Chapter Ten

2.6K 69 0
                                    


"WHAT? Paanong nangyari iyon?" nangga-galaiting tanong ni Mayora Santillanes. Dalawang oras mahigit mula nang dalhin ng hepe ng pulisya at mga tauhan nito si Jose Luis sa town jail.

"Si Gobernador po ang kasama. Wala po kaming magawa," wika ng hepe. "Binalaan panga po ako ni Gob na kakasuhan dahil sa paglabag sa human rights. Wala kaming makitang baril sa bahay ng mga Pontevedra nang magpahalughog ako. Pero may bakas ng bala sa kama niya at natitiyak kong mula sa mga tao natin iyon. At hindi ko iyon masasabi kay Gob."

"Sino ba ang nagpanalo sa pesteng gobernador na iyan!" Ibinagsak nito ang telepono sa cradle. Tiningala ang anak na nakaupo sa sofa sa kabilang bahagi ng silid. "What have you got about this man? Inilabas lang siya ni Gobernador mismo mula sa jail. At sinabi ni Hepe na hindi nila ito binigyan ng pagkakataong makatawag man lang."

"You know how stupid sometimes these people are. Baka nakatawag siya nang hindi man lang nalaman ng mga hunghang na iyon." Jericho was shaking his head disgustedly. "Natitiyak ba ninyong ang taong ito ang pumatay sa mga tauhan mo?"

"I'll bet my life on it, Jericho!" pagalit nitong sabi. "So, who is this man? Maliban sa anak siya ni Haydee Pontevedra? At bakit malakas siya sa gobernador?"

Umiling si Jeric. "Wala akong mahanap na record sa Jose Luis na ito, Mama. No nothing."

Bigla ang balik ng tingin ni Mayora Santillanes sa anak. "What do you mean?"

"It was as if this man doesn't exist. Wala siyang file gaano man kasimple."

"That's strange," wika ng mayora, unti-unting naupo pabalik sa swivel chair nito. "Hindi ko gustong bigyan ng puwang sa isip ko ang pagkatao ng Morrison na ito. Dahil sana'y hindi na nagpakita ng takot si Haydee at si Danica sa mga tauhan natin. Dapat ay malakas ang loob nila dahil sa Morrison na ito."

Nang hindi sumagot si Jericho ay muling nagsalita si Mayora Santillanes. "Pero paano niya nakilala ang gobernador kung sa ibang bansa siya naglagi?" She looked up to his son not really expecting answers. "At ni hindi niya pinag-ukulan ng pansin ang mga dokumento ng bilihan ng property. Sa nakikita ko sa ginawi niya kahapon ay natitiyak niyang fake ang mga documents. He was so confident about it. Who is this man?"

Ilang sandaling nag-isip si Jeric bago sumagot. "May kakausapin akong mga tao na baka makapag-bigay ng impormasyon. Kung nais natin siyang mawala sa landas natin ay gawin natin nang palihim." Sinulyapan nito ang ina.

"Malibang siya si Spiderman ay kaya siyang itumba ng mga tauhan natin. Pansamantala, lie low muna tayo sa lupain ng mga Pontevedra. Pasasaaan ba at sa atin din mauuwi ang ekta-ektaryang manggahan. May mahalagang bagay tayong dapat asikasuhin."

"Wala pa rin bang balita sa kinaroroonan ng babaeng iyon?"

"Mga kilalang mahuhusay na tracker ang inuupahan ko, Mama. Baka naman talagang patay na nga. Gumagasta tayo nang malaki sa mga taong naghahanap, and for all we know Cheyenne has been dead for months."

"Then where's the bitch's body?"

"Posibleng kinain ng mga pating." Nagkibit ito.

"Mahusay na swimmer ang babaeng iyon, Jericho. Six years ago ay natakasan niya tayo sa yate. We thought she died. Almost two years later, nakita ng mga tauhan mo ang babaeng iyan na patungo sa lupain nila. I ordered her killed. Naibaon na sa ilalim ng dagat ang katawan ng babaeng iyon."

At sa nakalipas na mga taon ay inakala nating naayos natin ang suliranin. Pagkatapos ay basta na lang nating nakita sa telebisyon. At isiping abot-kamay lang siya." Umiling ang mayora. "No. Malakas ang kutob ko. Hindi nag-suicide ang babaeng iyon. She's still alive!" 

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoWhere stories live. Discover now