20

17 1 0
                                    

A few days passed and Jacob was buried but I still didn't have the strength to look at him. Nakatitig lang ako sa kaniyang lapida habang bitbit ang maleta ko.

"I hope he is happy because he helped until the end." Sambit ni Priel habang nasa tabi ko.

"Sana nga..."

"Sigurado ka ba na aalis ka?" Alalang tanong ni Harrison. I smiled and nodded.

The news about Jacob's death spread so they were also surprised and mourned. Pero walang hihigit sa sakit na nararamdaman namin. I smiled again bitterly realizing na mabubuhay na ako ngayon na walang Jacob sa tabi ko.

"Titira ako sa bahay ng Tita ko kasama si Clarisse balak naming sa ibang bansa nalang magtake ng board exam." Sabi ko tumango-tango si Harrison.

Si Simone kasi ay kinuha ng auntie niya simula nang mabalitaan nito ang ginagawa sa kaniya ng kaniyang sariling ama. Kinuha siya bilang designer sa paris dahil magaling din talaga siya sa designs.

"Sana maging maayos kayong dalawa." Alam kong si Caelum ang binabanggit ni Theodore. Ngumiti ako ng pilit sa kaniya.

"Alagaan niyo siya ha? kahit masama ang loob niyo sa sinabi niya, kaibigan niyo pa rin si Caelum."

"Ikaw ang mangiiwan hindi kami." Si Rupert. Mapait akong natawa.

"Ayoko siyang makita na nahihirapan, nasasaktan ako at hindi ko siya kayang tulungan, nabuhay siya na may Jacob na tumutulong sa kaniya." Sambit ko.

"Hindi siya pwedeng magpatuloy habang nasa tabi ka niya?" Kalmadong tanong ni Priel.

Pwede, pero baka masanay din siya sa akin. Paano siya magiging matatag? paano niya malalabanan ang sarili niyang takot kung aasa pa rin siya sa iba?

"Kung nasa tabi niya ako, baka pareho kaming mag-suffer na dalawa."

We said goodbye to each other after that day, I haven't seen Caelum since I left his condo and I haven't heard any news from him either. Namimiss ko siya, sobra, pero kailangan niyang maging matatag. Kailangan naming pareho.

Hindi naman mawawala ang pagmamahal ko sa kaniya, maybe he will lose his feelings for me.

I packed all my things at home, tinulungan ako ni mommy na gawin iyon. Ilang araw ang lumipas simula nang mawala si Jacob, naging tahimik ang buong bahay. Kahit ang mga gamit niya ay tinabi na ni mommy.

"Nasa labas si Caelum," natigilan ako sa pagbibihis.

"Ayaw mo ba siyang kausapin muna bago ka umalis?" Tanong ni mommy. Huminga ako ng malalim at malungkot na umiling kay mommy.

Baka manghina ako at hindi ko maituloy ang pag-alis kung kakausapin ko siya. Kailangan ko munang pigilan ang sarili ko.

Naglakad ako patungo sa bintana para silipin ang lalaki na nasa labas ng gate. Magulo ang buhok at wala sa wisyo. Kumirot ang puso ko habang pinagmamasdan siya sa ganitong kalagayan.

Please be strong.

"May problema din ang nobyo mo anak, pareho kayo. Kung hindi niyo pag-uusapan ito ng maayos bago ka umalis baka... magsisi ka."

Kailangan ko bang gawin iyon? baka masaktan lang siya lalo dahil sa akin, gusto ko na matuto siyang labanan ang takot niya ng mag-isa, kailangan niya munang harapin iyon.

Kasi gusto ko kapag muling nagtagpo ang landas namin pareho na kaming mapayapa ang isip, masakit mang isipin na may mahal kami na lumisan kailangan pa rin naming lumaban.

Sa huli, hindi ko hinarap si Caelum sa likod ako ng bahay dumaan para makaalis. Lumuluha pa ako nang makarating sa airport at salubungin si Clarisse na malungkot na naghihintay.

She hold my hand and cheer me up kahit pareho kaming lugmo.

"Wala kang balak na magpaalam manlang kay Caelum?" Tanong ni Clarisse. "Kahit sa chat manlang."

Umiling ako. "Ayoko, hindi ko kaya." Hindi ko binubuksan ang social media ko at pinalitan ko narin ang gamit kong number. Dahil nga sa pagkawala ni Jacob sunod-sunod ang naging katanungan nila kung paano na ang The Daze, maski ako hindi ko magawang sagutin iyon.


Umaasa ako na magiging maayos din ang lahat pagdating ng tamang panahon.


°°°

We have been here for two weeks, inabala ko ang aking sarili sa office bilang intern pareho kami ni Clarisse pero magkaiba kami ng department. Sobrang hussle ang trabaho rito at madalas pang mainit ang ulo ng aming amo. Kahit papaano ay nakakalimutan ko si Jacob, iyon nga lang kapag busy lang sa work pero pag-uwi hindi makakaligtas ang luha ko at sakit na nararamdaman.


Pinipigilan ko rin ang sarili ko na makibalita sa kalagayan ni Caelum, payapa ang loob ko na babantayan siya ng kaniyang mga kaibigan.


Sana.

"Aisha!" biglang tawag sa akin ni Gabby.


"Bakit?" Pareho kaming pinoy kaya madali sa akin na makausap siya. Tila excited siya, hinawakan niya pa ang kamay ko.


"Pinapatawag ka ni Mr. Chu! mukang hindi ka na intern ngayon, congratulations agad! paano ba maging ikaw?" Ngumuso siya.


Natawa ako at napailing. "Gaga! paanong hindi ako tatawagin non e, hindi ko pa natitimpla ang kape niya."


"Ay?" Natawa kaming pareho.


Pinagtimpla ko muna ng kape ang boss namin tapos ay dinala iyon sa office niya.

"Don't you know how to knock, Ms. Celestia?" Masungit niyang tanong. Napalabi ako.


Lumabas ako sa office sabay sara sa pinto 'tapos ay kumatok.

"Come in." Aniya pagkapasok ko pinaningkitan niya ako agad ng mata. "Are you tricking me to come out and knock again?"


"But you said sir, knock and I know how to knock, you let me in." Taka kong sabi napailing nalang siya bago sumenyas na ilapag ko ang kape.


Totoo pala na inuutusan nila ang mga intern na magtimpla ng kape? psh! muka ba akong taga timpla lang? baka hindi nila alam na isa ako sa apo ng may-ari ng Emerald Company, lolo ko kaya ang CEO roon!

Pinaalis ako ni Mr. Chu, sobrang sungit niya talaga. Pero siguro gano'n talaga ang hilig niya? ang maging masungit.


Tahimik akong ginagawa ang trabaho ko nang mapatingin ako sa picture frame na nasa table ko. Mapait akong napangiti habang pinagmamasdan ang lawaran namin kasama si Jacob. Huling picture namin ito sa huling rehearsal nila suot ang The Daze t-shirt.


Agad kong pinunasan ang luhang kumawala sa mata ko. Huminga ulit ako ng malalim bago magpatuloy sa ginagawa.

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now