Chapter Twenty-Three

2.8K 83 18
                                    


"MAY TUMAWAG sa akin ngayon lang, Mama. Isang tao natin ang nakakita kay Cheyenne sa port. At hulaan mo kung sino ang kasama?"

"Don't be an ass, Jericho. Quit the guessing game. Sino ang kasama?"

"Si Morrison."

Bahagyang kumunot ang noo ni Mayora Santillanes. Hindi agad makarehistro sa isip ang pangalang binanggit ng anak. Kapagkuwa'y napatuwid sa pagkakaupo. "Ang anak ni Haydee!"

"Mismo. At magkasama sila ni Cheyenne na bumaba mula sa pump boat."

"Paano mo natiyak na magkasama ang dalawang iyon?"

"I asked the same question, Mama. Nakaalalay si Morrison kay Cheyenne, nakaakbay, at magkasama silang sumakay sa tricycle."

Tumiim ang mga bagang ni Jericho. May bahagyang paninibughong naramdaman. Anim na taon na ang nakalipas, gayunman ay hindi nito basta-basta nakalimutan si Cheyenne. Ito ang nag-iisang babaeng nakaligtas sa mga kamay niya.

Dapat ay naangkin niya ito nang gabing iyon. At pagkatapos ay hihilingin sa ina na hayaan munang pagsawaan niya bago gawin ang ano mang nais gawin ng ina rito.

But she had escaped that night. Napaglalangan siya ni Cheyenne. Doon. Dalawang oras pa bago nila natuklasan ang pagtakas nito. Ang hindi niya kayang tanggapin ay ang hantarang pang-iinsulto ng ina sa kanya sa harap ng mga tauhan.

Napakabata pa ni Cheyenne nang panahong iyon para mapaglalangan siya. He would have thought she'd be scared. At dahil wala naman itong mapupuntahan ay aasa sa kanya. Maniniwalang kaya niyang ipagtanggol ito mula sa ina.

Ilang taon na ang nakalilipas ay inakala ng mga tauhan niyang si Cheyenne ang nagbalik sa isla. Ni hindi ito nakarating sa patutunguhan. Agad itong dinala ng mga tauhan niya sa kanya. But she wasn't Cheyenne. Kamukha lamang ito ni Cheyenne.

What was her name? Charina... Charmaine. Yes. Tulad ni Cheyenne ay maganda si Charmaine. Kahit hindi nito aminin ang relasyon nito kay Cheyenne ay natitiyak niyang magkapatid ang dalawa. Kahit nang halos mamamatay na ito ay hindi nito sinabing kilala nito si Cheyenne. Natitiyak niyang mas pipiliin nito ang mamatay kaysa sa ituro ang kapatid.

Pagkatapos niya itong pagsamantalahan ay ibinigay niya ang babae sa mga tauhan. He realized she was too thin for his liking. Add the fact that she never stopped coughing. She disgusted him.

At bukod roon ay nag-iwan ng marka si Charmaine sa mukha niya nang manlaban ito. Bumaon nang husto sa pisngi niya ang isa sa mga kuko nito. Wala sa loob na dinama niya ang gilid ng pisngi. Naroon pa ang pilat sanhi ngginawa ng babaeng iyon. Halos hindi na ito humihinga nang mapasukan siya ni Rufo. Hiningi sa kanya ang babae bilang balato.

He could have killed her right there and then. Pero ikaaaliw niya ang sasapitin nito sa mga tauhan niya.

Naputol ang daloy ng isip niya nang magsalita ang ina. "Paabangan mo sila sa sabana patungo sa farm ng mga Pontevedra. Mag-utos ka ng apat na tauhan."

Isang ngisi ang isinagot ni Jeric. Muling dinukot ang cell phone sa bulsa at may tinawagan. Mapapasakanya pa rin si Cheyenne pagkalipas ng anim na taon. At kapag ipinasya niyang panatilihin itong buhay nang ilang panahon ay gagawin niya hanggang sa magsawa siya at pagkatapos, tulad ng kapatid nito ay ipapasa niya sa mga tauhan. 


"BAKIT hindi ka na lang nagpasundo?" tanong ni Daniel mula sa backseat ng tricycle driver.

"Hindi ko natatandaang gumagamit ng cell phone ang katiwala sa farm," Luis said. Nilinga nito si Cheyenne na kanina pa tahimik. "Are you all right?"

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon