22

23 1 0
                                    

Awkward feelings embrace me as all my body are getting cold, anong oras ba kami matatapos? sobrang awkward nito. Gusto kong umalis kasi hindi ko na kaya ang aking nakikita.... ang sakit.

"Chini-check ko pa ang schedule ko sa darating na weekends, Aisha is going back to the Philippines so I will visit Paris first while she's away." Napalunok ako sa paraan ng pagtitig sa akin ni Caelum. Tila ba kinamumuhiaan niya ako at hinuhusgahan.


"Really?! uuwi rin kami ni Caelum roon, sabay na tayo?" feeling close naman ang babaeng ito.

Peke akong ngumiti. "May kasabay na kasi ako..."


"Ayoko ng may kasabay." Seryosong sambit ni Caelum. Napayuko ako at napatitig sa kubyertos na nasa plato.



"Awts"


"Are you okay?" biglang bulong ni sir Atlas. Ngumiti ako sa kaniya at tumango. "do you want to go home? I'll take you—"



"Sige na, ako nalang mag-isa." Sambit ko."Medyo inaantok na rin kasi ako 'tsaka baka hinahanap na ako ni Clarisse." Bulong ko rin sa kaniya.


He's nice to me, ngayon lang siya naging ganito sa akin. At ayoko namang maging bastos kung aalis ako ng walang paalam sa kaniya. Ayoko lang talaga sa nakikita ko ngayon, nawalan ako ng gana.



"Gabi na..." tumango siya at walang nagawa. "Alright, ihahatid nalang kita diyan sa labas." Tumango rin ako bilang pag-sangayon.


Sa huli, mag-isa akong umuwi dala ang walang bahid na pagkilala sa akin ni Caelum.

°°°

"Seryoso nga?!" gulat na tanong ni Clarisse nang ikwento ko sa kanya ang nangyari sa akin ngayong gabi.


Tumango ako sa kan'ya at napahinga ng malalim. Feeling ko mababaliw ako at hindi na makakatulog! pa'no ba naman kasi hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan si Caelum.

Nagbago nga siya pero hindi ko naman inaasahan ang pagbabago niya sa ganitong paraan.

"Mahal mo pa?" napayuko ako at nilaro ang kutsara sa aking kape.

"Kapag ba sinabi kong hindi... mawawala ba ang sakit?" Clarisse sighed, she stood up and leaned over to hug me.


"You just did your best, Aisha and a
I think you really need to move on from the past... gano'n narin yata ang ginawa ni Caelum.


Clarisse is right! kailangan kong mag-move-on sa lalaking 'yon, iyon kung mawawala ang nararamdaman ko para sa kaniya? ang hirap naman! bagsak pa rin ang balikat ko nang pumasok ako sa trabaho.


Halos lahat sila ay ganadong nagta-trabaho habang ako ay ilang beses nang napabuntong hininga.

"Later, after lunch, you have a meeting with Ms. Daez, sir, may naka-schdule rin after ng meeting ninyo kay—"


"Ano kaya kung samahan mo muna si Caelum?" natigilan ako at gulat na napatingin kay Atlas.

"Pardon?"


"Well..." kinagat niya ang ibabang labi niya. "Sobrang busy ko mamaya, hindi ko siya masasamahan sa Hermioso, what do you think?" Napahilot ako sa aking sintido.


Kung sasamahan ko si Caelum, paano na? baka patayin na niya ako sa malamig niyang titig! argh! bakit ba ang malas ko?


"Ms. Celestia?" wala akong nagawa kundi ang tumango.


"Sure... sir," bakas ang tuwa sa kaniyang mukha. Lumabas ako sa office at mabilis na sinabunutan ang sarili.

"Malas! Bwisit!" Iniritado kong sigaw sa sarili. Mahina lang iyon baka isipin nila na nahihibang na ako.


Bumalik ako sa aking pwesto. Binuksan ko ang laptop at parang kusa nalang gumalaw ang daliri ko sa kamay para buksan ang dati kong social media acoount, hindi ko naman nakalimutan ang password nito dahil noong pinalitan ko ito dati nilagay ko ang monthsary namin ni Caelum.

Gano'n ako magmahal! kemi!

Ang daming messages at notifications sa fb ko pati narin sa Instagram. Seryoso ako habang tinitignan ang mga iyon.

Ang ilan sa message ay nagmula pa sa mga college friends ko at ang karamihan naman ay sa mga fans ng The Daze, 'tapos ang iba ay sa mga kaibigan namin ni Jacob.

Priel Tiago:

Hey, wassup?! I can't call you on your number, did you change your number? paano ka namin makakamusta niyan?

Harrison Ford:

Hoy! bunsoy! ano balita sa ’yo?

tangina men! lasing na lasing si Caelum, sinapak pa ako!

Huy! Online ka naman, gago di ba nabubulok account mo?!

Napailing ako sa mga messages ni Harrison, 2 taon na ang ibang messages nila ang iba naman noong nakaraang taon lang.

Rupert Mendoza:

Uy, musta?

Happy new year! hindi ka namin matawagan, sana okay ka lang.

Theodore Castillo:

Oy! nuna?

Parang nagparamdam sa akin si Jacob, gagi! napanaginipan ko siya, pinapagalitan ako dahil bobo ko raw sa babae! Pota! hanggang sa panaginip ba naman.

Natawa ako sa mga messages nilang apat. Namiss ko tuloy ang samahan nila noong nasa studio pa kami. Simula kasi nang mawala ang pinsan ko, hindi ko na nabalitaan ang tungol sa The Daze.

Napalabi ako nang makita ang isang message na puro unsent.

Caelum Nazarro:

Where are you?

I'm lost. I don't know where I am ha-ha.

I'm not in the band anymore. Kusa akong umalis.

Caelum Nazarro unsent a message.

Caelum Nazarro unsent a message.

Caelum Nazarro unsent a message.

Caelum Nazarro unsent a message.

Puro na iyon unsent 2 years ago na rin ang iba habang yung iba pa ay simula noong umalis ako sa pinas. Biglang kumirot ang dibdib ko sa mga nabasa. Sobrang guilty ang nararamdaman ko ngayon, parang dahil sa akin kaya... tuluyan nang nagbago ang lahat. I'm guilty but at the same way I'm proud.

I'm guilty because I left them and was selfish at that moment, I'm proud because if I didn't do that we might be suffering the same way now.

Binalikan ko ang mga nakalipas na issues sa pinas about showbiz and musics. Nabasa ko ang balita na tuluyang nawala ang The Daze, naunang umalis si Caelum sa grupo pero noong nalaman nina Priel ang number ko't nagkausap kami hindi nila binanggit ang tungkol rito.

Akala ko...Itutuloy nila ang kanilang nasimulan. Hindi pala.

"Ms. Celestia," napabalikwas ako at mabilis na in-off ang laptop ko nang marinig ang baritong boses na iyon.

Just like last night, his gaze was still cold on me.

"B-bakit? anong ginagawa mo rito?"

"Hindi ba nasabi sa'yo ni Atlas?" Taas kilay niyang tanong.

Naalala ko na kasama nga pala niya ako para bumisita sa Hermioso. Lumunok ako nang mapansin na sobrang lapit na pala namin sa isa't isa.

"S'yempre hindi ko malilimutan iyon!" Pilit kong ikinalma ang sarili.

He smirked. "Good, akala ko kasi mabilis kang makalimot." Aniy sabay talikod na tila may nais ipahiwatig sa sinabi niya.

Baka siya ang nakalimot!

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now