23

19 1 0
                                    

Ilang beses akong nagpaypay kahit malamig naman sa loob ng kotse ni Caelum. Ewan ko ba, masyadong tense sa akin na makasama siya ngayon sa iisang kotse.

Walang nagsalita sa aming dalawa, nakakalungkot lang isipin na ibang-iba na siya sa Caelum na nakilala ko. Kasalanan ko ba?

Napabuntong hininga ako nang bigla siyang tumikhim.

"Did you eat?" nabaling ang tingin ko sa kaniya.

"Uh... hindi pa?" parang naging patanong tuloy ang tugon ko.

Shet! bakit ako kakabahan sa kan'ya?!

"You should eat, baka himatayin ka sa gutom at maging kasalanan ko pa." Napanguso ako at walang nagawa nang ihinto niya ang kotse sa drive thru.

Bumili siya ng burger at fries para sa kaniya. Inorderan naman niya ako ng chicken and rice with drinks. Kinuha ko ang credit card ko sa wallet at akmang iaabot sa kaniya nang isara na niya ang bintana.

"Babayaran nalang kita..."

"No need" seryoso niyang putol sa akin. Kahit naiilang pinilit ko paring ubusin ang inorder niyang pagkain para sa'kin.

Bakit ako tatanggi? ang taong mahal ko ang nagbigay nito sa akin, parang malaking achievement ang makasama siya ngayon!

"Ganiyan ba kasarap ang kinakain mo kaya para kang sira na nakangiti riyan?"

Kahit gan'yan ka Caelum, ikaw pa rin talaga.

°°°

Nakarating kami sa Hermioso seryoso lang siya habang nakikipag-usap sa mga worker habang ako ay narito lang sa labas ng kotse nakagilid at pinagmamasdan siya.

Seryoso pero gwapo. Noon naiinis pa ako sa presensya niya pero ngayon mukang siya na ang naiinis sa akin. Tulad ngayon, tinititigan ko lang naman siya pero nang magtama ang tingin namin agad siyang umirap.

Arte!

Natawa nalang ako sa aking sarili. Naglakad-lakad ako sa site. Balak kasing patayuan ni Atlas ng building rito para sa WinXury pinaikling pangalan ng Wine and Luxury. Well, maswerte naman ako sa trabaho ko. Hindi na ako nahihirapan ngayon 'di tulad ng dati na sobrang pag-aadjust ang ginawa ko.

Nalilibang ako sa paligid habang si Caelum ay may kausap pa rin. Kumunot ang noo ko nang makarinig ng tunog ng bakal na tila natatanggal. Tumingala ako at napansin na parang may mali.

O baka namamalikmata lang ako?

"Ahhh!" Napatili ako nang tuluyan itong nahulog kaya natamaan ang braso ko.

"Aisha!"

"Ma'am!"

Napadaing ako sa sakit. Mabuti nalang at sa braso ko iyon tumama. Umawang ang bibig ko dahil kay Caelum na nasa tabi ko na ngayon, bakas ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Hinawakan niya ako at sinusuri kung may natamo pa ba bukod sa braso ko. Gusto kong ngumiti dahil sa wakas nakabakas na rin sa kaniya na nag-aalala.

Ang saya ko.

"Are you fucking killing yourself?!" Sigaw ni Caelum na nag-echo sa buong site.

"Ayos lang naman ak—"

"I don't care!" Huh? tumayo siya at napailing sa aking harapan. "Tanga ka ba? bakit kasi dito ka pa pumunta? hindi ka nalang nanatili sa kotse."

Muli siyang napailing lumapit naman sa akin ang ilan sa workers at inalalayan akong tumayo. Ang kaninang saya na nararamdaman ko sa paraan ng pagtitig niya ay bigla nalang naglaho.

Thanks, HaterWhere stories live. Discover now