Chapter Twenty-Six

2.8K 71 4
                                    


NAHINTO sa akmang muling paghigop ng kape si Cheyenne, tumitig sa kanya. "Mayroon ka ring ganyan?"

"No, Chey. Ito mismong necklace na ito ay akin"

Ngumiti ito. "That's not possible. That's Charmaine's. It's been in her possession bago pa man kami nagkitang muli, four and a half years ago."

Itinalikod nito ang mga letrang palawit. "Here, tingnan mong mabuti. It's so small you can hardly see it."

Dinampot nito ang kuwintas at tinitigan nang husto ang itinuro niya. May nakaukit doong crude na letrang 'Morrison.' Nag-angat ng mukha si Cheyenne. Napuno iyon ng kalituhan. "H-hindi ko ito napuna. H-hindi mo sinabi sa akin ang apelyido mo..." Biglang nag-init ang mukha niya nang matukoy ang maaaring kahulugan niyon. She'd been to bed with him, pero heto at hindi niya alam ang apelyido ni Luis.

"I-Iniisip kong isa ka ring Pontevedra. And then one night, sa bahay mo, naulinigan kong sinabi mo kay Daniel na isa kang... Mo... Monte Falco..." She shook her head. "I didn't want to eavesdrop in your conversation. Dumiretso ako sa itaas."

Luis smiled at her tenderly. "Napakaraming bagay ang hindi natin alam sa isa't isa, Chey. We have a lifetime knowing each other."

Hindi pa rin siya maka-recover sa pagkapahiya sa sarili niya. Itinaas ni Luis ang mukha niya at banayad na hinagkan sa mga labi.

"H-hindi kaya magkapangalan lang kayo?"

"No, sweetheart. Pareho kaming mayroon niyan ni Daniel. Nasa Venezuela kami at nag-iikot sa palengke nang ialok sa amin ng tindera ang mga silver necklaces. Wala naman kaming balak bumili subalit mapilit ang tindera na tingin ko ba'y kami pa lang ang unang customer nang umagang iyon.

"Ayon sa tindera ay makakapamili kami ng disenyong gusto namin kung makapaghihintay kami ng isang oras. Pareho naming pinaukit ni Daniel ang 'semper fi.' At Pinalagyan ko ng pangalan ang kuwintas ko..." He paused.

Nagsimula nang kabahan si Cheyenne. "P-paanong napunta sa kapatid ko ang kuwintas mo?

"I can't answer that. But it was stolen in Thailand..."

"Sa papaanong paraan?"

Hindi agad siya sumagot. Humugot ng malalim na hininga.

"Please, Luis. I need to know."

Tumayo si Luis at kinuha ang sariling mug ng kape at hinigop. "I retired from the marines, became special ops... kami nina Daniel at D'Angela. While on assignment in Colombia... I almost died..."

"The scars!"

"Some of it. Ang nasa tagiliran ko ang matindi. My liver was punctured." He shrugged. "We were betrayed. Ang taong inakala naming magtuturo sa amin kung saan naroon ang anak ng ambassador na kinidnap ay siyang nagkanulo sa amin. Nagtiwala kami. He was an American living in Colombia for years..."

Humugot siya ng malalim na hininga. Hangga't maaari ay hindi niya gustong alalahanin ang panahong iyon kung saan hindi na siya umaasang mabubuhay pa.

"I was captured because I let D'Angela escaped." Nilingon niya si Cheyenne na napasinghap.

"K-katulad ninyo siya?" namamangha niyang tanong.

"Yeah. Isa si Jack sa nag-train sa kanya."

"B-bakit hindi na lang kayo ang tumakas pareho?"

Humugot ng pagkalalim-lalim na hininga si Luis bago sumagot. "Kailangan kong iligaw ang mga humahabol sa amin. Hindi mo kayang isipin kung ano ang gagawin sa kanya ng mga terorista kung mahuhuli siya nang buhay.

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoDonde viven las historias. Descúbrelo ahora