Chapter Thirteen

2.3K 71 4
                                    


ALAS-TRES y media na ng madaling-araw subalit hindi pa rin bumabalik ang babae. Kaninang hatinggabi ay palihim na pinasok ni Jose Luis ang cottage nito. Naroon pa ang mga damit nito. Ibig sabihin ay hindi pa ito umaalis.

Kahapon ng umaga ay tinawagan niya si Kurt upang ipaalam dito na natagpuan na niya ang pinahahanap na si Cheyenne Quintana aka Charmaine Rose; na buhay ito at naninirahan sa isang isla sa may katimugan ng Batangas.

Sa nakalipas na buwan ay ginaygay niya ang mga islang maaaring puntahan ng babae. Mula sa lugar kung saan ito inaakalang nalunod.

He didn't miss a thing. Mahusay siya roon. Tracking. Finding people. Tinanong niya ang lahat na maaaring pagtanungan. Mga tanong na hindi maiisip ng nakararami. Karamihan ay simple lang. Mula sa isla Verde hanggang sa kabilang isla, and finally, Tingloy Island.

Katunayan ay malaking bagay ang impormasyong nakuha ni Kurt La Pierre mula sa isang bangko na naghayag na may savings account deposit si Cheyenne Quintana sa Anilao. Savings account deposit na lingid sa lahat dahil ang iniwang savings account ni Cheyenne Quintana bago ito nag-fake ng kamatayan ay nanatiling hindi nagagalaw.

Subalit sa pamamagitan ng mga koneksiyon ni Kurt ay natuklasang may lihim itong account sa isang kilalang bangko. At ang huling withdrawal nito ay two months ago, sa Anilao, Batangas.

At tama ang kliyente nila. Buhay ito at nagtatago. Kung sa anong dahilan ay may bahagi ng isip niya na naghahangad na malaman. Subalit may bahagi rin ng isip niya na nagsasabing tama nang nagawa niya angtrabaho niya at bukas ng tanghali ay hihintayin na lamang niya ang feedback ni Kurt at magpapaalam na siya. Kailangan niyang bumalik sa Maynila upang makipag-appointment kay Leandro Jace del Mare Monte Falco.

What a long name, he thought.

At natuklasan niya ring may kapatid si Leandro Jace. Ang pangalan ay Tristan Monte Falco at taga San Angelo. At nakita niyang pareho ang mga larawan ng dalawa. Magkamukha ang mga ito. It was because they were twins.

Natitiyak niyang mga kapatid niya ang dalawang lalaki. Puno ng pananabik ang dibdib niya, kasabay ng kaba. Hindi siya makapaniwalang kinakabahan siya. Marami ng mapanganib na misyon siyang dinaanan at ilang beses nang nabingit ang buhay niya subalit ni hindi siya nakadarama ng takot man lang.

Paanong ang simpleng pakikiharap sa mga kapatid ay nagdudulot ng kakaibang takot sa kanya?

Sa napag-alaman niya habang binabantayan niya ang ex-father-in-law ni Tennessee ay nakaaangat sa buhay ang mga ito. Well, financially wise, hindi siguro siya milyonaryo dahil hindi naman marangyang magpasuweldo ang US Marine. Subalit hindi siya mahirap. Hindi siya magmumukhang pulubi sa harap ng mgakapatid niya.

Bagaman hindi niya gustong isiping kanya ang kalahati ng propiedad ng mga Pontevedra bilang legal na anak ni Haydee Pontevedra Morrison. Isang malaking suliranin pa ang kinakaharap nila ni Danica sa mga mana nila. At aasikasuhin niya iyon pagkatapos niyang makipagkita sa mga kapatid.

Ibinalik niya ang atensiyon sa cottage sa kabila. Nais man niyang matulog ay hindi siya dalawin ng antok. Wala pa ang babae sa kabilang cottage. Saan ito nagpunta?

Kaninang bandang alas-diyes ay natanaw niya itong sumakay sa tricycle na may kasamang bata. Tumayo siya. Sa Tingloy ay sa araw lang may kuryente. Sa gabi ay wala. Subalit hindi niya kailangang magsindi ng ilawan na inilaan para sa cottage. O kahit ng flashlight. Sanay ang mga mata niya sa dilim. Isang requirement iyon sa trabaho niya.

Hinawi niya ang kurtina. Ni wala kahit ga-alitaptap na liwanag sa cottage nito. Wala pa rin ang babae.

Bakit ito nagtatago? Bakit nito pinaniwala ang lahat na nagpakamatay ito?

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon