25

16 1 0
                                    

Shit! Shit! gusto kong sumigaw sa inis at gusto rin maiyak sa sobrang inis!

"Caelum, bwisit ka!" Inis kong sigaw habang inaalis ang sulat sa mukha ko.

Ginawa ba namang drawing book ang mukha ko. Hindi ko alam kung anong trip ng lalaking iyon pero nangigigil ako sa kanya. Paglabas ko ng kwarto bumaba ako agad sa hagdan para singhalan sana si Caelum pero laking gulat ko nang makita ang mga tao sa bahay.

"Oh, anak ano ba naman 'yang itsura mo?" Natatawang tanong ni Mommy. Dumapo ang tingin ko kay Caelum na nagmamaang-maangan!

"Wow, ibang klase rin trip mo sa buhay 'no? iyan ba ang daily routine sa ibang bansa?" Tanong ni Harrison habang kumakain ng mansanas.

"Sabog ka pa," usal naman ni Priel. "Kakagising mo lang?"

Yumuko ako habang nakanguso. Nakakahiya! nakita nila ang itsura ko.

"Ano ba 'yan? bakit niyo inaaway 'to?" Ginulo ni Rupert ang buhok ko.

I feel so happy now seeing them together now is like a dream even if one is missing but my heart is still wrapped in joy. Tumalikod ako para itago ang lumuluha kong mga mata agad akong nagpunas ng luha.

"D-diyan nanga kayo!" piyok kong singhal bago tumakbo sa kwarto ko.

The Daze narito sila ngayon. Nakakagulat pero ang saya buong sistema ko ay may masaya ngayon hinayaan ko lang sila roon habang ako ay naligo at nag-ayos mamaya ko nalang haharapin si Caelum dahil halatang sinasadya niya ito. 

After taking a bath lumabas ako sa kwarto ko at bumalik sa sala kung nasaan sila ngayon.

"Uy, bumaba na bagong ligo tayo ah?" Asar ni Rupert.

"Mama mo bagong ligo." Pabalang kong sagot napatingin ako kay Caelum na nakatingin din pala sa akin ngayon!

Walang marupok!

"So, what's up? death anniversary ngayon ni brother Jacob papaletchon ba tayo? favorite niya 'yon e." Bahagya akong natawa kay Theodore.

"Siguro kung buhay 'yon ngayon maiiyak talaga siya sobrang sweet natin?" ani Harrison.

Siguro?

Pinagtalunan pa nila ang dadalhing pagkain sa puntod ni Jacob sa huli ang luto lang ni Mommy ang dinala namin humabol pa si Clarisse dala ang pagkain na pinadala naman ng Mommy niya at ang pagkain galing kay Simone.

"Teka! Teka!" hinarang ni Clarisse si Priel. "Ako na ang maglalagay ng flowers para sa bebelabs ko!" Kinuha niya ang flowers na dala ni Priel napailing nalang ang lalaki.

"Tatanda kang dalaga niyan, Clarisse." Sambit ni Rupert habang hinahanda ang pagkain namin ako naman ay naglalagay ng sapin habang si Theodore at Caelum ay nililinis ang lapida ni Jacob.

"Ayos lang! sa langit nalang kami magmamahalan ni Jacob." Nagkatinginan kami ni Priel at sabay na nagkibit balikat.

Napangiti ako habang pinamamasdan sila na inaayos ang paligid para kay Jacob. Naghahanda hindi dahil kaarawan nito kundi anibersaryo ng kaniyang pagkamatay.

Kung nakikita ito ni Jacob, siguro sobrang saya nya magkukunwari pa 'yon na naiirita sa ganitong bagay na pinaghahandaan.

"Water?" umangat ang tingin ko kay Caelum. Kinuha ko ang inabot niyang tubig.

"Ang sama mo naman sa'kin, kailangan mo ba talaga akong drawingan sa mukha?"

He laughed softly, "sorry, gusto ko kasing matuto na magdrawing nakita ko ang kinis ng mukha mo kaya ginuhitan ko, so far wala talagang chance na matuto ako." Bahagya kong hinampas ang braso niya kahit feeling ko namumula na ako sa kilig.

"Ah, talaga ba Cael?" Kunwaring sarkastiko kong tanong.

