03

82 3 0
                                    

"Ang lala pare..."

Napangisi ako habang si Caelum ay masama ang tingin sa akin, nagkaroon ng pasa ang noo niya at dahil maputi siya kaya halatang halata iyon.

"Ano ba kasing nangyari? Pati ikaw ang pula ng noo mo." Tinuro ni Jacob ang noo ko.

"May halimaw kasi sa kotse ko." Inis na tugon ni Caelum.

Sinamaan ko rin siya ng tingin at nilabanan niya iyon. Parang dismayado tuloy ang itsura ng mga kaibigan niya.

Tinuloy namin ang pagkain at kung minsan ay nagtatama ang tingin namin ni Caelum tapos pareho kaming iirap sa isa't isa.

Pagkatapos ng dinner hinatid ako ni Jacob sa dorm naabutan niya pa si Clarisse na nagkakabisado ng irereport nito bukas. Ako rin pala may reporting ako bukas.

"Uwi na'ko, mag lock kayo ng pinto ha?" Ngumiti ako at tumango. Narinig kong natigilan si Clarisse. "Bye, Clarisse!" Tapos umalis na.

Baliw, ako ang hinatid pero kay Clarisse nagpaalam napailing naman ako nang makita ang itsura ni Clarisse na ngayon ay tulala habang nakatingin sa palayong pigura ng pinsan ko.

In love ang potik.

Bago matulog ay ginawa ko muna ang night routines ko at habang nakasuot ng beauty mask naisipan kong mag-open ng social media.

Agad na kumunot ang noo ko nang makita ang samot-saring notification. Puri angry reacts at comments.

'sino ba 'to? Attention seeker!'

'Kala mo cute.'

'Leave The Daze, Alone!'

Nahampas ko nalang ang sarili kong noo dahil masyadong silang affected sa reply ko kay Caelum. Sa sobrang inis ko'y sinearch ko kaagad ang fb ni Caelum at minessage iyon.

Me:

Big deal ba ang buhok mo??

Nakita ko ang pag-seen niya at typings.

Caelum:

Yep:)

Argh! Kairita siya. Pati ako ay nadadamay sa kagaguhan niyang taglay.

Caelum:

Be proud, nag reply sa'yo idol mo.

Inis akong nagtipa ng message para sa bwisit na ito.

Me:

Never kitang magiging idol! I hate you !

He reacted 'haha' to me.

Caelum:

Ows? Thanks, Hater.

Hindi ko na siya nireplayan at binclok nalang ang social niya. Simula ngayon ay iiwas muna ako sa social media, nakaka-stress!

Kinabukasan ay inaya ako ni Jacob na kumain kami sa labas, muli ko na namang nakita si Caelum na nakangisi pa. Inirapan ko lang siya at itinuon ang tingin kay Priel.

Katapat ko ang mokong na ito habang katabi ko naman si Jacob at sa kabila si Harrison. Sa tabi naman ni Caelum ay si Theodore at Rupert at sa tabi nito si Priel.

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now