02

82 4 5
                                    

Am I seeing this correctly? A Caelum Nazarro with long hair cut his hair? hindi na ito kahabaan na mas lalong bumagay sa kaniya. Ito ba ang sinasabi niya sa reply niya sa akin? psh.

You replied to Caelum: 0/10 baduy.

Tumili tuloy ang mga babae nang makita ang The Daze, napalabi ako nang makita si Priel na iba na rin ang hairstyle. Mas gwapo at ang linis niya talagang tingnan. Si Priel at Caelum lang ang nagbago ng hairstyles yung tatlo ay gano'n pa rin.

"Hi, ikaw ba si Aisha Celestia?" Kalabit sa akin nang babae.

"Yes why?"

She showed me her cellphone, nakita ko ang pangalan ko sa isang fan page ng The Daze puro iyon hates!

"Nandito ka ba para sirain ang The Daze?" Taas kilay niyang tanong, umawang ang bibig ko.

"What?!" Hindi makapaniwalang tanong ko. So big deal pala sa kanila ang comment ko sa profile ni Caelum two hours ago?

"You're a basher of Caelum and we're his fans-their fans, ayaw namin sa mga babaeng maninira lalo na sa idol namin!" Singhal niya tumango naman ang mga babae at ibang tao na narito pati lalaki.

"Excuse me lang ha, wala akong sinisira!"

"But Caelum said you're just a hater! Basher and attention seeker!" Sigaw pa nito.

"Hoy! Hindi 'yan totoo!" Sigaw din sa kaniya ni Clarisse.

"Kaloka ka sis, sarap mong kurutin sa ngala-ngala." Sabat naman ni Simone pinigilan ko silang dalawa.

Inis akong tumungin sa stage kung nasaan sina Caelum, I saw his smile and seemed happy with what was happening now. Hater? Basher? Attention seeker? Siraulo siya!

"If you are a fan, bakit ka nakikialam?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Edi ipinahiya mo lang ang fandom niyo dahil sa isang basher na katulad ko?" hindi siya nakapag salita nang tumikhim si Priel sa mic nahuli ko siyang nakatingin sa direksyon namin bago magsimula ang music.

"Bwisit!"


Kada may gig sila ay napapa away ako bwisit talaga kasalanan 'to ni Caelum tila natutuwa pa sa nakikita niya. Inirapan ko siya.


"Candy, she's sweet like candy in my veins." Biglang nawala ang inis ko nang marinig ko ang boses ni Priel.


"Oh my gosh! Will they all sing?!" Sigaw na tanong ni Clarisse nag-hampasan sila ni Simone sa kilig.

"Baby, I'm dying for another taste." Kanta ni Harrison.

"And every night my mind is running around her thunder's getting louder and louder," Kanta rin ni Theodore habang may hawak silang instruments ngayon ko lang napansin na may tig iisa silang mic. Akala ko they can only play instruments, they know how to sing din pala.

"Baby, you're like lightning in a bottle I can't let you go now that I got it and all I need is to be struck
by your electric love!" Napanganga ako nang makarinig ang boses ni Caelum. Pocha akalain mo 'yun maganda rin pala ang boses niya?

Sabay sabay silang kumanta kaya napuno ng tilian ang buong stadium. Napangiti ako I feel so proud ang sarap nilang pagmasdan na nage-enjoy sa kanilang ginagawa. Habang ang pinsan ko ay gano'n rin proud na proud siya sa mga kaibigan niya.

Kinuha ko ang cellphone ko at pinicturan sila kinalabit ko rin ang dalawa kong kaibigan at nag picture kami. Tinapos namin ang concert at halos mapaos na kami kakatili pati kami ay napagod ang boses.

Natapos ang concert pinauna ko nang umuwi sina Clarisse dahil sasabay ako kay Jacob, kakain muna daw kami.

Habang hinihintay sila na matapos sa pagbibihis ay naupo muna ako sa isang bleacher at pinost ang picture namin kanina. Sinama ko na rin ang picture ng The Daze.

@ItsIsha tonight, so much fun!

Kinagat ko ang ibabang labi ko nang makita sa feed ko ang picture ni Priel na naka sando kitang kita ko tuloy ang biceps niya ack! Nag scroll pa ako. Napairap ako nang makita na naman ang picture ni Caelum na bagong gupit.

@Caelm.Nzr does this haircut suit me?

Ang epal niya talaga! na curious ako bigla sa mga comments at gano'n nalang ang gulat ko nang makita na naman ang mga hates nila tungkol sa akin.

'Everything suits! you are really handsome-opps excuse to the hater out there!'

'Yes bagay na bagay, pakasalanan mo ako! #nohates'

'hahaha ito na yung sinasabi ng hater diyan?'

Argh! Kairita talaga so much!

"Aisha!" Napatingin ako kay Jacob tinaasan niya ako ng kilay.

"Kanina pa kita hinahanap, kain na tayo." Tumayo ako at sumama sa kaniya natigilan ako nang makita ang The Daze na naghihintay sa parking.

"Kasama sila?" gulat kong tanong kay Jacob ngumiti ang pinsan ko at tumango.

"Gutom na rin ang mga kaibigan ko," aniya bago lumapit sa lima.

"Isang kotse lang ang dala namin, kami nalang nila Jacob ang magsasabay." Sabi ni Theo sabay akbay kay Jacob at Harrison nasa loob na ng kotse si Priel at si Rupert na nagpapahinga na.

Hindi pa ako nakakapag salita nang sumakay na sila sa kotse naiwan ako sa tapat ng kotse ni Caelum.

"Hindi na ba kasya diyan?" Silip ko kina Jacob. Napanguso ako dahil hindi sila sumagot mukang pagod talaga sila.

Bumuntong hininga ako at walang nagawa, pumasok ako sa kotse ni Caelum sa likod ako pumwesto.

Naunang umandar ang kotse kung nasaan ang pinsan ko sumunod naman ang kotse ni Caelum.

"Kainis talaga..." Bulong ko pinag-cross ko pa ang braso ko.

"Right, nakakainis talaga bakit ikaw ang nandito?" iritadong tanong ni Caelum.

"Hindi ko gustong sumakay sa kotse mo!" Singhal ko sa kaniya nakita ko ang pag ngisi niya sa salamin.

"Edi ako ang sakyan mo." Napatakip ako sa aking tenga dahil sa sinabi niya narinig ko ang paghalakhak niya.

"B-bastos!"

"I didn't undress you." Inosenteng aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin kahit nagmamaneho siya.

"Subukan mo lang ibuka ang bibig mo talagang babatukan na kita!" Muli siyang tumawa.

"Talaga?" Asar niya pa. "What if I never return you to your cousin?" Nakakaloko niyang tanong.

Niyakap ko ang sarili ko kaya muli siyang tumawa. Nag red light naman kaya huminto tuloy ang sasakyan.

"Lalabas na'ko! I'll take a taxi instead of going with you!" Singhal ko bubuksan ko sana ang pinto kaso naunahan niya ako.

Ni-locked niya agad!

"Caelum!"

"Yes?"

"Open it!" He shook his head.

"I won't," humarap siya sa akin na may ngisi sa akin. "Stay here, I won't let you back-fuck!"

I grinned when he stopped because I bumped my head against his head. Medyo masakit pero sure ako na mas masakit ang epekto sa kaniya.

Asar pa.

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now