He nodded. "Palagi akong dumadalaw sa puntod ni Jacob." Aniya.

Napayuko ako, ngayon lang kasi ako ulit nakapunta rito.

"Sinasabi ko sa kaniya lahat ng problema ko, maski ikaw ay binabanggit ko sa kaniya." Napatingin ako kay Caelum na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Parang kaming dalawa lang ngayon, parang sarili namin itong mundo.

"Caelum..." Kahit ngayon lang gusto ko nang tapusin ang sakit. Ayoko na nito, paulit-ulit lang kaming masasaktan kung hindi ko ito ilalabas.  "M-mahal mo pa rin ba ako?"

Hindi siya sumagot. Napalunok ako at huminga ng malalim bago ibukang muli ang bibig ko.

"Kasi ako mahal—"

"Lamon na! tangina! wala pa akong kain, mamaya niyo na ituloy 'yan!"

Pwede ba akong pumatay ngayon? isusunod ko lang kay Jacob.

"Let's eat first." Naunang maglakad si Caelum naiwan naman akong nakaawang ang bibig. Parang kinurot ang puso ko dahil alam kong narinig naman niya ang tanong ko pero hindi siya sumagot.

"Ang sarap!" buong galak na sigaw ni Harrison. "Huy! Tigil mo muna ang work mo riyan."

Napabaling ako kay Priel na nakatutok sa kaniyang laptop ngayon.

"This is important than your life, Harrison." Napanguso naman si Harrison sa sagot ni Priel kaya natawa ako.

"Perform daw kayo sa kasal ni Simone, ano g?!" biglang tanong ni Clarisse kamuntikan pa akong mabulunan.

Pocha!

"Kami?"

"Oo The Daze hehe." Pinaningkitan ko ng mata si Clarisse.

"Pwede naman..." nag-iisip na sambit ni Priel na nasa tabi ko lang.

"Yun oh! kayo bet niyo ba?!" pumapalakpak na si Clarisse ngayon.

"Syempre! daming babae niyan panigurado."

"Hep! Hep! payag ako, miss na ako ng fans ko e."

"Hinihiling 'yan ng mga highschooler ngayon, miss na raw nila ang band na kinagisnan ng kanilang ama't ina noon haha!" Sang-ayon din ni Theodore.

Napangiti ako. Isa nalang ang hindi pa sumasagot. Napatingin ako sa kaniya na tila malalim ang iniisip ngayon.

"Ikaw Caelum?!" hindi ba tatahimik 'tong si Clarisse?

Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Caelum. "I'll try..."

Hapon na nang maisipan naming umuwi. Niligpit ko lang ang mga kalat namin at mulimg nagsindi ng kandila para kay Jacob hinimas ko rin ang kaniyang puntod at matagal na tinitigan iyon.

Tutuloy ako, Jacob. Ipagpapatuloy namin ito.

"Miss na miss na kita." Mahinang sambit ko. "Gabayan mo kami ha? ikaw ang manager ng buhay namin." Sambit ko pinunasan ko ang luhang pumatak sa kaniyang lapida.

"Dadalawin kita ulit rito." Usal ko pa. Napatingin ako sa naglapag ng bulaklak sa gilid ng kandila na sinindihan ko.

"Palagi naman niyang ginagawa 'yan." Si Caelum.

"Ang alin?"

"Ang gabayan tayo." Aniya he smiled at me. Nagulat ako nang guluhin niya ang buhok ko.

"Hinihintay ko pa rin ang gusto mong sabihin kanina, pwede ko na bang marinig?" Napalabi ako habang nakatulala sa kaniya.

Sa gwapo niyang mukha sa lalaking minahal ko at mahal ko pa rin hanggang ngayon. Marinig ko lang ang boses niya ay tumitibok na kaagad ng mabilis ang puso ko. Kung hindi ako aamin ngayon baka tuluyan na niya akong iwan.

"M-mahal pa rin kita... Caelum." Katahimikan ang namayani sa aming dalawa.

Natawa siya kaya nagtaka ako. Bumaling ang atensyon niya sa puntod ni Jacob.

"Narinig mo 'yon? mahal pa rin ako ng babaeng mahal ko." Sabi niya habang nasa tapat niya lang ako. "At mahal na mahal ko rin siya."

Thanks, HaterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora