Chapter Twenty

2.6K 71 6
                                    


MABILIS siyang umiwas ng tingin. "I-I've heard of them. Taga isla ako..."

Nagkibit ng mga balikat si Danica. Si Luis ay humakbang palapit sa kanya. Yumuko ito at hinawakan siya sa baba at itinaas iyon.

"You are so transparent, sweetheart. May takot na nakiraan sa mga mata mo nang bigkasin mo ang pangalang Santillanes. Sila ba ang mga taong ikinukuwento mo?"

Pinakawalan niyang pilit ang mukha subalit mahigpit ang pagkakahawak ni Luis sa baba niya at pinanatili iyong nakataas. Much as she tried, she couldn't avoid his eyes.

"Madali para sa aking alamin ang totoo, Cheyenne..." Saka pa lang nito pinakawalan ang mukha niya at nagtuwid ng katawan.

Ibinalik ni Luis ang atensiyon sa pinsan. "Nasa akin ang mga orihinal na dokumento, Danica. Ibinigay sa akin iyon ni Mama noong araw na inihatid ko kayo rito. Patutunayan nating forgery ang mga dokumentong hawak nila. We can always have it authenticated. May mga kilala akong tao. Mananatiling iyo ang farm."

"Sa atin, Luis. Sa ating dalawa," pagdiriin nito at pagkatapos ay dinampot ang purse na inilapag sa ibabaw ng mesa at tumayo at lumakad patungo sa pinto papasok.

"I promise I'll keep you safe, Danica," Luis said firmly. "May kilala akong mga taong handang tumulong sa atin. Sumama ka pauwi ng isla."

Sandaling natigilan si Danica. Nakita ni Cheyenne ang pananabik sa mukha nito. Pananabik na natabunan ng alinlangan, at takot. "Ako ang maid of honor sa kasal ng kaibigan ko. Pagkatapos ng kasal ay susunod ako..."

"When is the wedding?"

"One week from now."

"Natitiyak mong susunod ka?"

Tumango ito. "I miss that place, Luis. I just wish..." Her voice trailed off.

"Trust me on this, cuz."

Danica gave him a small smile. "I really want to trust you, Luis. Sana ay kaya mong gawan ng paraan ang pananakot ni Santillanes sa atin." Nagbuntong-hininga ito. "I'll be there after the wedding." Nagtuluy-tuloy na itong pumasok sa kabahayan.

Nang makita ni Cheyenne na pumapanhik ito sa hagdan ay tiningala nito si Luis sa naniningkit na mga mata.

"Ayokong bumalik sa isla! At lalong ayokong idamay ang mga bata sa panganib doon!"

Itinukod ni Luis ang dalawang kamay sa magkabilang armrest at niyuko siya. Napasandal si Cheyenne. He was too close for comfort. Nalalanghap niya ang amoy ng sabong pampaligo mula rito.. ang init na nagmumula sa katawan nito. Sa wari ay nais magtayuan ng mumunting balahibo niya sa katawan.

"The kids will remain here. May magbabantay sa kanila rito. Besides, mahirap pasukin ang bahay na ito, Chey. Tiniyak ng father ko na state-of-the-art ang lahat ng security sa bahay na ito. Pati naang alarm."

"B-bakit kailangang bumalik ako sa isla?" Halos nakadikit na ang mukha ni Luis sa mukha niya at wala na siyang ilalayo pa.

"Alam kong natatakot ka. Subalit kailangang tapusin natin ang lahat kung saan ito nagsimula, Chey," anito. That seething look on his face made her step backward.

"Manganganib pare-pareho ang buhay natin sa isla, Luis," she whispered. "Natatakot ako..."

He dipped his head closed to hers, so closed that her lips almost touched his. His masculine aura of power engulfed her. "I know, baby... I know. I'll kill any body who's going to hurt you. I promise you that..."

She was torn between her agony, her fear, and the nearness of him. And her heart was pounding madly. "Tatlong tao na ang namamatay dahil sa akin. Ang lola ko, at natitiyak kong ang kapatid ko man ay namatay sa kamay nila. At si Erwin." She shook her head. "Oh, god. Ayokong pati ikaw ay madamay."

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoWhere stories live. Discover now