Chapter Twenty-Five

2.8K 77 9
                                    


NAG-AALALANG sinundan niya ito ng tingin. Pagkatapos ay atubiling pumasok na sa silid niya. Nahiga siya at sinikap na makatulog subalit hindi siya dalawin ng antok. Minabuti niyang tumayo at tinungo ang di-kalakihang bagahe na kinalalagyan ng mga gamit niya. Ang mga damit niya ay nakasabit na sa closet.

Subalit may ilang bagay siyang iniwan sa traveling bag. Binuksan niya iyon at kinuha ang isang kahon ng sapatos. Nasa loob pa rin ng bag ang ilang damit ni Charmaine na naiwan nito sa Tingloy.

Ang laman ng kahon ay mga mumunting gamit ni Charmaine. Ayon kay Lola Loleng ay iyon na ang kabuoan ng mga gamit ng kapatid niya. Ang laman ng kahon ay iilang mga litrato ni Charmaine. She smiled poignantly at the photographs. Isa-isa niyang tiningnan ang mga iyon.

May mga kuhang solo ito at may mga kasamang kaibigan. Kung ang backdrop ang pag-uusapan ay kuha ang mga iyon sa ibang bansa. Naroon din ang mga resibo ng kung anu-ano; passport; greeting cards; accessories; kung anu-ano pang novelties.

At naroon ang pocketbook na isinulat niya na binili ni Charmaine noong araw na magkita sila. Tulad ng una niyang makita iyon, namuo ang luha sa mga mata niya nang buksan niya ang pocketbook. Sa unahang pahina ay naroon ang mga pangalan ng kambal at ang nakasulat na 'mahal na mahal kayo ni Nanay... Auntie Chey ninyo ang may-akda nitong libro...'

Hindi pa man ay naisip na niyang parang ipinakikilala na siya ni Charmaine sa mga anak nito gayong sanggol pa lang ang mga bata noong panahong iyon.

Sinadya niyang dalhin ang mga gamit ng kapatid upang ibaon sa isang bahagi ng lupain nila. Doon sa dating bahay ng lola niya. Charmaine would want that.

Nagtungo ang kapatid niya rito sa isla upang marahil ay tingnan ang magiging buhay ng kambal. Upang tiyaking mapapaayos ang buhay nila rito sa piling ng lola nila. Subalit hindi naman nito nalamang wala na ang lola nila. At may palagay siyang hindi man lang ito nakarating sa kanila.

Nakakalat ang mga tauhan ni Mayora Santillanes. They must have spotted her sister the moment Charmaine had stepped out of the boat and mistook her for Cheyenne. At sapilitang tinangay. Tulad ng binalak gawin ng mga ito sa kanya sa muli niyang pagtapak sa isla.

Tulad noong una niyang nakita ang kahon ng sapatos na siyang pinaglagyan ni Tandang Loleng ng mga gamit ni Charmaine ay muling natuon ang pansin niya sa isang silver necklace na ang palawit ay ang mga salitang semper fidelis.

Mahaba ang kuwintas at may kalakihan ang chain. Nahihinuha niyang panlalaki iyon. Ngayon niya naalalang sa kuwintas niya unang nakita ang tattoo ni Luis.

Marahil ay pag-aari ng boyfriend ni Charmaine ang kuwintas. She decided to keep it along with the pocketbook and the photographs. Kapag nagkaisip ang mga bata ay ipagkakaloob niya kay Skye ang kuwintas na iyon bilang alaala mula sa ina nito. At ang pocketbook ay kay Summer. Hindi niya hahayaang malimutan ng kambal ang nanay nila.

Kasama ng ilang pirasong damit ni Charmaine ay inilagay niya ang kahon sa ibabaw ng writing table at umaasang magkakaroon siya ng pagkakataong dalawin ang lupain nila. Ang kuwintas, pocketbook, at mga larawan ay inilagay niya sa ibabaw ng tokador at itinabi sa kahon ng sapatos.


NARAMDAMAN niya ang paglundo ng kama nang mahiga roon si Luis. Agad siyang nagising.

"Hey..." She turned to him and smiled sleepily. His arm snaked around her body and kissed her. Wave of arousal shot through her.

Ibinaba ni Luis ang pajama bottom niya kasabay ng panties niya at inihagis iyon sa sahig. Then he dipped his head and kissed her thigh. She gasped loudly and pulled him up and raised her body so she could kiss him on the lips.

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon