08

42 2 1
                                    

"Parang intramurals lang din, there are different booths and sports that people from other universities can enter." Paliwanag ni Priel habang nasa van kami.

"Ah, e bakit nakasuot pa kami ng ganito?" Tanong ko habang tinuturo ang damit namin ni Clarisse na PE uniform pa ata nila.

"Para makapasok kayo sa music club, kapag hindi naman member bawal pumasok ro'n." Sagot ni Rupert tumango kaming tatlo.

"Asan si Caelum?" Takang tanong ni Theodore. Napansin ko rin na hindi sa amin sumabay si Caelum.

"Baka kasama si Tylie." Tipid na sagot ni Harrison.

Sino naman si Tylie? hays, bahala na ang lalaking 'yon. Pagkatapos niya akong halikan no'ng Christmas ginawa niyang way iyon para asarin ako lalo!

Pagkarating sa university nila sinabayan ako ni Priel sa pagpasok. Ang weird niya ngayon pero natutuwa ako dahil lumalapit siya sa akin parang achievement ang makasama siya.

Maraming estudyante ang sumalubong sa The Daze kahit dito nag-aaral ang grupo ay pinagkakaguluhan pa rin sila. Ang gwapo naman kasi, kahit si Jacob na manager ay maraming fans.

Tumungo kami sa music club, pinanood muna namin sila sa kanilang rehearsal bago napag-pasyahan na libutin ang university, sinamahan ako ni Priel sa mga stall.

Malaki ang Trinidad University at may mga kaya rin ang mga taong nag-aaral dito, sayang, hindi ako pinayagaan ni Mommy't Daddy na dito mag-aral dahil baka raw maging sakit ako sa ulo ni Jacob.

Hindi nila alam na si Jacob ang sakit sa ulo ko. Eme!

"Aisha," humarap ako kay Priel. "Talikod ka." Kumunot ang noo ko. Ngumiti lang siya at parang sinasabi na sumunod na lang ako.

Ginawa ko naman iyon, tumalikod ako at naramdaman ang pagdampi ng malamig na bagay sa leeg ko. Tiningnan ko iyon at nakita ang isang necklace na kinabit niya. Narinig ko ang ilang bulungan ng mga estudyante na malapit sa amin.

Humarap si Priel sa akin habang ang puso ko ay hindi mapalagay.

"A-ano... hindi ko naman birthday." Nahihiya kong sambit.

"Regalo ko lang sa'yo." Aniya. Nauna siyang maglakad sa akin kaya lihim akong napangiti.

Bakit siya ganito? 'di ba may girlfriend siya? Mamaya umasa pa ako sa kaniya edi nasaktan lang ako.

"Doon tayo sa photo booth." Anyaya ni Priel tumango naman ako kaya nagtungo na kami sa photo booth.


Maraming mga nakapila roon pero nang dumating si Priel parang naging magic ang lahat, gumilid sila para padaanin si Priel. Ibang klase rin ang pagiging sikat niya.


"Magkano sa papicture?" Tanong ni Priel sa babae.

"50 kapag dalawa." Seryosong sagot nang babae. Tinapunan niya pa ako ng tingin bago bumaling kay Priel.


"Papicture kaming dalawa."

Kakaiba ang atmosphere ngayon feeling ko may nakasamasid sa aming dalawa, kumuha kami ng pwedeng props ni Priel at sinuot iyon natawa pa siya dahil ang nnadampot ko ay emoji na poop. Tumingin kami sa camera at gumawa ng kung ano-anong pose.

Hinawakan niya pa ang pisngi ko at pinisil iyon sabay wacky ganon rin ang ginawa ko sa kan'ya.


"Ang swerte niya..."

"Di ba siya yung babaeng basher ni Caelum?"

"Kaya pala, si Priel pala ang gusto."

"Boyfriend yan nung model, grabe naman ang babaeng yan." Bahagya akong tumikhim.

Binigay sa amin ang copy ng picture  kinuha ko 'yon at pinagmasdan nakitingin din si Priel kaya ang lapit ng mukha niya sa akin amoy na amoy ko ang mabango niyang pabango.

Napabalikwas ako nang sunod-sunod na may nagpapicture kay Priel na mukang taga ibang school din. Tumingin sa akin si Priel kaya ngumiti ako at sinensyasan na ipagpatuloy niya lang. At ginawa nga niya.



"Saya mo ah, alis nga d'yan." Bigla akong binangga nang kung sinong lalaki.

"Hoy!" Humarap siya at nakita ko ang mukha ni Caelum na seryoso at parang wala sa mood. Nilapitan ko siya.


"Ano bang problema mo?!" Hindi siya sumagot bagkus ay hinila niya ako palayo roon.


"Ano ba?!" Sigaw ko nagigitgit na kami pero wala siyang pakealam. I looked at Priel but more and more people took pictures of him.


We stopped at a quiet place where no students were passing by. I glared at Caelum. "Ano bang problema? Bakit nanghihila ka—"


I blinked a twice as he pressed me into a deep kiss. Itutulak ko sana siya pero hinigit niya ang bewang ko padikit sa kaniya at sa hindi malamang dahilan nanghina ako at tumugon sa kaniyang halik napa daing ako nang kagatin niya ang ibabang labi ko. Nakakabaliw, hindi ko na alam kung anong nangyayari sa akin.

He stopped and pressed his forehead to mine. Nakatingin siya sa mga mata ko, pareho kaming natahimik.

"I'm sorry," Aniya sabay lapat ng kaniyang daliri sa ibabang labi ko. "It's bleeding, sorry."

"B-bakit mo ba ako hinahalikan?" Wala sa sarili kong tanong.

Naiinis ako sa kaniya, ginugulo niya ang puso ko. Hindi ko siya mabasa ni hindi ko alam kung pinaglalaruan niya ba ako o ano.


Pinakawalan niya ako at ilang beses din siyang bumuntong hininga. Napansin ko na parang pagod na pagod ang kaniyang mga mata.


"Ayos ka lang ba?" Wala siya kanina, hindi namin siya nakasama a may parte talaga sa akin na nag-aalala hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano ba ang nararamdaman ko para sa kaniya.


Ang weird. Ang buong akala ko kasi puro ayaw ko lang sa kaniya ang mapapansin ko.


"Sagutin mo naman ang tanong ko!"


"I'm jealous!" Sigaw niya sa akin. Gulat ko siyang tiningnan dahil sa sinabi niya.

Totoo ba? baka niloloko niya lang ako, hindi pwede 'to.

"Selos na selos na ako, may girlfriend na si Priel pero bakit ka pa niya nilalapitan?! Bakit ba siya nalang palagi ang gusto mo, ha?!"

Natigilan ako. Tinitigan ko ang galit niyang mga mata umiwas siya ng tingin at ilang beses na napamura habang napapahilamos sa kaniyang mukha.


"B-bakit ka nag-seselos?" Gusto kong malaman mula sa kaniya. Kahit alam ko na, gusto ko paring marinig mula sa kaniya.

Baka sakaling ayawan ko siya, baka sakaling magalit ako sa kaniya dahil hindi ko inaasahan na maramdaman ko ang pagkagusto sa kaniya.


"Kasi gusto kita, gusto ko na akin ka lang, gusto ko na ako lang ang hahawak o hahalik sayo, Aisha.  Can you choose me? Ako naman?"

Thanks, HaterUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum