Chapter Twenty-Four

2.6K 78 4
                                    


"MASAMA ang nangyayaring ito, Jericho," nagpupuyos na wika ni Mayora sa anak. "Nasa jail lahat ang inutusan mo at bugbog-sarado! Ang dalawa ay ipinadala ni Hepe sa ospital. Malubha."

Nahinto sa ere ang kopitang hawak ni Jericho. "Paanong nangyari iyon? Mahuhusay lahat ang ipinadala ko."

"Sa nangyari ay mas mahusay si Morrison at ang kasama nito!"

"Kasama? Akala ko ba'y si Cheyenne lang ang kasama niya?"

"Hindi marahil napansin ng tao mo." Kinuha nito ang sigarilyo mula sa drawer at nagsindi. Nagpupuyos na naghitit-buga ito. "Hindi tama ito. Kasama ni Cheyenne si Morrison. At sa narinig ko ay malakas kay Gobernador ang Morrison na ito. Ano ang gagawin natin?"

"Planuhin nating mabuti ito, Mama. Hindi tayo dapat nagpadalus-dalos sa mismong sandaling bumaba ng pump boat si Cheyenne."

"Ayon kay Hepe ay sinabi sa kanya ni Cheyenne na naroon ito nang umagang patayin nila ang matandang babae at sunugin ang bahay nito. Nararamdaman ko ang takot sa tinig ni Hepe." Hinarap nito ang anak. "Kung ako ang tatanungin mo ay ipapalusob ko sila mamayang gabi!"

"Relax, Mama. Huwag tayong padalus-dalos. Pag-isipan nating mabuti ang gagawin."

ALAS-NUEVE ng gabi at nasa veranda ng silid niya si Cheyenne, nakatanaw sa kadiliman sa labas. Kung may natatanaw man siyang mumunting liwanag ay napakalayo ng mga iyon. Marahil ay bahay ng mga tauhan sa manggahan.

Ekta-ektaryang lupain ang pag-aari ng mga Pontevedra. Noon pa man ay nababalitaan na niya iyon. The Pontevedras were one of the biggest exporters of mangoes and cashew nuts.

Iyon ang ikalawang gabi niya sa Villa Pontevedra. She could still feel the jitters, reliving the terror of being a would-be victim. Nang magsalubong ang mga mata nila ng hepe ng pulisya kahapon ay umahon ang galit sa dibdib niya. Natatandaan niya ang sinabi ni Manong Kardo noong gabing iyon bago siya iwan nito sa pantalan.

"Si Hepe ang nakita kong kasama ng mga lalaking sumunog sa bahay ng lola mo, Cheyenne. Naroon lang siya sa sasakyan at tahimik na nakamasid."

Inalis niya ang isip doon. Nangako sina Luis at Daniel na mahuhulog din sa kamay ng batas ang lahat ng may dapat panagutan.

Kahapon pagdating nila mula sa presinto ay agad na sinalubong si Luis ni Manong Macario at sabihin dito ang maraming problema sa manggahan. Naiwan siya at si Daniel sa villa. And she was too tired to do anything but rest. Ang biyahe ay mula sa port patungo sa lupain ng mga Pontevedra ay halos dalawang oras.

Ang sindak at pagod ay sapat upang igupo ang katawan at isip niya.

Hanggang sa makatulog siya ay hindi pa rin bumabalik si Luis. Kinabukasan na ng umaga niya ito nakita. Magkakasabay silang nag-almusal nina Daniel.

Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makausap nang sarilinan si Luis sa buong maghapon dahil abala ito sa pakikipag-usap sa katiwala ng farm. Tulad ngayon, inabot na ito ng gabi sa pakikipag-meeting sa mga tauhan.

She'd missed Guimaras. Sana sa panahong ipananatili nila rito ay makauwi siya sandali sa kanila. Kahit na nga ba wala na siyang bahay na daratnan doon. Kapag natapos ang lahat ng ito ay ipinangangako niya sa sarili niyang patatayuan niya ng bahay ang dating kinatitirikan ng bahay ng lola niya. Kahit maliit lang. May naipon na naman siya.

That would be her legacy to the twins. Dito niya gustong papag-aralin ang kambal tulad ng gustong mangyari ni Charmaine. Dito sila maninirahan sa isla. At kung sakaling magsusulat siyang muli ay dito sa Guimaras ang magiging home base niya.

Her eyes stung from unshed tears. Nangangarap siya. Pangarap na posibleng hindi mangyari dahil sa panganib na nakabanta sa buhay niya. Kung may kasiyahan man siyang nadarama ay iyong kaalamang kung sakaling may mangyari sa kanya ay nakatitiyak siyang hindi pababayaan ni Luis ang mga bata.

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoWhere stories live. Discover now