasawa niya? bakit sa pinas?"

"Handa na raw siyang harapin ang kaniyang papa, alam mo na, sorry rito sorry roon. Ayun! Natauhan ang tatay niya girl. 'tsaka siguro tanggap naman na siya dahil hindi naman ito humadlang sa kasal nila dito sa ibang bansa." Napangiti ako dahil sa wakas ay makakausap na ni Simone ang papa niya.


Uuwi kami sa pinas sa darating na biyernes para dumalo sa wedding party ni Simone, sa loob ng tatlong taon nahanap na rin niya ang lalaking tatanggapin kung sino siya. Masaya na ako roon.


"Libre na lahat! kaya kailangan ko na rin talagang baguhin ang kulay ng buhok ko, keri ba kung grey?"


Bagay naman iyon kay Clarisse dahil maputi siya.


"Bagay naman sa—" natigilan ako nang mag ring bigla ang cellphone ko, agad ko iyong kinuha at sinagot ang tawag.


"Hello? Sir?" I heard him sighed.

"Hi, Ms. Celestia are you doing... something?"


"I'm not doing anything, sir, why?" Naningkit ang mata ni Clarisse habang nagtitimpla siya ng gatas.


"Can we have dinner? my treat!" Napalabi ako at muling bumaling kay Clarisse.


"Uh... dinner?" nanlaki ang mata ni Clarisse. "S-sure!"

"Okay, Let's meet tonight at six in the evening, bye!" Binaba niya ang tawag, biglaan namang lumapit si Clarisse sa akin.


"Omg! may gusto ba sa'yo ang boss mo?" usisa niya.


Maski ako ay nagtaka, hindi naman gano'n si sir Atlas! masungit siya sa office at minsan na niya akong nakagalitan kaya imposible na gusto niya ako.


"Baka may importante lang na kailangang sabihin sa akin, about work?" hindi ako sigurado.


"Ay naku! siguraduhin mo lang, walang mai-inlove ha? may uuwian ka pa sa pinas!" aniya. Bigla akong nalungkot.


Kamusta na kaya siya? kung magkikita ba kami tatanggapin niya pa ba ako? It's been a year since I left him in the Philippines, I don't know if he's mad at me or what. Sa tuwing tatawag si Harrison o kaya'y ang iba naming kaibigan hindi nila nababanggit si Caelum kahit gustong-gusto ko itong kamustahin.



"Kung may uuwian pa?" kunwari akong natawa. Malungkot naman na ngumiti si Clarisse.


"Acting strong pero hindi pa nakakamove-on." Aniya sabay higop sa gatas na tinimpla niya.


Masakit din para kay Clarisse ang nangyari kay Jacob at kahit ngayong ilang taon na ang lumipas ang lalaki pa rin ang gusto niyang ibigin kahit pa raw nireject nito ang feelings niya.


"Nga pala, mag-ayos ka na! may DINNER pa kayo ni Mr. Chu!" Kinurot ko ang tagiliran niya na siyang ikinatawa niya.

"Gaga!"

°°°

Naligo lang ako tapos ay nagbihis. I just wore a simple white satin dress and accessorized it with pearl accessories, I just tied my rather long hair into a bun. Naglagay din ako ng konting makeup.


Hindi ko na inabala pa si sir Atlas na sunduin pa ako, ginamit ko nalang ang sarili kong kotse para puntahan ang sinasabi niyang restaurant. After arriving there, he smiled at me and pulled my seat. Bumulong ako ng salamat pero nagtaka ako dahil apat na silya ang mayroon sa amin.


"Are we with someone?" Tanong ko pagkatapos umalis nung waiter.


"Ah, yep! my friend, we need to talk about the new  building that will be built in Hermioso this year." Napa owws nalang ako.


"Engineer?"


"Definitely!" Gosh! ibang iba talaga siya sa Atlas na nasa office.


Hinintay lang muna namin ang orders at kaibigan niya kuno. Habang ginagawa iyon, nagkwentuhan pa kami si sir tungkol sa ganap namin sa trabaho.


"I'm really not used to you being so kind today, sir, have you eaten anything?" Singkit mata kong tanong. Tumawa siya at hinawi ang kaniyang buhok.



"Bakit? hindi na ba ako pwedeng maging mabait?" Nanlaki ang mata ko nang magsalita siya ng tagalog. Napatakip pa ako sa akin bibig.


Gagong 'to! marunong pala mag-tagalog pinahirapan pa ako sa maraming taon! punyeta!


"Pinoy ka?!" umiling siya.


"My maids, pinoy sila, tinuruan lang ako when I was a kid." Si Atlas.

Sabagay, parang wala namang bahid ng pagka-pinoy sa kaniya. At aaminin ko na gwapo siya at ideal type talaga ng mga kababaihan, pero never akong mahuhumaling sa kaniya pakiramdam ko kasalanan ang mahumaling sa iba.


"Pinahirapan mo pa ako sa  ingles!" Napanguso ako. He chuckled and pinched my cheeks. Bahagya akong nagulat roon pero imbis na mag-react umiling nalang ako.

"They are here," aniya sabay tingin sa entrance ng restaurant.

Sinundan ko ang tingin niya at napalabi nang mamukaan ang lalaking pumasok sa entrance na may kasamang babae. Nakapulupot pa ang kamay ng babae sa braso niya.

Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan, nagtama ang tingin namin pagkalapit niya. He didn't stare at me for a long time, I could feel the coldness in his aura and it was like he wasn't the one in front of me. Bakit siya naririto?!


"It's been a long time coming, Caelum! late na kayo." Napapailing na sambit ni Atlas habang ako ay tahimik lang bumaba ang tingin ko sa kamay ng babae na nakahawak pa rin sa braso ni Caelum.

"Because Caelum took so long! tumambay pa talaga sa condo ko." Sagot ng babae sa tabi niya.

Parang nawalan ako ng pag-asa gayong nakikita na parang hindi na niya ako kilala, ni hindi nga tinatapunan ng tingin ko kinakausap.


Walang emosyon na makikita sa kaniya. Seryoso lang at parang walang pake sa paligid niya.

Nagsimula kaming kumain at parang gusto kong iluwa ang kinakain ko dahil wala akong gana.

"It's good that you put up with this Caelum, the quiet one who hasn't been noticed yet." Natatawang sambit ni Atlas. Muli akong nailang.

"By the way, this is Aisha Celestia." Walang ibang dinugtong si Atlas. Tinapunan ako ng malamig na tingin ni Caelum kaya napalunok ako.


"Oh, hi! I'm Hartley, Caelum's girlfriend." Peke akong ngumiti sa kaniya.

Right, sorry self wala na palang pag-asa.

"Caelum." Iyon lang ang sinabi niya pagkatapos ay nag-usap na sila ni Atlas tungkol sa work. Naiilang pa rin ako at parang gusto kong maiyak sa nakikita nakahawak na ngayon si Caelum sa baywang ng babae.


Girlfriend niya pala ito.

Akala ko... malabo na mapalitan ako, kasi siya hindi ko maipagpalit sa kahit na sino.

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now