07

44 2 0
                                    

Para akong mababaliw sa sobrang kaba. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil sa bwisit na halik niya! bigla nalang niya akong hinalikan sa labi at nadala naman ako!

That was my first kiss! Natahimik lang ako kinaumagahan at nagkunwari na maayos lang ang lahat kahit kinakabahan ako kapag nasasalubong ko si Caelum.

Christmas and New Year went well, I had a lot of fun with my cousin and The Daze. Hindi ko nga lubos akalain na magiging kaclose ko sila dahil noon parang palagi lang silang dumadaan sa social media ko.

"Tapos iyon, momol after party." Kwento ni Simone nalangiwi kami ni Clarisse.

"Ang landi naman." Napapailing na sambit ni Clarisse.

Kanina pa kami rito sa cafeteria since vacant pa naman kami ngayon kaya may oras kami sa chismisan.

"Ayos naman ang Christmas ko pero syempre iba pa rin dito sa pinas, noong nasa japan ako parang normal lang din ang new year. Namiss ko tuloy si Jacob." Sabi ni Clarisse agad ko naman siyang tinukso.

"Don't worry wala namang naging babae si Jacob bukod sa busy siya para sa studio nila."

"Parang tatay na nung lima si Jacob e, grabe kung mag-alaga, ako kaya kailan niya aalagaan?" Agad siyang pinitik ni Simone.

"Gaga! Sa pangit mong 'yan? Umaasa ka pa?" Hinila din ni Clarisse ang buhok niya.

"Peste kang bakla ka!" Napailing nalang ako sa kanilang dalawa.

Naalala ko pa rin ang pagdampi ng labi ni Caelum sa akin. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti pero natatakot ako na baka mahulog din ako sa kaniya, hindi pa nga ako umaamin kay Priel.

No'ng uwian si Caelum ang nagsundo sa akin dahil pupunta raw kami ngayon sa MIV sumama si Clarisse at Simone dahil gusto raw nila itong makita.

Halos lumuwa naman ang mata nung dalawa nang makita ang studio para sa The Daze, kinilig pa sila at puro picture. Nakilala din nila ang iba't ibang singer na nasa MIV.

"Ito na nga," nakangiting umpisa ni Jacob. Nakatulala si Clarisse kay Jacob hindi naman siya napapansin ng pinsan ko.

"May offer sa atin para sa Summer Fest, inimbitahan tayo roon para magperform malaking event ito at malaki rin ang bayad, kapag tumanggap tayo ng mga ganitong klase ng offer mas malaki ang chance na lumago pa tayo." Halata kay Jacob ang excitement.

"Nice, kakalat na ang gwapo kong mukha sa iba't ibang billboard, malay mo maging model pa ako ng brief?" Proud na sabi ni Harrison.

"Ang baduy pre! Mas bagay kung ako yun." Sabat naman ni Theo. Ang dalawang ito talaga ang palaging maingay.

"And last," tumigil sila sa asaran. "We have to make an original song that is really from us and that will be released as our first album."

"Oo nga pala 'no."

"May nasulat kang kanta 'di ba, ano kaya kung kantahin namin 'yon?" Suhesyon ni Priel.

"Baka pangit—"

"Naku! Sigurado ako na maganda 'yan, ikaw pa ba? Manager plus producer na naging song writer! Woah, idol!" Natigilan kami sa sigaw ni Clarisse.

Pigil ang tawa namin habang si Jacob ay namumula ang pisngi at hindi makatingin ng diretso kay Clarisse.

"S-sige subukan natin..."

Nag-usap pa tungkol sa gagawing flyers and posters dahil kailangan iyon for promotion and invitation para sa summner fest. Umisip rin kami ng design logo para sa banda, si Simone na ang gumawa roon habang ako nama ang mapi-picture sa kanila. Si Clarisse naman ang gagawa ng mga freebies.

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now