Prologue

5.1K 101 0
                                    


CHEYENNE groaned. Alas-kuwatro na ng umaga siya umalis sa harap ng computer. Sa pakiramdam niya ay wala pang isang oras siyang natutulog at sa natutulog niyang diwa ay nauulinigan niyang tumutunog ang telepono niya.

Gaano man siya kapuyat ay siya ang uri ngtaong hindi gustong ignorahin ang cell phone niya kapag tumutunog iyon. It could be an emergency. Though wala naman siyang kamag-anak na tatawag sa kanya para sabihing may emergency.

Nakapikit na inabot niya sa side table ang cell phone niya at sinagot nang hindi nagmumulat ng mga mata. "'Lo..."

"Chey..."

"Yeah," she croaked. Inipit ang cell phone sa pagitan ng unan at tainga niya. May pilit umuukilkil sa antok na antok niyang diwa. No one called her "Chey" except her grandmother. And her grandmother had been dead for one and a half years. Lahat ng kakilala niya ay tinatawag siyang Charmaine.

"Chey, si... si Charmaine ito..."

"Hmn... 'kay..." She was Charmaine Rose. Everybody called her Charmaine, ulit ng isip niya. Sinong kapangalan niya ang tumatawag sa kanya at ginamit ang tawag ng lola niya sa kanya?

Natitiyak niyang nananaginip siya, yaong uri ng panaginip na sa wari ay gising ang isa. May pakiramdam siyang idinuduyan na siyang muli sa pagtulog nang muling magsalita ang nasa kabilang linya.

"Ang kapatid mo ito... si Charmaine."

Kapatid? "Wala akong—" Napamulat siya ng mga mata at napabalikwas ng bangon. Kung may antok man siyang naramdaman ay naglaho iyon na tila siya binuhusan ng malamig na tubig. "Charmaine?"

"Maaari ba akong magtungo sa bahay mo?" wika ng nasa kabilang linya sa alanganing tono. "H-hindi nila gustong sabihin ang address mo sa publishing house. Napilit ko lang hingin ang cell phone number mo sa receptionist..."

Moments later Cheyenne disconnected. Stunned, she stared at her cell phone. Na tila ba iyon foreign object na nahulog mula sa kung saan. Hindi pa rin siya makapaniwala na ang kapatid niya ang nakausap niya. Tiniyak niya sa sariling gising siya at hindi lang nananaginip.

Pagkatapos ng maraming taon... ng pag-aakalang hindi na niya muling maririnig o makikita pa ang kapatid niya, heto at tinawagan siya at magkikita sila! A sob caught in her throat.

Gaano na ba katagal mula nang maghiwalay sila? Mula nang dalhin ng Nanay Inez niya si Charmaine at iwan siya sa lola niya sa isla?

She was seven years old. Charmaine was eight and a half. Ang sakit at pait ng paghihiwalay nilang magkapatid na kay tagal nang hindi namahay sa dibdib niya ay muling sumalakay.

Bakit si Charmaine ang dinala ng nanay nila nang umalis ito sa isla? Bakit iniwan siya sa lolaniya at hindi na binalikan?

"Bakit si Charmaine ang dinala niya? Bakit iniwan niya ako rito?" tanong niya sa lola niya nang lapitan siya nito na nakaupo sa tabing-dagat at nakatingin sa laot. Namumuo ang mga luha sa mga mata.

"Siguro, apo, dahil mas matanda sa iyo si Charmaine. Mas mapapakinabangan siya ng nanay mo... mauutusan..."

She wasn't consoled. Isang taon at kalahati lang ang tanda sa kanya ni Charmaine. Hindi man sabihin sa kanya ng lola niya iyon ay alam niyang paborito ng nanay nila ang kapatid niya dahil maganda ito.

Samantalang siya ay patpatin. May kaitiman. Kulot-kulot ang buhok. Negrita kung tuksuhin siya ng mga kalaro nila sa paaralan. Charmaine had always been the pretty one. At noon pa man ay diretsahan nang pinupuri ng Nanay Inez nila ang kapatid niya kahit sa harap niya. At bagaman hindi siya pinipintasan ay parang ganoon na rin iyon.

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoWhere stories live. Discover now