18

17 2 1
                                    

Whenever I have a crush or something, my cousin is always there to give me advice. Whenever I was sad, he would buy me food to cheer me up.

Naalala ko noon, bagsak ako sa second sem noong Senior high palamang ako. Sobra akong nanlumo noon kasi hindi ko talaga inaasahan na babagsak ako dahil sa research namin. Tinulungan ako ni Jacob para makabawi ulit at dahil sa ginawa niya nakapag tapos ako ng highschool.

Sa tuwing wala ang parents niya, pupunta siya sa amin para manood kami ng iba't ibang movies. Naalala ko rin noong minsan na aminin niya sa akin na napagalitan siya sa school at nasama sa guidance dahil sa akala nila nakikigulo si Jacob sa mga nag-aaway.

Sa lahat ng pinsan ko, si Jacob lang ang masasabi kong iba sa lahat. Ginagawa niyang pamilya lahat ng mga nagiging kaibigan niya, hindi mahirap sa kaniya ang makisalamuha sa ibang tao. Tuwang tuwa pa ito kapag may bago siyang kaibigan.

Siya yung tipong yayakapin ka kalag may problema ka, sasamahan ka kung down na down ka na. Siya 'yon, ang pinsan ko na ngayon ay wala na.

Sobrang sakit sa akin na makita siya ngayon na nakahiga, namumutla at wala ng buhay. Muling kumawala ang luha sa aking mga mata habang sina tita at tito ay nasa labas, umiiyak si tita ngayon dahil sa sinapit ng kaniyang anak.

"Sabi mo babalik ka..." Mahina kong bulong. Yumuko ako at halos mabasa na ang kumot na nakatabon sa kalahating katawan ni Jacob.

Gasgas ang kaniyang kabilang pisngi at may pasa rin ang kaniyang katawan gawa ng tumilapon siya ng sobrang lakas.

Nasabi sa amin ng mga pulis at pinakita ang CCTV sa naganap na aksidente. Kitang-kita kung paano tumawid ang bata na niligtas ni Jacob kung kaya't siya ngayon ang napuruhan ng track tumilapon si Jacob sa poste at at nakaladkad pa ang kaniyang pisngi.

"Bwisit ka, buhay mo yun e." Muli akong humagulgol at mahigpit ang kapit sa kumot.

"Uh, miss?" Pinunasan ko ang luha ko at hinarap ang lalaking nagdala kay Jacob sa hospital.

"Pinabibigay ng mga pulis." Inabot niya sa akin ang isang supot kung nasaan ang usb na kinuha ni Jacob sa kaniyang condo.

Tinanggap ko iyon at pinagmasdan ang sticker na nakadikit.

Vids.

Tumingin akong muli kay Jacob na payapa na ngayong namamahinga. Hindi ko kayang makita siya, sobrang sakit.

Umuwi ako sa condo ni Jacob. Kahit ngayon lang, gusto ko siyang maramdaman ulit gusto ko siyang yakapin.

"Jacob! nasasaktan ako!" sigaw ko sa loob ng condo niya. Nahagip ng mga mata ko ang alak sa ibabaw ng ref. Binuksan ko muna ang ref at mas lalong naiyak nang makita ang mga stocks niyang pagkain para sa akin. May nakasulat pa na notes kung nasaan ang para sa akin.

"Ano ba 'yan! pinapaiyak mo naman ako ih." Tumawa pa ako at nagkunwari na kausap ko lang siya ngayon.

"Alam mo ba, ang ganda ng performance nila, kaso late ka e. Ikaw pa naman itong palaging nagmamadali pagdating sa gig ng mga kaibigan mo!" Patuloy ko pa sa pagsasalita.

Kinuha ko ang alak at binuksan iyon kumuha ako ng dalawang baso at sinalinan iyon.

