Chapter Seven

2.4K 78 10
                                    


DALAWANG araw makalipas ang pagtatapat na iyon ni Mrs. Haydee Morrison kay Jose Luis ng totoo niyang pagkatao ay binawian ng buhay ang ina. Sari-saring damdamin ang namahay sa dibdib niya. He still couldn't come to terms with what his mother had told him.

Ang dalamhati sa pagkawala ng ina, at angshock sa pagkatuklas na ang dalawang taong minahal niya nang lubos ay hindi niya tunay na mga magulang. Na saan man niyang anggulo tingnan ay lumalabas na mataktika siyang itinakas ng mga ito mula sa biological parents niya. Dahil kung ang intensiyon ng mag-asawang Morrison ay matunton siya ng biological parents niya, dapat ay nag-iwan ang mga ito ng forwarding address, kahit man lang sa mga kapitbahay.

He loved his mother so much that hatred for what she and her husband had done couldn't take root. Hindi siya totoong anak ng mag-asawang Morrison. Hindi siya isang Morrison. Subalit wala siyang natatandaan sa buong buhay niya na hindi siya minahal ng mga magulang. Gayunman ay hindi maalis sa isip niya kung sino ang totoong mga magulang niya?

Buhay pa ba ang mga ito?

Nasaan ang mga kapatid niya?

Ilang araw na nanatili siya sa Villa Pontevedra pagkalibing sa ina. Nakatanaw ang bahagi ng balkonahe sa dagat at sa kanang bahagi ay ang mango orchard. At natanaw niya ang bahagi ng manggahan na nasunog. Bagaman naagapan ng mga tauhan ang pagkalat ng apoy ay naging dahilan iyon ng atake sa puso ng mama niya.

Sana'y hindi na lang ito nagbalik sa isla at nanatili na lamang sa America.

He sighed. Itinaas pa ang paningin sa dako pa roon ng mga puno ng mangga. Naroon ang malawak na karagatan. The last time he was in the island was almost six years ago. Katatapos lang ng assignment niya sa Bahrain nang tawagan niya ang ina.

Puno ng excitement ang tinig nito nang sabihin sa kanyang uuwi ito sa Guimaras. Ipinangako niya sa ina na magkikita sila sa airport sa Pilipinas upang ihatid ito sa isla.

Tinupad niya ang pangako. Mula sa Bahrain ay lumipad siya patungong Pilipinas. Limang araw siyang nanatili dahil iyon lamang ang bakasyong ibinigay sa kanya. May tawag sa kanya para sa panibagong assignment.

Ang ipinagtataka niya ay nang sunod silang magkausap na mag-ina ay nasa America na ito kasama ang pinsang si Danica. Na bumalik ito ng America dalawang linggo pagkaalis niya.

Nahimigan niya ang anxiety sa tinig ng ina nang magkausap sila at ibalitang hindi na nakauwi ang kapatid at hipag nito nang araw na iyong umalis ang mga ito. Hindi niya mapaniwalaan ang balitang pagkamatay ng nakababatang kapatid ng ina at ng asawa nito. Naroon pa siya sa isla nang araw na umalis ang Tiyo Simeon at Tiya Solly niya upang dumalo sa isang party na ginanap sa yate ng isang kilalang tao. Hinihinalang nalunod ang mga ito.

Muli niyang tinanaw ang laot at pinuno ngsariwang hangin ang dibdib. Kung hindi dahil sa matinding lungkot na namamahay sa dibdib niya, kasama na ang ligalig sa natuklasan sa pagkatao niya, ay natitiyak niyang maa-appreciate niya nang husto ang kagandahan ng paligid. Tulad din noong unang narito siya may anim na taon na ang nakalipas.

May munting alaalang nais na mangibabaw sa isip niya subalit iglap niyang binura iyon sa isip. He looked around him. Ang buong villa ay Spanish architecture ang disenyo. Luma na ang mga gamit at nangangailangan na ng bagong haplos ng pintura ang bahay. Gayunman, mahuhusay na kahoy ang mga ginamit.

He would have loved it here. To take roots in this place. Build a family. Walang sundalo siyang nakatagpo na hindi nangarap na magkapamilya at manirahan sa isang tahimik na lugar tulad nito. Subalit hindi niya pag-aari ang propiedad na ito. Lalo na ngayong natuklasan niya ang tunay niyang pagkatao.

Ang mga magulang ni Haydee Pontevedra Morrison ay namatay ilang taon na ang nakalipas. Ang mama ni Haydee ay sa atake sa puso rin ang ikinamatay. Nakuha pang umuwi ni Haydee para sa libing ng ina. Gayunman ay hindi man lang ito kinausap ng ama. A few years later, her father died from old age.

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoWhere stories live. Discover now