01

87 6 2
                                    

"Kalma lang masyado mong dinadaan sa init ng ulo." Pagpapakalma sa akin ni Jacob.

"Ayoko, hindi sila pupunta rito! ayokong makita ang lalaking iyon nakakairita siya."

"Bakit ba palagi kang iretado kay Caelum?" Tanong niya sa akin.

"Yabang e."

"Ah, basta! Kailangan nilang magpunta rito gagawa kami ng project." Napapadyak nalang ako dahil wala na talaga akong choice kundi ang pumayag.

Anong magagawa ko? Condo naman ito ni Jacob at wala akong karapatang magreklamo dahil baka hindi niya ako ihatid mamaya sa dorm sira pa naman ang kotse ko.

Naupo lang ako sa sala habang kumakain ng cheaps at gumagawa ng outputs ko. Narinig ko ang yabang ng mga paa ng kaibigan ni Jacob. Ang ingay pa nila.

"Syempre kailangan 'to—owws." Natigilan ang mga kaibigan ni Jacob nang makita ako.

Maski ako ay natigilan dahil kasama nila si Priel. Akala ko ba mamaya pa sila pupunta? Bakit andito na ang The Daze! ngumisi si Caelum nang makita ang itsura ko gulo-gulo pa naman ang buhok ko.

"Pasensya na hindi ko pala nasabi na andito rin si Aisha. " Tinalikuran ko sila pinulot ko lahat ng kalat ko at patalikod na pumasok sa kwarto.

Ang puso ko. Parang hihimatayin na ako sa kaba, impit akong napatili at nagmadaling maligo at ayusin ang sarili ko. Habang nagbibihis ay naririnig ko ang gitara nila, mukang nagpa-practice sila.

Lumabas ako ng kwarto suot ang maganda kong damit buti nalang talaga at nagdala ako ng damit. Nakaayos rin ang aking mukha nag kilay pa ako para maganda talaga, tinirintas ko rin ang buhok ko at kunwaring mahinhin na umupo sa tabi ni Jacob.

"Iinom ka rin?" Nakangiting tanong ni Rupert.

"Ah, hindi."

"Pinsan ka pala ni Jacob, nakikita na kita dati akala ko'y girlfriend ka ni Jacob." Natawa si Rupert sa sinabi ni Harrison.

"May nakakatawa ba pre?" Taas kilay na tanong ni Rupert. Umiling si Harrison.

"Bobo natawa siya kasi bakit mo pagkakamalang girlfriend ni Jacob si Aisha, eh ang bata pa nito." Sabay turo sa'kin ni Theo.

Napanganga ako sa katangahan nila. Pati si Priel tuloy ay narinig kong tumikhim tahimik naman si Caelum na inaayos ang gitara niya.

"20 na ako." Usal ko nanlaki ang mata ni Theo sabay takip sa kaniyang bibig.

"Oh, sinong bobo ha? Sino?!" Hamon ni Harrison.

"Sorry, alam kong kilala mo na ako dahil nakita na kita noon, Theodore nga pala." Nilahad niya ang kaniyang kamay kaya tinaggap ko iyon.

"Aisha Celestia," pormal kong pakilala.

"Harrison Ford," napalabi ako nang kunin ni Harrison ang kamay ko at halikan iyon. Binatukan siya ni Jacob.

"Hoy gago, hindi ka naman ganiyan noon ah! Porque nalaman mong 20" humalakhak pa si Theo.

"Tangina mo! huwag ang pinsan ko." Harrison snorted.

"Rupert Mendoza, sa aming anim ako ang pinaka pogi."

"Ulol!" Halos sabay sabay nilang sabi.

"Priel...Priel Tiago," nginitian ako ni Priel kaya ngumiti rin ako.

Hindi ko na hinintay na magsalita si Caelum mukang ayaw naman niyang magpakilala ng pormal.

Tahimik ko silang pinagmamasdan sa ginagawa nilang project na medyo may inuman si Priel ang gumagamit ng laptop habang ang mga kasama niya ay nagdadaldalan maliban kay Caelum na nakatutok sa kaniyang tablet at mukang naglalaro lang naman. Napansin ko ang hiwa sa kaniyang kilay, sinadya ba iyon? argh pake ko naman.

Tumayo ako para kumuha ng makakain ni Priel kumuha ako ng lasagna at inihanda iyon para sa kaniya. Pagbalik ko sa sala ay puro sila nakatingin sa akin sinundan nila ako ng tingin hanggang sa malapag ko ang pagkain ni Priel.

