19

17 2 1
                                    

Tw: mention of the dead person and trauma.

Napahawak ako sa aking ulo nang maramdaman ang kirot niyon, bumangon ako dahil tumatama na sa akin ang sikat ng araw. Nagising ako dahil sa malakas na tunog ng cellphone ko.

Kinuha ko iyon at tiningnan ang tumatawag.

It was Clarisse.

Bumuntong hininga ako habang nililibot ang tingin sa buong kwarto ni Jacob. Muling gumuhit ang sakit sa aking puso. Sinagot ko ang tawag.

"Aisha? nasaan ka? kagabi ka pa namin hinahanap!" hindi ako sumagot, alam kong pati siya ay nagluluksa ngayon. Paos pa ang boses niya.

"Aisha... sumagot ka naman oh, nandito sina Priel sa bahay niyo." Wala pa rin akong gana. Nilapag ko lang ang cellphone sa sahig at tumulala sa kisame.

Wala na talagang Jacob na bubungad sa akin at makakasama ko araw-araw. Sabi niya, magpatuloy daw kami pero hindi ko yata kaya kung wala siya.

"Tangina naman Jacob!" Sigaw ko kahit ubos na ang boses ko.

Pinilit kong bumangon at ayusin ang sarili ko. Ayokong dumalo sa burol ng pinsan ko, hindi ko kayang makita siya roon na nakahiga sa kaniyang kabaong.

Muling pumasok sa utak ko ang kaniyang mukha habang masayang masaya para sa kaniyang mga kaibigan. I realized that is he also happy with himself? is he proud of what he achieved? Kasi kung ako, masaya ako sa mga nakamit niya.

Sobrang unfair talaga ng buhay, kung sino pa iyong may mabuting hangarin sila pa ang naglalaho. Pa'no ko pa haharapin ang lahat kung wala na siya?

Pagod na pagod ang buong katawan at mata ko nang lumabas ako sa kwarto. Niligpit ko ang mga gamit ni Jacob na kinalat ko kagabi at binalik iyon sa pagkakaayos. Pagkatapos kong mag-ayos ay iniwan ko ang unit niya. Pagkalabas ko ng building napalabi ako nang makita ang lalaking nag-aabang sa akin.

Halatang nag-aalala at balisa ang kaniyang itsura, magulo ang buhok at halatang walang tulog. Nilampasan ko lamang siya at naghintay ng taxi.

"Aisha!" Muling bumalik ang galit ko kay Caelum.

Parang madali lang sabihin sa kaniya na wala na si Jacob parang wala lang sa kaniya ang buhay nito. Hindi niya manlang binigyan ng respeto!

"Aisha—"

"Bitaw!" Hinigit ko ang kamay ko nang abutin niya iyon.

Mapungay ang mga mata niya ngayon at namumutla siya.

"I'm sorry...mag-usap tayo please?" Nakuyom ko ang kamao ko. "Pupunta ka ba kay Jacob? s-sasama ako, baka hinihintay na niya tayo." Kumunot ang noo ko sa huli niyang sinabi.

"Baliw ka ba?!"

"H-ha?" Naguguluhan niyang tanong. "Tumawag si Jacob sa'kin." Mas lalo akong naguluhan sa kaniya.

"Puntahan daw natin siya sa studio, baka hinihintay na tayo—"

"Caelum!" Natigilan siya at natulala sa akin.  "W-wala si Jacob... wala na siya," siya naman ngayon ang kumunot ang noo.

Ano bang nangyayari sa lalaking 'to? parang lutang ang kaniyang isip habang nakatulala sa akin. Dumating ang taxi at imbis na ako ang sumakay pinauna ko na siya. Tahimik kaming pareho habang nakasakay sa taxi napansin ko na hindi mapakali ang kaniyang kamay kaya umangat ang tingin ko sa kaniya, nakadungaw lang siya sa bintana.

Bakit imbis na magalit ay tila naawa pa ako kay Caelum? mahal na mahal ko siya pero sinawalang bahala niya ang pagkamatay si Jacob na animoy hindi ito naging kaibigan. Huminga ako ng malalim pareho kaming pagod.

Thanks, HaterTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang