11

21 1 0
                                    

"Oh, ensaymada." Iwas tingin na alok sa'kin ni Jacob. Tinanggap ko iyon habang hindi siya nililingon.

"Pinaabot mo pa sa graduation ang tampo mo sa'kin." Aniya habang nakasimangot.

"Sorry na, Aisha." Bahagya pa niyang hinila ang manggas ko. Malalim akong napabuntong hininga bago siya harapin.

"S-sorry din. . . ang totoo kasi niyan-"

"It's okay to like him, tanggap ko na wala akong magagawa." Aniya inayos niya ang kaniyang kwelyo. "Pero gusto ko na maging masaya ka Aisha kapag nasaktan ka huwag kang mahihiyang lumapit at mag open sa akin, tulad ng palagi mong ginagawa dati kapag may problema ka. Andito lang ako hindi bilang pinsan." Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Kundi bilang kapatid, kuya mo."

Caelum didn't let go of me, even though he knew that Jacob didn't want him for me, he didn't show his surrender to love. Halos araw-araw niya akong nilalandi pero nagustuhan ko naman, wala e. Nahulog na din ang puso ko sa arogante at mayabang na iyon.

Sa tuwing may practice sila o gig palagi akong sumasama hindi ko maiwasan na mamangha sa kanila. At kung dati kay Priel nakatuon ang astensyon ko ngayon napupunta na kay Caelum.

Tila isang mahika sa akin na makita siyang tumutugtog--na makita sila na masaya sa kanilang ginagawa.

Dumating na nga ang araw ng graduation, nagulat pa ako dahil kahit puro banda ang inaatupag nung anim nagawa pa rin nilang maging cum laude siguro ay hindi ko talaga mapapantayan ang talino nila.

"Congratulations sa atin!" Sigaw ni Simone. Nagyakapan kaming tatlo may hawak na camera si Clarisse sakto naman na dumating si Jacob.

"Picturan ko kayo?" Alok nito. Nahihya pang iniabot ni Clarisse ang camera kay Jacob.

Pumwesto kami suot ang aming toga't diploma. Lumapit ang lima para makisali nakisuyo si Jacob sa kaniyang Mommy na kung pwede ay kuhaan kami nito ng litrato.

Katabi ko sa Caelum at pareho kaming naka-pagitna. Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko kaya bahagya akong napangiti at saktong pitik ng camera.

"Congratulations, Iha." Niyakap ako ni Tita ang Mommy ni Jacob. "Ang galing, ninyo. Nakakaproud." Aniya pa.

"Syempre po, nagawa nga po naming maging outsiders sa graduation nila e." Natawa si Tita sa sagot ko.

Nagpicture pa kami bago napagdesisyonan na sa studio nalang kami magce-celebrate. Ang ingay nila sa van! puro sila debate kung ano daw ba ang nauna sa manok at itlog. Natampal ko nalang ang sarili kong noo.

Napansin ko si Caelum na tahimik lang habang nakasandal ang ulo sa bintana si Jacob ang driver namin at pareho kaming nasa likod ni Caelum. Kinalabit ko siya dahilan para mapalingon siya.

"Are you okay?" Tipid siyang ngumiti bago umiling.

"Naiinggit ako," mahinang aniya. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko. "A-anong pakiramdam? masaya ba na umattend ang pamilya sa graduation ng anak nila?" I can feel the pain he feels, it's obvious in his eyes and voice.

I kissed him on the lips causing him to be surprised. Nasa likod kami at ayos lang kung makita nila. I like him, I love him. It's unexpected but meeting him is the best experience that happened in my life.

"Congratulations, my love." I whispered he really looks surprised kaya natawa ako.

Pagkarating namin sa studio ay hindi mawala ang ngiti ni Caelum sa labi na tila nanalo ito sa lotto napapataas kilay nalang sa kan'ya si Harrison.

"Si Rupert may pinopormahan na rin yata, si Priel mukang may inaayos na sa buhay niya ito namang si Jacob mukang..." Sinamaan siya ni Jacob ng tingin. "Mukang wala lang, si Caelum—tangina in love ka ba pre?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Harrison.

Sa itsura ngayon ni Caelum halata mo na in love nga talaga siya. Namumula ba naman ang kaniyang pisngi at pangiti-ngiti pa.

"Sobra, sobra." Napatakip ng bibig si Harrison napailing namana ng mga kaibigan niya.

"Pota, napag-iiwanan na talaga ako kasi si Theodore brokenhearted--aray!" Agad siyang binatukan ni Theo. "Ang sakit ha!"

"Manahimik ka nalang kasi." Sambit ni Clarisse.

Pumwesto sila sa sofa habang inaayos namin nila Clarisse ang mga pagkain. Hinanda namin ang alak at pulutan habang sila ay nag-uusap para sa darating summer fest talagang ibinuhos nila lahat ng pagod para rito kaya alam kong magtatagumpay sila.



"Nakausap mo ba ang kapatid mo?" Tanong ni Rupert kay Harrison umiba ang mood ni Harrison.

"Bakit ko kakausapin ang matagal ng wala sa buhay ko?" Seryoso niyang usal kinuha niya ang alak at nilagok iyon.

Sa tagal ko silang nakilala alam ko na hindi lang puso saya ang nasa buhay nila. May kaniya-kaniya silang problema na pinagdaraanan tulad nalang ni Priel, nalaman ko na pinilit lang sa kaniya ang girlfriend niyang si Lynette na may tunay pala itong mahal at hindi siya. Kumbaga sa kanila, ang magulang niya ang batas.

Si Rupert naman ay palaging nagpupursigi para sa kaniyang sarili dahil kinamumuhiaan niya ang kaniyang ama na nagkaroon ng ibang babae.

Si Theodore, masyado siyang masikreto kahit na medyo kalog siya kung minsan, tulad nalang ngayon brokenhearted siya dahil sa isang babae na hindi ko manlang nalaman na umiibig na pala siya.

Si Harrison ang baliw sa kanila pero alam kong may tinatago siya sa amin.

Si Jacob, kahit sabihin ko na suportado siya ng kaniyang mga magulang hindi maalis sa isip ko na baka ayaw niya lang sa parents niya dahil bata palang ito ay hindi na siya inaalagaan at palaging hinahayaan kaya siya palaging nasa bahay namin noon.

Si Caelum, nag-aalala ako dahil napapansin ko ang pagiging balisa niya kung minsan at panlalamig ng kaniyang kamay tulad kanina, ang sabi niya naiingit daw siya. Alam kong sobrang sakit para sa kaniya ang nangyari sa kapatid niya kaya sinisisi niya talaga ang kaniyang sarili.


Si Clarisse, matapang siyang babae pero sobrang hina niya sa pag-ibig ayaw niya sa manloloko dahil cheater ang kaniyang ama at ina pareho itong sumakabilang pamilya.

Si Simone, alam kong sobrang sakit sa kaniya bilang anak na ipagkait ng magulang ang kaniyang gusto. Hindi siya tanggap ng mga ito kaya hanggat makakaya ko ay tutulungan ko siya.

Ako naman, wala naman akong masyadong problema sa pamilya mabait ang parents ko pero minsan hindi ko makuha ang oras namin sa isa't isa dahil pareho silang busy.

Everyone has problems. Even if they say they are smiling and happy, there is a hidden sadness in them.  So I'm not in a position to judge just based on what I see, they need sympathy and I am ready to sympathize with them no matter what happens as long as I can.

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now