12

32 2 0
                                    

They have been busy for the past few days and now they are here at their gig. Vini-videohan ko sila habang ang mga fans ay tumitili.

"You all can now make your own album, malaki ang potential niyo and one more thing, you guys are the band with the biggest fandom!" Buong galak na sambit ng Manager ng arena.

"We intend to make our own album before the summer fest." Usal naman ni Jacob pareho silang pormal na nag-uusap.

Lumayo ako roon at nakipagsiksikan sa mga audience. Nakita kong pawis na pawis na yung lima. Hinanap ng paningin ko si Clarisse nakita ko siya na tulala lang sa stage hindi tulad dati na sobrang hyper niya.

Nilapitan ko ang kaibigan ko at sinandal ang ulo ko sa balikat niya naramdaman ko nama ang pagkagulat niya.

"May problema ba?" Tanong ko sa kan'ya. Bumuntong hininga siya.

"Ang hirap naman mahalin ni Jacob," usal niya. "Ang hirap niyang abutin, ang hirap niyang sungkitin alam mo 'yon?"

Bukod sa iniiwasan nila ang isa't isa alam kong may something na nangyari. Ayokong manahimik nalang nahihirapan din ako sa kalagayan nila.

"Sinaktan ka ba niya?" tanong ko inalis ko ang ulo ko sa balikat niya at tumingin sa kan'ya.

Lumuluha ang kaibigan ko.

"He rejected me. Nag-assume ako na baka gusto niya rin ako, nag-assume ako na baka may nararamdaman din siya sa'kin. He is very kind to me, ngayon ko lang narealize na mabait pala siya sa lahat masyado lang akong assuming." Tumulo ang luha sa kaiyang mga mata.

"Umamin ako sa kaniya kasi nagbabakasakali ako na baka mayroon din akong lugar sa puso niya, kaso hindi e... wala raw itigil ko na raw ang kahibangan ko." Humikbi siya. Niyakap ko si Clarisse at hinamas ang buhok niya.

"Hindi rin ako gusto ni Priel." Bulong ko. Natigilan siya.

"Hindi ka maman umamin!" Bahagya siyang natawa.

"Umamin ako... nung final exam pa natin, sabi niya he do love me as a friend nga lang." Kumalas si Clarisse sa pagkakayakap.

"Friend zone ba tayo?" Tumango ako kaya natawa siya. Pinunasan ko ang luha sa kaniyang pisngi.

"Hindi ako masyadong nasaktan, siguro kasi gusto natin sila pero baka may iba pang tao na mas deserve natin. Na mas gugustuhin pa natin ng lubos?" She smiled.

Pareho kaming humarap sa stage habang nag-pe-perform ang The Daze.

"Siguro nga. " Aniya.

Pagkatapos ng The Daze ay bumaba sila sa stage at proud pamg pinakita ang mga nakuha nilang kung anu-ano galong sa fans.

"Sikat na sikat na kayo ah, baka 'di niyo na kami kilala kapag tumagal." Ngumuso si Clarisse na parang hindi siya umiyak kanina.

Inakbayan siya ni Rupert. "Nukaba kayo kaya ang best partners ng The Daze!" Ginulo niya pa ang buhok nito.

"Best daw..."

Lumapit si Jacob sa amin at nakipag-apir sa mga kaibigan saglit niya lang na tinapunan ng tingin si Clarisse.

Kainis 'to ah!

"Sorry guys hindi ako makakasama ngayon. Kailangan kong sunduin ang pinsan namin ni Aisha e." Napakurap ako sa sinabi ni Jacob.

"Huh?!"

"Si Aven e, umuwi... ayaw niya raw sa bago niyang mommy." Napapailing niyang sabi.

"Gano'n ba? sige lang, bukas nalang tayo magkita pagodaks na rin kami e." Sang-ayon ni Harrison. Nabaling ang tingin ko kay Caelum na nakatingin din pala sa akin.

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now