17

22 2 2
                                    

Alas-otso na! wala pa rin si Jacob, magsisimula na ang banda at marami na rin ang tao sa stadium medyo malamig ang simoy ng hangin ang akala ko pa naman maiinitan kami. Pero okay na rin ito.

Sumenyas si Harrion at nagtatanong kung nandito na ba si Jacob umiling ako bago ibalik ulit ang astensyon ko sa cellphone.

Jacob's number:

Me:
Saan ka na?

Me:

Hui! akala ko ba babalik ka agad? gaano ba kabigat ang usb na yan?!?!

Wala pa rin siyang reply, halos 30 minutes na ang lumipas nagsimula na ang The Daze kaya nagtilian ang mga tao sa buong stadium nakakabingi ang kanilang mga tinig at sobrang lilikot nilang lahat.

Napatingin ako kay Caelum, ganitong ganito ko siya unang nasilayan noon. Mahaba nga lang ang buhok niya noon at may hikaw sa tenga, kumpara ngayon, maaliwalas at may ngiti na siya sa kaniyang labi. Nagtama ang tingin namin kaya mas lalong lumawak ang pag-ngiti niya.

"Tagal ni Jacob, ante!" Kamot ulong reklamo ni Clarisse.

"Akala ko ba naka-move-on ka na?" Taas kilay na tanong ni Simone habang ang pisngi ay namumula gawa ng blush on.

"Syempre crush ko pa rin siya kahit konti 'no!" Natawa kami sa kaniya.

Time passed but Jacob still wasn't there, maybe it was just traffic but I was nervous for some unknown reason. Nagkaroon ng 5 minutes break ang The Daze kaya nagtungo sila rito sa backstage para itanong kung nasaan na si Jacob.

"Imposible naman na tatakas iyon gayong siya nga itong mas excited sa ating lahat."

Huminga ako ng malalim. Naramdaman ko naman ang paglapit sa akin ni Caelum para bigyan ako mahigpit na yakap. Kalunan ay bumitaw rin siya. Natapos ang kanilang 5 minutes break kaya bumalik na sila sa kanilang pwesto.

Kinuha kong muli ang cellphone ko para videohan ang performance nila, sakaling hindi ito mapanood ni Jacob may video naman akong inihanda. Nakikisabay na rin kami sa pag-cheer.

We were in the middle of cheering and shouting when I was stopped by a message that popped up in my notification. I didn't move immediately and just stared at the screen. Nakaawang ang labi ko at nanginginig ang kamay. Napansin iyon ni Clarisse kaya agad niya akong nilapitan.

Tiningnan niya ang cellphone ko at pati siya ay nagulat sa nabasa. Nanghina ang tuhod ko habang hawak ang cellphone at tulala sa message na iyon galing sa number ni Jacob.

Jacob's number:

Hello? Are you a relative of Mr. Jacob Celestia?

Jacob's number:

I'm sorry if I already messaged here, ako po yung naghatid sa kaniya sa ospital, I just want to let you know that Mr. Ocampo, he lost his life around 6:45 pm here at the hospital, can you come?

I couldn't move immediately while my tears continued to fall, Clarisse covered her mouth and was still shocked. Lumapit na rin si Simone at maski siya ay nagulat at mabilis na ipinaalam iyon sa mga kaibigan ni Jacob dahilan para bumaba sila sa stage.

"Putangina! Ano kamo? patingin!" kinuha ni Harrison ang cellphone na hawak ko.

Umiiyak ako habang nakayuko ramdam ko ang titig nila sa akin at ang katahimikan nilang lima habang ang mga tao sa labas ay nagtataka kung bakit sila umalis sa stage.

"We have to finish the performance. " Sabat ni Caelum kaya masama ko siyang tinignan.

Itutuloy?! paano si Jacob? wala ba siyang balak na puntahan ang kaibigan niya? ang pinsan ko! kahit nanghihina ay nilapitan ko pa rin siya.

"Pupuntahan natin si Jacob!"

