13

24 1 0
                                    

Hinawakan ko ang kamay ni Caelum.

"Hindi mo kailangang sisihin ang sarili mo, nangyari iyon at hindi mo kasalanan. Sure ako na masaya ngayon ang kapatid mo dahil napaka tapang ng kuya niya." Pag-aalo ko sa kaniya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

Hinawakan ko siya sa pisngi at hinarap siya sa akin. Nakita ko ang pagkabigla sa kaniyang mukha namumula pa ang pisngi.

Cute.

"Sarap mong halikan, Aisha." Ako naman ngayon ang nagulat natawa siya sa reaksyon ko kaya napairap ako.

"Suot mo pala 'to." Usal ni Caelum sabay hawak sa kwintas na bigay ni Priel.

"Gusto mo bang tanggalin ko?" Umiling siya.

"Ang saya ko kasi sinuot mo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Masaya siya dahil binigyan ako ni Priel ng kwintas? akala ko ba gusto niya ako e, bakit hindi siya nagseselos? kemii!

Hinahaplos niya ang pendant na may pangalan ko. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil ang inosente ng kan'yang mukha habang ginagawa iyon. Nasa sapa pa rin kami hanggang ngayon.

"Nagustuhan mo ba ang hinanda ko? hindi talaga ako marunong manligaw." Aniya habang napapakamot sa kaniyang ulo.

Over all, lahat nagustuhan ko. Siya pa mismo ang nagluto ng pagkain namin, pwede ko na siyang asawahin. Charot!

"Hmm, ayos naman."

"You are really beautiful." Pag-iiba niya. Natawa ako dahil sobrang random ng sinabi niya! kinikilig na ako at baka mapatili ako rito ng wala sa oras.

"Paano mo ba ako nagustuhan?" Tanong ko sa kaniya. Nahiga ako sa sapin at gano'n din ang ginawa niya kitang-kita namin ang kalangitan at ang mga ibon na lumilipad.

"Ang totoo, hindi ko matandaan kung kailan." Sagot niya. "But when I liked you, I always wanted you to be with us, you know that? I love teasing you, so I always tease you. Ang taba ng pisngi mo kapag naiinis ka sa'kin ang sarap mong kurutin." Natawa ako sa kaniya.

"Ang bwisit mo talaga!"

"Yan din ang sinabi mo sa'kin noon." Aniya, humarap ako sa kaniya na nakatingin din pala sa'kin. Tumagilid ako at bahagyang umangat.

"Ako ba hindi mo tatanungin kung paano kita nagustuhan?" He blinked twice and seemed surprised by what I said. Naka-awang ang bibig niya.

"Y-you like me?" hindi makapaniwalang tanong niya. Tumango ako't nahiga sa braso niya.

I realized how I liked him and how I fell for him. Hindi lang pala inis ang nararamdaman ko, kinikilig ako kapag lumalapit siya sa akin tapos ay napapangiti ako sa tuwing nang-aasar siya, para bang hindi ako sanay kapag walang Caelum na mangungulit sa akin. Ganito pala ang in love? akala ko kasi sapat na ang nararamdaman ko noon kay Priel para masabing in love ako, pero hindi pala. Caelum showed me the true meaning of love. Kaya niyang magbago.

"I like you, Caelum."

Hindi siya nakaimik kaya sumulyap ako sa kaniya. Hinangin ang buhok niya habang nakatitig sa kawalan at naka-awang ang bibig. Marahan ko siyang sinampal.

"Damn! I-I can't believe this, can you say it again?" Gulat niya paring sambit kaya napairap ako.

Imbis na magsalita ay nilapit ko nalang ang sarili ko sa kaniya. I kissed him softly then he responded immediately, naramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko na nagparamdam sa akin ng kakaibang tensyon. We kissed and I could feel his care.

"Tayo na ba?" Nakangisi niyang tanong.

"Hindi."

"Huh?" Humalakhak ako sa reaksyon niya. Nang marealize niya na niloloko ko lang siya'y pinisil niya kaagad ang ilong ko.

"I love you." My gosh! hindi ako sanay. Kinikilig ako ngayon at hindi ko alam kung paano ko ito mailalabas.

"M-mahal din kita... Caelum."

***
Gumulong ako sa kama sa sobrang kilig halos mapunit ko narin ang kumot ko habang nakatingin sa wallpaper ko. Kanina kasi bago kami umalis ni Caelum ay nagpicture kaming dalawa na magkayakap tapos hinalikan niya ako sa pisngi kaya iyon ang ginawa kong wallpaper.

"Hashu! kinikilig ka ba?" Natatawang tanong ni Aven habang naglalagay ng skincare routine niya.

Pareho kaming nasa bahay ngayon, umuwi ako dahil nandito si Daddy at Mommy ngayon. Dito rin muna titira si Aven pansamantala.

"Hindi masyado." Sagot ko sabay hagikgik napailing naman ang pinsan ko.

"Hinay lang, cousin. Naiinggit ako oh my goshy talaga! feeling ko nakakahiya yung sinabi ko sa kanina sa airport it's embarrassing to tell your boyfriend na may kakiss siya in the university na girl!" Maarte pa niyang sabi. Hindi niya yata alam na ako ang babaeng 'yon.

"'Wag kang oa." Ngumisi siya sabay lapit sa akin sa kama.

"Masarap ba siyang humalik?"

"What the heck, Aven?!" Humalakhak ang loka tsaka nahiga sa kama ko.

"May nakahalikan din ako before, pero ayoko sa kaniya masyadong pa-cool kid 'lam mo 'yun? He's pogi naman but... girl! The attitude." Pairap niyang sabi.


Nagkwentuhan kami buong gabi hanggang sa dapuan kaming dalawa ng antok.

Kinabukasan, laking gulat ko dahil si Caelum ang sumundo sa akin sa bahay. Kinabahan tuloy ako dahil wala pang alam sina Mommy na may nagugustuhan na ako.


"Good morning, beautiful." Nakangiting bungad sa akin ni Caelum habang nakasandal siya sa kaniyang kotse.

Yayamanin din talaga e.


"Ginagawa mo rito?" Tinaasan ko siya ng kilay. Napansin ko na nakadungaw sa kaniya ang mga kapitbahay namin.



"Picking up my girl, is that bad?" Napailing nalang ako bago tuluyang lumabas ng gate hinawakan bigla ni Caelum ang kamay ko.

"Kumain ka na?" Tanong niya.

"Uh, oo."

"Ako hindi pa, pakainin mo muna ako sa loob." Aniya sabay ngisi. Hinampas ko ang braso niya.


"Tanga, nandiyan ang pinsan ko, si Mommy at si Daddy."


"Ow, si Mommy at si Daddy?" Umiwas ako ng tingin at napanguso para pigilan ang pag-ngiti.


"Tumigil ka, Caelum!" Natawa siya sabay kurot sa pisngi ko.

Kalaunan ay sumakay narin kami sa kotse niya. May pupuntahan daw kami ngayon dahil wala naman silang practice o gig.

Pinahinto ko rin siya sa drive thru para kumain muna. Tumatanggi pa nga e, pero wala siyang nagawa nang samaan ko siya ng tingin.

Ayun, si Mr. Caelum Nazarro ay napilitang kumain.



Thanks, HaterWhere stories live. Discover now