Chapter Three

2.4K 64 1
                                    


"WHY, YOU'RE young and beautiful!" bulalas ni Mayora Santillanes at mahigpit siyang kinamayan. "Mahusay pumili ang aking anak." Isang makahulugang sulyap ang ipinukol nito kay Jeric

"T-thank you, ma'am." Ito ang unang pagka-kataong nakita niya nang malapitan ang mayora.Nakangiti ito subalit ang ngiti ay hindi umaabot sa mga mata. Her eyes were cold. Agad niyang kinastigo ang sarili. Gumagana na naman ang mayamang imahinasyon niya.

Kinindatan siya ni Jeric. "Sabi ko na sa iyo, Mama, magugustuhan mo si Cheyenne. Magtatapos na siya ngayong susunod na buwan sa kolehiyo sa mainland. At nagtatrabaho siya ng part-time sa restaurant natin bilang crew."

Umangat ang guhitang kilay ng mayora. "Really? Iyan ang gusto ko sa kabataan, masikap. And now that I thought about it, you have a very unusual name, hija."

Isang alanganing ngiti ang pinakawalan niya.

"Lahat po ay iyan ang sinasabi. Ayon sa lola ko ay sa isang palabas sa sine nakuha ng nanay ko ang pangalan ko. Sa isang American Indian tribe."

"Oh, I see." Like any politician, naka-plaster na ang ngiti sa mga labi nito. Kung paano ito nakakangiti at may ganoong mga mata ay hindi malaman ni Cheyenne. "Make yourself comfortable, hija." Binalingan nito ang anak. "Jeric, asikasuhin mo ang nobya mo at may kakausapin lang ako."

"Don't worry, Mama. Ako'ng bahala." Inakbayan siya ng kasintahan. "Ipakikita ko sa iyo ang cabin natin."

Cabin natin.

Bahagya siyang kinabahan doon. Hindi niya inaasahang ang munting salu-salo ni Mayora ay gaganapin sa yate nito na nakadaong hindi kalayuan sa isa sa mga baybayin ng Guimaras. Ang iilang bisitang nakikita niya sa paligid ay dumating sakay ng motorboat na sumusundo sa mga ito mula sa pantalan. Sa kanyang palagay ay wala pang sampu ang mga bisita na pawang mga lalaki.

Totoong pasado alas-otso na ng gabi. Subalit marahil ay hindi pa nagsisidating ang ibang mga bisita.

"B-bakit kailangan nating magkaroon ng cabin?" tanong niya habang atubiling nagpaakay sa kasintahan.

Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Jeric. "Hindi ko ba nasabi sa iyo na overnight kung magpa-party si Mama?"

"Overnight?" gulat niyang sabi, nahinto sa paglakad. "H-hindi mo nasabi sa akin iyan. Maghihintay sa akin si Lola..."

"I'm sorry, honey. Sa dami ng aking iniisip ay nalimutan kong sabihin sa iyo. At huwag kang mag-alala sa lola mo. Bukas pagkahatid ko sa iyo ay ako na mismo ang magpapaliwanag."

Ang akmang protesta niya ay napigil nang isang pinto ang binuksan ni Jeric at ipinakita sakanya ang loob ng silid. "This is our cabin, honey," wika nito. "May sarili iyang bathroom at may Jacuzzi pa. Sige, tingnan mo."

Pinagbigyan niya ito. Inikot niya ng tingin ang yate pero wala roon ang isip niya kundi nasa pananatili roon nang overnight. Kunwa ay sumilip siya sa porthole. Nilapitan siya ni Jeric at niyakap mula sa likod. Hinawakan nito ang kamay niya at kinuha mula roon ang purse niya at inilapag sa tabi ng telepono. Pagkatapos ay iniangat siya nito sa sahig na sa gulat niya ay nawalan siya ng panimbang at napatukod ang siko niya sa telepono.

"Jeric, ano ba! Ibaba mo ako!" Inayos niya ang sarili.

"Hmn..." Hinagkan siya nito sa leeg. "Kung walang mga bisita sa labas ay mas gugustuhin kong magpahinga na muna tayo." Ang mga kamay nito ay nagsimulang maglakbay sa maseselang bahagi ng kanyang katawan.

"J-Jeric... alas-otso na. Nagugutom ako. Kumain na muna tayo."

Pinakawalan siya ni Jericho. "Of course. Pero puwede namang magpahatid na lang tayo ng pagkain dito sa cabin."

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora