Chapter Twenty-Seven

3K 84 4
                                    


PAHAPON na nang dumating ang tatlong divers. Sakay ng nirentahang pumpboat ang dalawa sa mga ito kasama si Daniel, samantalang sa speedboat naman na pag-aari ng mga Pontevedra nakasakay ang isa pang diver at sina Luis at Cheyenne, na nakasuot din ng diving gear.

Ilang sandali pa ay nasa laot na sila ayon sa pagkakatanda ni Cheyenne kung saan naroroon ang yate ni Mayora Santillanes noong mga panahong iyon.

"It's been six years, Luis," aniya. "Baka hindi ko na matandaan..."

"It's all right, sweetheart. Ilarawan mo sa isip mo ang yate at kung saang baybayin ito mas malapit."

Inikot niya ng nalilitong tingin ang malawak na dagat at pagkatapos ay ang baybayin na kumikislap ang puting buhangin sa panghapong araw.. "Nakaharap ang yate sa lumang parola ng Guisi, Luis. I remember that. Dahil doon nanggagaling ang pump boat para sa mga bisita sa munting pantalang iyon na napapaligiran ng mga malalaking bato."

She squinted her eyes against the afternoon sun. Dinaanan niya ng masusing tingin ang kahabaan ng baybayin sinisikap alalahanin ang kinalalagyan ng yate noong gabing iyon.

Ibinalik niya ang tingin kay Luis. "Pero nagbago ang isip ko dahil doon nila ako unang hahabulin dahil pauwi iyon sa amin. Malapit lang sa dagat ang bahay namin. Marahil kung araw nangyari iyon ay matatanaw ko ang baybayin namin."

"Kung ganoon ay doon tayo tutungo. Ituro mo."

Tinunton ni Luis ang dagat na itinuro niya patungo sa baybayin ng Guisi. May ilang maliliit na isla siyang natatanaw. Ang pump boat ay kasunod nila.

Ilang minuto pa ay isinenyas na ni Cheyenne ang sa palagay niya ay ang kinaroroonan ng yate ni Mayora Santillanes may anim na taon na ang nakararaan. Pinahinto ni Luis ang makina ng speedboat at sinenyasan ang kasunod na pump boat.

"Hindi ako nakatitiyak, Luis. Pero kung narito ang yate, itong area na ito ang resonableng naiisip ko na malalangoy ko patungo sa baybayin ng Guisi. Bagaman umiba ako ng direksiyon nang nasa tubig na ako."

"Umpisahan natin ang paggalugad sa ilalim ng dagat sa lugar na ito," ang wika niya sa diver at isinigaw rin iyon sa nasa kabilang bangka.

Halos sabay-sabay na lumubog sa tubig ang tatlong divers. Si Daniel ay naghihintay sa pump boat at ganoon din sina Luis at Cheyenne sa speedboat. Sampung minuto na sila roon nang may matanaw si Cheyenne.

"Luis..." Umahon ang kaba sa dibdib niya.

Hinayon ni Luis ang tinatanaw niya. "We have company, bro," sigaw nito kay Daniel.

"Fuck," usal ni Daniel at agad na inihanda ang de-kalibreng baril.

Ganoon din si Luis. "Lumubog ka sa tubig, Chey," utos nito.

"No!"

"Babe, mas magagawa kong makipaghamok kung hindi kita inaalala. Please, I'll be all right. We've expected this. Sadya naming ipinakalat ang balita sa mga tauhan na hahanapin namin sa laot ang bangkay ng mag-asawang Pontevedra. Na natuklasan na kung ano talaga ang nangyari sa kanila."

"What? Bakit ninyo ginawa iyon?"

"Pinlano namin ito ni Daniel at ng iba pa. Kinagat nila ang pain. May nagparating sa amin na posibleng sa isa sa dalawang speedboat na iyan ay nakasakay si Jericho Santillanes."

Napilitang lumubog sa tubig si Cheyenne. "Please be careful."

"I will, baby." He planted a soft kiss on her lips, pagkatapos ay itinulak siya palubog sa tubig.

"Dalawang speedboat tig-apat ang sakay," sigaw niya kay Daniel sabay paandar sa speedboat. Mamaya pa'y pinaandar na rin ni Daniel ang pump boat. Nagkatinginan silang dalawa.

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon