10

26 2 0
                                    

triggered warning : Mentioning of abuse.

Harrison:

G'luck, sa exam pasa mo 'to sa 30 katao para makapasa ka sa exam kapag inignore ang mensahe ikaw ay mamalasin habang buhay at hindi makakamit ang iyong pangarap;<

Me:
Anong petsa na, Harrison
jejemon era ka pa rin ba?

He 'haha' react my reply. Ngayong araw sasabak kaming lahat sa matinding page-exam. Nagbibihis ako nang mapatingin ako sa kwintas na binigay ni Priel, pinag-iisipan ko tuloy kung isusuot ko ba iyon o hindi.

Gusto pa rin ba kita, Priel?

Umiling ako at nilagay ang kwintas sa aking leeg. Sabay kami ni Clarisse na pumasok umaga pa lang ay bumungad na sa amin ang exam, halos ilang araw din akong napuyat sa reviewers. Pareho kami ni Clarisse at Simone na kumuha ng accountancy at masasabi kong hindi ito madali, halos ma-stress kami makapag balance lang.

Hapon na nang matapos kami sa aming exam, napagdesisyonan namin na magtungo sa minimart para bumili ng pagkain nung anim.

"Kinakabahan ako sa score ko sa exam, kaonti lang ang na-review ko." Malungkot na sambit ni Simone napabuntong hininga pa siya.

"Bakit konti lang?" Takang tanong ko. Tumingin siya sa amin na parang nahihiya.

"Sa tatay mo ba?" Tanong ni Clarisse habang nasa minimart pa rin kami. Unti unting tumango si Simone. Tinakpan niya ang kaniyang mukha upang hindi namin makita ang kaniyang pag-iyak.

Naupo kami sa isang upuan at hinintay si Simone na magsabi sa amin. Nakajacket siya ngayon at tinaas niya iyon kaya nakita namin ang ilang pasa sa katawan niya.

"Hindi ako nakauwi sa dorm kasi kailangan kong umuwi sa bahay, hindi pa rin tanggap ni tatay ang pagkatao ko kaya sinaktan niya akong muli."

Sinamahan ni Clarisse si Simone sa dorm para doon muna tumuloy pansamantala, ayaw rin kasi ni Clarisse na sumama muna ngayon sa studio. Mukang may misunderstanding sila ni Jacob.

Dala ang pagkain tumungo ako sa studio. Akala ko ay wala pang tao pero nandito na agad si Priel inaayos ang mic.

"Kamusta exam?" Bungad ko sa kaniya. Nilapag ko lang ang pagkain sa mesa.

Timukhim siya. "Ayos naman, how 'bout you?"

"A-ayos din..." Ngumiti siya at lumapit sa pagkain na dala ko. Bahagya akong gumilid para malaya niya iyong tiningnan.

"Aisha?"

"Hmmm?"

"Do you... Do you like me?" Nagulat ako sa biglaan niyang tanong. I bit my lower lip and bowed down. I know he's looking at me now.

"What if I say yes?" Buong lakas kong balik sa kan'ya. Siya naman ang natigilan narinig ko mahina niyang pagmumura.

Ayaw niya, sabi ko na.

"It's obvious, nakikita at nararamdaman ko 'yon sa mga mata mo. But I'm sorry, Aisha I-I can't like you back—"

"Ayos lang! hindi ko naman hiniling na magustuhan mo, ayokong umasa ro'n ginusto ko na gustuhin ka kahit alam kong... walang pag-asa. May girlfriend ka at ayokong saktan pa ang sarili ko kaya ayos lang Priel, ginugusto kita sa malayo." I heard him sigh.

Thanks, HaterOnde as histórias ganham vida. Descobre agora