05

57 3 0
                                    

I ignored Caelum because I was annoyed by what he said. Ano ba'ng akala niya sa akin, malandi?
gosh I hate him so much!

"Tada! Ang first na nabunot natin sa raffle ay number...six!" Tumayo ang babae kaya pumalakpak kami. Tuwang tuwa ito sa natanggap.

"Ang tagal naman mabunot ang pangalan ko." Nakangusong wika ni Harrison.

"Hintayin mo nalang!"

Naging maingay dahil sa pagtawag ng pangalan habang ang atensyon ko ay nakay Priel na kasalukuyang nakangiti ngayon habang kausap ang girlfriend niya. Grabe, ang swerte naman ni Lynette dahil siya ang mahal ni Priel. Curios tuloy ako kung anong pakiramdam kapag mahal ka ng isang Priel Tiago?

Kaso ang layo layo ko sa kaniya, iyong tipong kalyo lang ako? sobrang ganda at kinis ni Lynette at isa pa, ang hinhin niyang kumilos.

Nakipag kamay ito sa kausap nila ni Priel at parang matagal na talaga silang magkakilala, baka kaibigan nila iyon? kainggit naman.

Napatingin ako sa gawi ni Caelum na nasa gilid 'yung hindi masyadong pansinin ng mga tao. Napairap ako nang makita kung paano sila maghalikan nang kaniyang babae. Tama nga si Jacob babaero nga ito tulad ni Harrison.

I was suddenly irritated. Ayoko sa nakikita ko kaya tumayo ako at lumayo roon. Buti nalang at hindi masyadong mahigpit ang suot kong red satin dress.

"Aisha Celestia!" Natigilan ako nang tawagin ng host ang pangalan ko.

"Me?" Turo ko sa aking sarili. Nakatingin sa akin ang mga tao.

"Ang first player natin, exciting 'di ba?" Tuwang tuwa nitong sabi.

Tinawag ang iba pang kasali sa game kaya umakyat na ako sa stage. Sobrang laki talaga ng bahay nila Priel kaya kaya nilang magpatayo ng stage rito.

Nasali rin si Caelum sa laro pati si Harrison, Jacob, Theo at Rupert parang natatawa naman si Priel sa mga kaibigan.

"Find your partners, everyone!" Napalunok ako dahil hindi ko alam kung sino ang gagawin kong partner.

Napanguso ako dahil nakahanap agad si Jacob ng partner. Akmang lalapit ako sa babae naunahan naman ako. May humili sa akin kaya impit akong napatili.

"Okay! completed na sila!" Pumalakpak ang mga tao habang ako ay nahihiyang tumingin kay Jillian.

"Buti nalang hinila kita agad," aniya napailing naman ako habang nakangiti.

"Ang mechanics ng ating laro for tonight, kapag stop ng music syempre hihinto rin kayo sa dyaryo at kung ano ang inutos namin iyon din ang susundin niyo, copy?"

Nagsimula na ang tugtog kaya sumabay na rin kami we were both waiting for the song to stop until it stopped so we quickly went to the dyaryo.

"Aba! Ang gagaling!" Isang couple lamg ang natanggal.

Nagsimula ulit ang kanta, bahagya akong nagulat sa pag bangga sa akin ni Caelum dahil magkalapit lang kami seryoso siya at hindi manlang kumikilos!

The song stopped. Halos madikit ako kay Jillian dahil bukod sa matangkad siya, pinapaliit din ang papel sa pagitan namin.

Natanggal ang tatlong pares kasama na si Rupert at ang partner niya.

Muling nagsimula ang kanta natatawa nalang kami ni Jillian dahil pareho kaming inaabangan ang paghinto ng kanta, bukod pa ro'n kinakabahan ako dahil paliit na nang paliit ang papel.

Again, the song stoped kaya humakbang na ako sa papel pero hindi kaya. Nagulat ako nang buhatin ako ni Jillian nang pa bridal style kaya marami ang tumili.

"Ang husay!" Sabi ng host. Binaba na ako ni Jillian kaya pakiramdam ko tuloy ay sobrang pula na ng pisngi ko.

"In the last round, you will switch partners after all there are only two couples left!" Napatingin ako kay Caelum at sa babeng partner niya. Nakita ko ang pag igting ng kaniyang panga, umirap pa siya sa akin!

Bumaling din ako kila Jacob na nakatingin din sa gawi namin, tinaasan niya pa ako ng kilay na tila nagbabanta.

Huminga ako nang malalim bago kami ipagpalit. Hindi ako makatingin kay Caelum habang si Jillian ay nasa akin ang atensyon.

"Look at me," bulong ni Caelum sa malamig na boses. Hindi ko siya sinunod.

"Look I said." Umirap ako sa kawalan bago siya tingnan.

"Ano?" Hindi pa ako okay sa sinabi niya sa akin kanina. Parang tinapakan niya ang ego ko!

Dumadaldal pa ang host kaya nakakapag-usap pa kami ni Caelum.

"Earlier... I'm sorry for what I said earlier." Mahinang aniya siya naman ang hindi makatingin sa akin.

"Hindi ko marinig." Pagsisinungaling ko.

"Sinabi ko na 'wag kang bingi." Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pagtawa.

"Hindi ko nga narinig!"

"I said, I'm—" The music started so I smirked to him.

"Dance first so I can forgive you." Hamon ko sa kaniya, umawang ang kaniyang bibig.

"I won't."

"Okay, I will not forgive you. Manigas ka!" Inirapan ko siya habang sumasabay ako sa tugtog.

"Hey, goodluck." Ani Jillian habang magkatapat kami. Ngumiti ako sa kaniya sabay thumbs up.

Kumunot ang noo ko dahil sumigaw ang mga tao at tila natutuwa sa nasaksihan. Napahinto ako sa pagsasayaw nang makita si Caelum na sumasayaw na ngayon tuwang tuwa ang mga kaibigan niya at nag vi-video pa.

"Nice! Ito na ang pinaka memorable mong ginawa, pare!" Tuwang tuwa na sigaw ni Harrison habang naka video.

Natawa ako bigla. Huminto ang music kaya hinigit ako ni Caelum palapit sa kaniya. Nakita ko ang pagtumba ng partner ni Jillian dahilan ng kanilang pagkatalo habang si Caelum ay sobrang lapit sa akin!

Ayokong gumalaw dahil baka madikit ako sa kaniya. Napalunok ako nang makita ang mapula niyang labi.

Damn! He's so damn hot! I can't get close to him. Akmang aalis na ako nang higpitan niya ang kapit sa akin naririnig ko pa rin ang sigawan ng mga tao.

"Can you forgive me now?" Ngising tanong niya.

I don't know if my heart is beating so fast right now, I seem to be hypnotized by his face. He looks like an angel but has the attitude of a devil.

"Y-yes..." Kinakabahan kong sagot.

Nanalo kami at nakatanggap ng mamahaling champaign at jewelries. Hindi ako makatingin sa kaniya pagkatapos non.

This is not right! I can't like him.

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now