Chapter Six

2.5K 79 0
                                    


Present 


"YOU COULDN'T have picked a better time to show your face," bungad ni Kurt La Pierre nang bumukas ang secret door ng opisina niya at iniluwa niyon si Jose Luis. Hinihintay niyang may isasagot ito subalit nanatili itong tahimik.

"I just received a persistent call from—" He raised his hands in frustration. "Only the devil knows how many fucking friends of friends or friends of relatives I have to endure!" patuloy niya. Binuksan niya ang drawer sa mesa at may hinanap doon.

Mula sa peripheral vision niya ay nakita niyang humakbang si Jose Luis patungo sa mahabang sofa at naupo roon. Bale-walang itinaas nito sa coffee table ang mga binti at dinampot ang peryodiko sa ibabaw niyon.

"May assignment ako para sa iyo," patuloy niya. "This could have been a month or so ago. Pero wala akong available na tao. Hindi kita makontak, damn it! Ano ang silbi ng high-tech mong cell phone? At ni hindi ka sumasagot sa e-mails ko sa iyo!" Patuloy siya sa paghahanap ng papeles sa loob ng drawer niya.

Bad timing, thought Luis. Mainit ang ulo ng boss.

"Damn!" Pabagsak niyang isinara ang front drawers at niyuko ang filing drawer sa kanang bahagi ng mesa at inisa-isa ang mga naroroong files. Tinitigan niya ang manila envelope na nahugot at nang makitang iyon ang hinahanap ay huminga nang maluwag.

"Here it is." Inilabas niya ang laman ng envelope at inilatag sa mesa. "The actual client didn't believe that she committed suicide. Lalonang ayaw maniwala ng kliyenteng patay na ang babaeng ito. It's been three months since the so-called suicide happened. Walang nangyari sa mga binayaran niyang mga taong naghahanap sa babaeng ito. Buhay man o patay."

"Boss..." Luis started. "I don't think I'm up to this job—"

"Hindi ko matanggihan," agap niya. "May utang-na-loob ako kay Bernard..." He raised his arms upward. "Bernard's my wife's uncle. I need you to find this woman, Luis. Walang pag-uusapan sa gastos. Ang nagpapahanap ay milyonarya, many times over."

"So now we're into finding lost females, eh?"

"I don't need your sarcasm right now," Kurt said in a that steel-laced voice he was so famous of. "Naiipit ako. May utang-na-loob si Bernard sa kliyenteng ito. And I owe my brother-in-law—or whatever fucking relationship I had with him. At kailangan ng hindi-matatanggihang kaibigan ang tulong niya. At ako ang tulong na iyon." Then Kurt muttered the "f" word in many different ways na para bang isa iyong linya ng isang malamyos na kanta.

"What about the boys? Daniel? Jack? Ten?" Luis asked unemotionally.

"Parehong may assignment sina Jack at Daniel. Si Ten ay may problemang personal. At..." Kurt stopped in midsentence.

Bahagyang nagdikit ang mga kilay. Hinagod niya ito ng tingin. May kakaiba sa Luis na nasa harapan niya sa Luis na kilala niya. Si Luis ang may pinakamaamong mukha sa mga tauhan niya. Iisipin ng sino man na harmless ang lalaking ito, lalo at sa maraming pagkakataon ay suot nito ang reading glasses.

Subalit kuwidaw, huwag kang padadaya sa maamong anyo. He was one of the deadliest. His father trained him in warfare as far as Thomas Morrison could since Luis was fifteen years old. Iyon ay para magawang ipagtanggol ni Luis ang sarili at ang ina kapag dumating ang sandaling kinakailangan.

His bitterness came when his father was killed in a mission, betrayed by his colleague, a double agent, which Luis killed three years later.

At hindi siya walang konsiderasyon upang ipagwalang-bahala ang kakaibang ekspresyong nakikita niya ngayon dito. "May... problema?"

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora