Chapter Twenty-Two

2.7K 88 6
                                    


ITINAAS ni Cheyenne ang straps ng nighties niya. Magkakasamang emosyon ang nararamdaman. What happened wasn't a dream! She could still feel the remants of her climax. At sa wari ay may kulang pa at sa sulok na bahagi ng isip niya ay nais niyang dugtungan iyon.

Tinutop niya ang bibig niya at napahugot ng hininga. Hindi pa niya naranasan ang ganoong uri ng damdamin sa buong buhay niya. And now she was torn between embarrassment and pleasure.

"Y-you took advantage of me..." she accused horrifyingly.

"Nasa labas ako sa pasilyo nang marinig kitang umungol nang malakas. Sumigaw. I had to take the master key and opened your door. Nang akma kitang gigisingin ay kalmante ka na. Natutulog na uli. But you uttered my name in your sleep..." He smiled. His eyes caressed her body. Ang titig nito sa kanya ay pumapaso.

"You wanted me to kiss you... to touch you..."

"You're making that up!"

"Bakit ko naman gagawin iyon?" he said innocently. "You didn't want to let go of my hand. You didn't want to stop me from kissing you. Ako ang panaginip mo, Chey..." he said softly. Kissing and touching her was incredible. He had never had a woman that made him feel like this. It was as if she had given him already the main event.

"Nightmare, you mean!"

His grin was devilish. Niyuko nito ang nakalilis niyang panties. Her eyes widened. She was speechless. Kasabay ng pagkapahiya ay nasa katawan pa niya ang baga ng pagnanasa na tila sawa at nililingkis siya.

"You climaxed."

Bakit kailangang ipagdiin-diinan nito ang pagkapahiya niya?

Napasinghap siya nang hawakan siya ni Luis sa magkabilang balikat at pagkatapos ay yumuko upang hagkan siya. Subalit iniwas niya ang mukha at dumampi sa sulok ng mga labi niya ang bibig nito. Still, it made her shiver with need.

"I want you, babe," he murmured against the corner of her lips. "I know you want me, too. And if you deny me now, I think I'll die." Kinuha nito ang kamay niya at dinala iyon sa ibabaw ng boxer shorts nito, ipinadadama sa kanya ang katotohanan ng sinasabi nito.

Muling napasinghap si Cheyenne. Bale-wala ang malambot na kayo ng cotton. Hindi niyon itinago ang sumisingasing na pagnanasa nito. At kung magiging totoo siya sa sarili niya ay iyon din ang gusto niya.

At bago pa siya makapag-isip nang matino ay mariing inangkin ni Luis ang mga labi niya. Kasabay ng pagbababa nitong muli sa strap ng pantulog niya. Ang mga labi nito ay bumaba sa leeg niya habang ang kamay ay dinama ang dibdib niya.

"Please..." Kung protesta iyon o encouragement ay hindi matiyak ni Cheyenne.

"You're mine, Chey..." he whispered. He caught her lips this time and kissed her thoroughly. Ang kamay nito ay banayad na humahaplos sa hubad niyang likod. "Tell me what you want..."

I want you. Ibinulong ng isip niya iyon.

"Tell me, Chey. Gusto kong marinig. What do you want?" he murmured in between kisses.

"You." Cheyenne moaned. Her body slumping against him in total surrender. Desire uncurled inside her and began to throb in the most secret places. Tila hinihipang muli ang baga ng pagnanasa at muling sumiklab ang apoy.

Sandaling bumitaw si Luis at muli na naman sana niyang bibigyan ng kahihiyan ang sarili dahil akma niya itong aabutin. Bumaba ito ng kama. Hinubad nito ang suot na kamiseta at inihagis sa sahig. Isinunod nito ang boxer shorts na sumama sa kamisetang nasa sahig.

Napahawak sa dibdib niya si Cheyenne. Gusto niyang iiwas ang tingin mula sa hubad nitong katawan subalit hindi niya magawa. She was overwhelmed by the man's masculine power and overt sexuality.

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoWhere stories live. Discover now