"He's gone." Walang emosyon niyang sambit maski mga kaibigan niya ay masama ang tingin sa kaniya. Agad siyang kinwlyuhan ni Priel.

"Wala ka bang gagawin?! anong he's gone?! Bakit parang wala lang sa'yo?!" sigaw ni Priel nakuyom ko nalang ang kamao ko nang itulak ni Caelum si Priel dahilan para mabitawan siya nito.

"Kung pupuntahan niyo siya, itigil nalang natin 'to, walang saysay kung itutuloy pa." Binitawan ni Caelum ang gitara niya at basta lang na nilapag sa sahig.

Damn him! ano bang sinasabi niya?! tumalikod siya para iwan kami roon pero sinusundan ko siya sa sobrang inis at galit na nararamdaman ko para sa kaniya.

"Caelum!" sinundan ko siya nang pumasok siya sa loob ng backstage.

"Caelum! tangina!" umiiyak kong sigaw. Huminto siya at kahit nakatalikod alam kong malalim ang paghinga niya.

"H-hindi mo ba... pupuntahan si Jacob?" Nanghihina kong tanong. Humarap siya sa akin na parang hindi siya yung Caelum na nakilala ko. Sobrang lamig ng mga titig niya at tila walang pakealam.

"Patay na 'di ba? kung pupunta ba ako, mabubuhay ba?" Napalabi ako sa sinabi niya.

Wala lang sa kaniya si Jacob. Mas lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman ko mas lalong kumawala ang luha sa mga mata ko habang naginginig ang kalamnan ko. Ang sama niya. Wala lang lahat ng ginawa ni Jacob lara sa kaniya!

"Ganiyan ba katigas ang puso mo?" galit kong tanong sa kaniya. Natawa siya at napailing.

"Huwag na tayong pumunta roon, Aisha. Hindi naman natin mabubuhay ang pat—" bago pa niya maituloy ang sinabi niya dumampi na ang palad ko sa pisngi niya dahilan para mamula iyon at mapatagilid ang ulo niya.

Hindi siya yung Caelum na nakilala ko. Ibang iba siya ngayon, walang pagmamahal. Walang pag-aalala.

"Don't casually mention that Jacob is dead! b-bakit parang wala lang sayo? kaibigan mo siya 'di ba? bakit Caelum?!" Yumuko siya at umiwas ng tingin.

"Sabi niya babalik siya," rinig kong bulong niya. Mapait siya natawa habang umiiling. "Gago, sinungaling." Paos niyang dugtong.

It hurts so much, that's what Jacob said he'll be back right away. Sabi niya babalik siya, tumingala ako at pinigilan ang paghagulgol ko. Naramdaman ko na lumapit si Caelum sa akin para yakapin ako at kahit galit na galit ako sa mga sinabi niya wala akong lakas ngayon para tulakin siya.

"P-pupuntahan ko si Jacob..."

"Don't."

Tumingala ako sa kaniya. Wala manlang akong mabakas na sakit o pagluluksa sa kaniya.

"Kung ayaw mo, ako ang pupunta." Inalis ko ang pagkakayakp niya. Hinarap ko siya.

Hinarap ko ang lalaking walang puso at walang bakas na pagmahahal ngayon sa aking harapan.

"Ganiyan ka pala, kaya siguro hindi ka nasasaktan dahil alam mo sa sarili mo na hindi mo pinahalagahan ang mga taong nasa paligid mo." Sarkastiko akong natawa.

"Paano kung ako? wala ka rin bang pakelam sa akin? Kung sakaling ako ang mawala?" bumaling ang mata niya sa mga mata ko ngunit wala pa rin akong mabakas na sakit sa kaniya.

"Do I need to mourn the person who is gone?" Walang kwenta niyang balik tanong.

Kumuyom ang kamao ko. Hindi ako makapaniwala na ganitong klaseng lalaki ang minahal ko.

"Kung gano'n, sana ganiyan ka rin kay Caroline."

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now