"How about me?" Nakangusong tanong ni Theo.

"Ako? Beh ako?!" Naiiyak na protesta ni Harri.

"Bias naman niyan, paano kami?" Nakangusong usal din ni Rupert. Bumaling ako kay Caelum gunilid niya ang kaniyang ulo at mukang hinihintay ang sasabihin ko.

"Hindi naman kayo gumagawa!"

"Magkaiba kami ng course, kailangan talaga ni Priel na gumawa ng papers nila." Pakikisabat ni Jacob sinamaan ko siya ng tingin.

Sa huli, lahat sila ay pinaghanda ko ngiting proud tuloy sila habang si Caelum ay hindi pa rin ginagalaw ang pagkain niya.

"Pre, galawin mo 'yan baka maubos 'tong alak na walang laman yang tiyan mo." Natatawang sabi ni Theo napatingin tuloy ako sa lasagna ni Caelum.

"Ayoko baka may lason." Seryosong usal ni Caelum. Grabe! hindi ako makapaniwala sa pagiging hambog niya.

"Edi sana bumili ka nalang ng pagkain mo." Parinig ko sa kaniya.

"Wala naman akong sinabi na bigyan mo'ko." Aniya pa. Ang yabang niya talaga nakakainis.

Pinipigilan ko ang sarili ko na mainis sa kaniya dahil nasa harap lang namin si Priel.

"Fine, edi huwag mong kainin."

Narinig ko ang mahinang pag-ubo ni Priel, napahiya na naman ako mukang istorbo kami sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at napangiti rin ako nang makita na inubos niya ang lasagna.

Kinabukasan sinalubong ako ni Clarisse para ipakita ang nakuha niyang ticket para sa concert ng The Daze. Excited ako dahil makikita ko na naman si Priel, gugustuhin ko siya kahit na malayong maabot ko ang isang tulad niya.

"Sus, bet na bet niyo porque long hair? hindi naman bagay sa kan'ya!" Sabi ko habang nags-scroll ako sa facebook dumaan kasi sa news feed ko ang isang shared post kung saan naroon ang picture ni Caelum na nasa stage at may hawak na gitara. Profile niya iyon.

Nag angry react ako sa mismong profile niya at nag-comment.

'Hindi naman bagay yung hair, lol'
Aisha Celestia

Imposibleng mabasa niya ang comment ko dahil libo na ang comments roon. Natawa tuloy ako sa sarili ko, ewan ko ba hate na hate ko talaga ang hambog na iyon. Pero sa totoo lang bagay talaga sa kaniya ang buhok niyang iyon. Ayoko lang sa ugali niya na akala mo laging galit kung makatingin sa akin.

"Aisha! tara na, girl." Sumama ako kina Simone para kumain ng lunch.

Tinapos lang namin ang ilang subject bago bumalik sa dorm, magkasama kami ni Clarisse kaya hindi na ako kinakabahan pa. Dati kasi yung dalawa kong room mate sobrang creepy may dinadasal sila at palaging naka itim natakot ako kaya lumipat ako ng dorm at doon ko nakilala ang kaibigan ko na si Clarisse, samantala si Simone ay nakilala ko lang din noong highschool.

"Ito, ayos na ba ang suot ko?" Tanong ko kay Clarisse habang pinapakita ang suot kong white crop top na may Balenciaga na tatak naka maong shorts lang din ako at white shoes.

"Gorabels ang outfit mo, girl!" Aniya napangiti ako.

Nagmamadali kami na pumunta sa mismong event dahil baka mapuno ang stadium. Gabi na rin at maraming tao talaga ang dumalo, sobrang sikat talaga ang banda nila kaya hindi malayong malaki ang kinikita nila rito.

Hinanap kaagad ng mata ko si Priel nakita ko sila sa backstage kasama ang pinsan ko kaya napangiti ako. Nakakatuwa talaga siyang pagmasdan.

Habang hinihintay ang kanta nila ay may nag pop na notification sa cellphone ko. Kumunot ang noo ko bago iyon buksan.

Caelum Nazarro replied to your comment:

'K. Rate my hair later.'

360 reacts sa reply niya. Nakita niya 'yon?! Pero... ang dami kayang nag-comment sa profile niya, pocha! anong ire-rate ko sa hair niya?!

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now