06

58 2 0
                                    

"Merry Christmas!" Napamulat ako nang sumigaw si Jacob pinaputok niya pa ang confetti habang may hawak na salad.

"Noche buena na, kain na tayo." Nilapag niya ang salad sa lamesa. Tumayo naman si Caelum at lumapit sa hapag.

"Wala bang lason 'to?" Sinamaan ko ng tingin si Caelum.

"Sa tingin mo ba makakain yan ni Jacob kung may lason?" Masungit kong tanong.

"Baka kasi mamaya bumula na ang bibig niyan."

"Hoy! Masarap kaya, gusto mo paalisin kita rito?!" Singhal ko sa kaniya tinawanan nila akong dalawa.

Pinatuloy ni Jacob si Caelum sa condo niya dahil wala raw itong kasama ngayong pasko. Gusto ko pa sanang magtanong pera baka masyadong personal.

Nag live din ang The Daze at umani iyon ng milyon views, bilib din talaga ako sa kanila dahil simula nang makapasok sila sa MIV studio ay naging tuloy tuloy na ang kanilang gig, kahit hindi pa umaabot ng buwan nang magsimula sila.

Tumahik na rin ang mga bashers ko. Emz! Oo bashers ko sila dahil puro hates ko ang napapansin nila. Pero kahit gano'n naiinis pa rin ako kay Caelum!

"Ang sakit na ng t'yan ko." Reklamo ni Jacob habang hinihimas ang tiyan niya.

Iniiwasan ko na makita sa camera dahil naka live pa rin sila ngayon.

"Lamon pa, grabe mas patay gutom kapa sa'kin." Tumatawang sambit ni Harrison sa live.

"Ah gano'n? ginaganito niyo ang manager ninyo?"

"Luh si oa" natawa ako sa kanila. Napansin ko ang pagtingin sa akin ni Caelum kaya pinaningkitan ko siya ng mata.

Hinayaan ko nalang siya at inabala nalang ang sarili ko sa mga regalo. Tinapos na ni Jacob ang kanilang live at nagpaalam na aalis muna dahil tinawagan daw siya ng MIV nagmamadali pa nga itong umalis kaya kaming dalawa nalang ni Caelum ang naiwan sa condo.

Ako na ang naghugas sa mga plato at naglinis sa kusina pagkatapos ay niligpit ang ibang pagkain at nilagay sa ref. Hindi pa ako inaantok kaya binuksan ko muna ang veranda at naglagay roon ng upuan nagtimpla din ako ng chocolate drink.

Nabaling ang atensyon ko kay Caelum nang lumabas siya sa kwarto na may dalawang acoustic guitar, nakasuot na siya ngayon ng pantulog na kulay blue. Ako naman ay naka-kulay sky blue na pantulog.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa magtama ang mga mata namin. Tipid siyang ngumiti at naglagay din ng upuan sa tabi ko.

"You want to try?" tanong niya habang hawak ang gitara.

Sa totoo lang curious ako kung paano gamitin iyon, palagi ko silang napapanood sa practice nila at gig at may parte sa akin na gustong matuto sa music.

"Can I?" tipid siyang tumango at binigay sa akin ang gitara, pansin ko na wala na ang hikaw niya sa tenga.

Pinuwesto ko muna ang gitara sa lap ko at kinalabit ang string non. Napangiwi ako dahil ang pangit ng ginawa ko narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Caelum.

"Ang hirap naman!"

"Yeah." Napanguso ako at binalik sa kaniya ang gitara.

"Gaano kana katagal nag-gigitara?" Tanong ko sa kaniya. Maayos siyang kausap ngayon.

"Since elementary, I guess? hindi ko na matandaan." Sagot niya.

"Hindi nagagalit ang parents mo dahil mas lamang ang gigs mo?" Yumuko siya at kinalabit ang gitara parang big deal sa kaniya ang tanong ko.

Mali yata na itanong iyon sa kaniya.

"They're always mad at me. Wala ng bago."

"Is that the reason why you are here?" Gumalaw ang sulok ng labi niya bago siya tumango.

"Wow, may care ka na ngayon sa buhay ko?" nakangisi niyang tanong. I just facepalmed at his craziness.

"Nagtanong lang!"

"Oh," asar niya pa. Pakiramdam ko tuloy pinagti-tripan na niya ako. "Merry Christmas." Napatingin ako sa kaniya nakatitig siya sa akin.

"Merry Christmas..." Natahimik kaming pareho. Ramdam ko ang lamig ngayon dahil nasa labas pa rin kami kahit madaling araw na.

"You really like Priel right?" Tanong niya.

"Oum." Gusto ko si Priel, pero hanggang doon lang 'yon hindi ko na siya pwedeng mahalin dahil takot din akong masaktan at masira ang communication namin sa isa't isa.

"Ni minsan ba naisip mong umamin sa kaniya?" Tanong ni Caelum.

Madalas. Madalas kong naiisip na umamin na lang dahil kung minsan ay hindi ko na mapigilan ang sarili ki. Pinipigilan ko na mahalin siya sa malayo dahil kahit ganitong gusto ko pa lang ay ay nasasaktan na ako kapag naiisip na hindi niya ako magawang gustuhin.

"Kung aamin ba ako may pag-asa?" Balik tanong ko. Ramdam ko na natahimik si Caelum sa tanong ko.

"Psh." Napatingin ulit ako sa kaniya. Kinuha niya ang gitara.

"Yabang mo talaga!"

Gulat siyang napatingin sa akin. "Luh ano namang ginawa ko sa'yo?" Gulat niyang tanong. Pinipigilan kong matawa sa reaksyon niya.

"Basta, nayayabangan ako sa'yo at naiinis. I can't stop myself from hating you because of your arrogance and sometimes selfish, 'lam mo 'yun? Nakakainis ka sa maraming bagay."

"Bakit hindi mo nalang sabihin na red flag ako para sa'yo?" Taas kilay niyang tanong. Medyo malapit na siya sa akin.

"Red flag ka talaga! naalala ko no'ng Christmas party may kahalikan kang babae, girlfriend mo ba 'yun?!" Medyo nahiya ako dahil parang sinisigawan ko na siya.

Tinawanan ako ni Caelum at parang tuwang tuwa sa naging reaksyon ko. See? He is really irritating me.

"Kalma, baka isipin ko nagseselos ka, babe." Napa-awang ang labi ko at agad siyang hinampas.

"Anong babe?!" Muli siyang tumawa.

"Ang cute mo." He said with a smile, suddenly my heart beat faster so I quickly looked away from him. Gosh! ano ba 'tong puso ko?

"I'll sing to you and then go to sleep after this." Aniya, muli ko siyang pinagmasdan habang tumutugtog siya ng gitara.

"Itaanong mo sa akin sino ang aking mahal," simula niya bigla siyang ngumisi. "Itanong mo sa akin sagot ko'y di magtatagal."

Tumitig siya sa akin." Ikaw lang ang aking mahal ang pag-ibig mo'y aking kailangan, pag-ibig na walang hangganan ang aking tunay na nararamdaman."

Why is it like this? Why is my heart beating worse for him now than for Priel? why do I feel like he is saying those words to me?

"Ang aking tunay na nararamdaman, ikaw ang aking mahal."

We ended up kissing each other. Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit parang ginugusto ko ang pagdampi ng kaniyang labi sa labi ko. It's very strange and I can't believe it myself because I thought I really only hate him.

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now