Chapter Eighteen

2.4K 79 4
                                    


NAPAHUGOT siya ng marahang hininga. Sa pakiramdam niya ay nag-aapoy ang mukha niya sa pagkapahiya dahil nahuli siya nitong nakatingin. And damn him, ni hindi man lang ito natigatig sa hubad nitong katawan na tila ba iyon ay ordinaryong tanawin. Sa halip ay siya itong parang sinisilihan. Mabilis siyang tumalikod at halos takbuhin ang pagbalik sa loob ng silid.

Sa loob ng silid ay paroo't parito siya, hindi malaman ang gagawin. Makalipas ang sampung minuto ay ipinasya niyang hubarin ang pantulog at pumasok sa banyo at naligo. Pagkatapos ay nagbihis at nag-ayos. Sinamsam niya ang lahat ng gamit at inilagay sa shopping bag. Dala iyon at ang sariling bag ay lumabas siya ng silid.

Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang malanghap ang masarap na aroma ng kape. Kumalam ang sikmura niya. Kagabi ay hindi na siya nakapaghapunan sa pagod at puyat.

At bagaman maraming oras din ang itinulog niya ay hindi mapayapa ang buong magdamag niya. Kung anu-ano ang napanaginipan niya.

Naroong nalulunod siya sa dagat at sinisikap makaahon; naroong sumaglit sa panaginip niya ang pagkasunog ng bahay nila at ang sigaw ng lola niya na nakulong sa apoy; ang pagtalon niya sa yate na hindi niya matiyak kung alin at mula sa kaninong yate siya tumalon; pumasok sa balintataw niya ang pagsabog ng bomba kay Erwin; and then there was the twin, umiiyak at humahabol sa kanya, while she was being chased by her killers.

Sa buong magdamag ay dalawang beses din siyang nagigising at pawis na pawis gayong malamig ang air condition sa silid niya. At napuna niya sa unang gising niya na nakakumot na siya. Hinatak ba niya ang kumot nang hindisiya aware o may nagkumot sa kanya?

Hindi niya gustong isiping may pumasok sa silid niya at kinumutan siya. Subconsciously, baka hinatak niya ang kumot nang makaramdam siya ng ginaw.

Madali niyang natunton ang dining room. Pagkakakita niya kay Luis ay agad na bumilis ang tibok ng puso niya. Sunud-sunod ang ginawa niyang paghinga. Nakasuot ito ng cutoff jeans at walang manggas na kamiseta.

The typical hunk. Yaong uring sa magazine na panlalaki lang niya nakikita. Mula sa percolator ay nagsasalin ito ng kape sa dalawang mug. Hinayon siya ng tingin at ngumiti. She swallowed. His smile was a killer.

Kumunot ang noo nito nang makitang may bitbit siyang shopping bag at nakabihis na. Suot ni Cheyenne ang pantalong maong na binili niya kahapon sa mall at sports yellow Bench shirt. Gayunman ay hindi ito kumibo. His eyes moved back to her lips and lingered for a few moments. Gusto niyang mapaso sa titig nito.

Bitbit ang dalawang mug, lumakad ito patungo sa kanya at inabot ang isang mug. "Tara sa balkonahe doon tayo magkape."

Sumunod siya nang nagpauna itong lumakad patungo sa isang malaking glass panel. Binuksan nito iyon at natambad sa kanya anghardin na hindi niya nakita kahapong dumating sila dahil sa likuran sila nagdaan. Sa tagiliran ay ang driveway at isang three-car garage.

Walang mga halamang namumulaklak kundi mga green plants lang ang naroroon, iba't ibang uri. Magaganda ang pagkakahilera sa tabi ng mataas na bakod.

Hinila nito ang isang cane chair at itinuro sa kanya. Tahimik siyang naupo. Nanatili itong nakatayo sa tabi ng barandilyang bakal at hinihigop nang marahan ang kape habang pinagmamasdan ang buong paligid.

"Hindi pinabayaan ng caretaker ang pagdidilig ng mga halaman. Pero parang kailangan nang tabasin ng mga damo," kaswal nitong sabi sa pagitan ng paghigop ng kape.

"Natutuwa akong kalmante ka lang," she said sarcastically.

Nilingon siya nito. Hindi pinansin ang sinabi niya. "I know how to cook." He shrugged. "Kahit paano. Mamili ka, pancake o omelet?"

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon