Chapter Twelve

2.3K 73 3
                                    


Present 


"MALAKAS na ang apoy, Cheyenne," untag ni Nanang Loleng na pumutol sa daloy ng mga alaala at hinawakan siya sa braso. "Kanina ka pa titig na titig sa apoy..."

Tumingala siya, ibinalik ang mga luhang hindi niya namamalayang kanina pa nag-aambang pumatak.

"Umiiyak ka ba?" tanong ng matanda, magka-halong pagtataka at pag-aalala ang tinig.

Pinilit niya ang ngumiti. "Naalala ko lang po ang lola ko at si Charmaine. Huwag ninyo akong intindihin. Ano po ba ang isasalang ko?"

Tinitigan muna siya nito nang mahaba bago, "Heto at ako na." Inilagay nito ang kaldero ng isasaing sa parilya. Naglipat ito ng ilang gatong na may apoy sa katabi at nagsimulang magparikit. "Papakuluan ko ang mga gulay."

Tumango siya at wala sa isip na tinungo ang mesa at hinimay ang dahon ng malunggay. May ilang puno niyon sa paligid ng kubo at natitiyak niyang iyon at iyon ang kinakain ng mga ito. Bagaman mula nang dumating siya sa isla ay sa kanya na halos nanggagaling ang kinakain ng mga ito.

Tinungo niya ang bag niya ng groserya at mula roon at inilabas ang tatlong lata ng corned beef na binili niya, kasama na ang anim na pirasong itlog upang iwan na lang sa matatanda.

"Gisahin na lang po natin itong isang de lata, Nanang Loleng," aniya. Tinungo ang lagayan ng sibuyas. "At sahugan natin niyang malunggay."

Napangiti siya nang lihim. Hindi niya alam kungsaan nanggaling ang sinabi niya. Ngayon ay may bago siyang recipe. Corned beef with malunggay leaves. Hindi masama. Hndi naman kikibo ang corned beef kapag hinaluan niya ng malunggay.

Muntik na siyang matawa nang malakas. Sandali niyang naaliw ang sarili sa kaisipang iyon.

Napangiti ang matanda sa sinabi niya. "Marami na kaming utang sa iyo, Cheyenne. Paano ba kaming makakabayad? Iyong mga damit at sapatos lang ng dalawang bata ay mahal na." Gumaralgal ang tinig ng matandang babae. Tinungo nito ang bangko at naupo roon na tila hapung-hapo.

"Mga pamangkin ko ang pinagkakagastahan ko, Nanang Loleng. Hindi ako nanghihinayang sa ginagasta ko para sa kanila."

"Totoo naman, pero pati kami ay idinadamay mo. Pati gamot ni Sebyo ay binili mo noong isang araw. Atrasado kasing dumating ang pensiyon niya..."

"Huwag ninyong intindihin iyon." She smiled at the old woman who must be in her late sixties but looked like she was ninety.

Nang makaluto sila ay hindi niya matanggihan ang matandang babae sa anyaya nitong doon na rin mananghalian. Mula sa mesa ay patayu-tayo si Nanang Loleng upang asikasuhin angasawa na ayon dito ay noon lang nagliligalig nang ganoon. Kaya naman minabuti niyang magtagal pa at tulungan ito sa mga gawaing-bahay.

Palubog na ang araw nang magpaalam at umuwi siya sa inuupahang cottage. Bubuksan na niya ang gate na kawayan ng cottage nang biglang kuhanin ang atensiyon niya ng isang tawag.

"Chey!" 


LUMINGON siya sa pinanggalingan ng tinig. Sa kabilang bahagi ng kalsada, thirty yards from her cottage was Dureza's house, her only neighbor.

Natanaw niyang palabas ng bakod nito si Dureza. Isa itong teacher sa day care sa barangay.

"Hi. Hindi ka ba pumasok?" bati niya at isang pilit na ngiti ang ibinigay niya rito, lihim na umaasang hindi nito nanaising pumasok sa bahay niya upang makipaghuntahan.

Sa limang buwan niyang paninirahan sa Tingloy, dalawang beses na inimbita ni Dureza ang sarili sa inuupuhang cottage ni Cheyenne. At hindi niya makuhang tumanggi. Marami itong tanong tungkol sa kanya.

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoWhere stories live. Discover now