"Congratulations, Manager! napaka-husay mo talaga, proud ako sa'yo kaya dapat magcelebrate tayo!" Nilapag ko ang dalawang baso na may lamang alak sa lamesa.

Nilagok ko ang alak hanggang sa mangalahati iyon. Natulala ako habang pinagmamasdan ang baso na para kay Jacob.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?" Wala sa sarili kong tanong. Napapikit ako't napahilamos sa aking mukha habang umiiyak.

"Paano na ako bukas?! sino ang gigisingin ko? sino ang gigising sa akin ha?! Jacob sumagot ka naman oh!" Patuloy ko sa pag-iyak.

Nakatatlong alak na ako at ramdam ko na ang tama nito sa sistema ko pero hindi pa rin maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Sinawalang bahala ko rin ang mga missed called at messages sa cellphone ko.

Kahit iika-ika ako ay lumakad pa rin ako patungo sa kwarto ni Jacob para silipin siya roon. Nakakainis talaga! Ang tagal niyang umuwi. Bigla akong nalungkot at naiyak.

Napansin ko ang tv ni Jacob at ang usb na hawak ko. Lumapit ako roon at sinalang ang usb naupo ako sa ibaba ng kama at sumandal roon habang umiinom ng alak. Nag-play ang video at ang intro nito ay ang The Daze kasama kaming tatlo nina Clarisse.

"Ang oa mo, ano ba 'tong ginagawa mo Jacob?!" Inis kong reklamo habang hawak ni Jacob ang camera habang tinatali ko ang buhok ko.

"Pinsan ko nga pala, si Aisha Celestia. Makulit ito at matigas ang ulo, nga pala itong video na ito ay parang special na pasasalamat lang sa kanila dahil tinulungan ako sa hirap at ginhawa."

"Huh? Ang drama!" Tinawanan niya ako sabay gulo sa buhok ko na tinatalian ko.

Natawa ako kasabay ang luhang pumapatak sa pisngi ko.

"Wala namang paboritong pagkain si Aisha kasi patay gutom yan ubos lahat ng pagkain ko rito sa condo. Pero alam niyo naman mabait ako kaya ayos lang, thankful ako kasi dumating siya. Kung hindi dahil sa kaniya baka wala akong pinsan na sumusuporta sa akin ngayon, malayo rin kasi ngayon ang isa ko pang pinsan na si Aven. Pero close ko rin iyon. Iba lang talaga itong si Aisha masyadong pasaway!"

Si Aven... Ang sabi niya manonood siya sa performance ng The Daze, tumawag siya sa akin kanina pero hindi ko siya nasagot.

"Salamat nga pala sa mga kabigan kong gago riyan, lalo ka na Caelum!" Tumatawa siya sabay pakita kay Caelum.

Nasa condo na siya ngayon ni Caelum. Muling bumalik ang galit ko sa lalaki.

"Binata na 'to e, nililigawan pa pinsan ko tanginang 'to." Tumawa si Caelum sabay peace sign sa video.

Pinahid ko ang luha na kumakawala sa mata ko. Marami siyang sinabi tungkol sa pinagsamahan nila ng mga kaibigan niya. Miss na miss ko na agad si Jacob hindi ko kakayanin na wala siya rito, na hindi na muling maririnig ang boses niya.

"Ipagpatuloy niyo lang, huwag kayong hihinto anoman ang mangyari, kung mawala man ako..." Napatitig ako sa screen. Mag-isa nalang siya ngayon sa kwarto niya.

"Kung mawala man ako, isipin niyo lahat ng paghihirap natin para lumago. One day lahat ng tao na humahanga sa grupo natin ay mamahalin tayo ng lubos tulad ng pagmamahal ko sa inyo. Congratulations agad, mga bunso!"

"Magpatuloy kayo,"

Yumuko ako at niyakap ang sarili ko habang nasa loob ng madilim at tahimik na kwarto ni Jacob.

Mahal na mahal kita, kuya Jacob.

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now