Chapter Eight

2.3K 72 9
                                    


LUIS frowned. May nahihiwatigan siyang kakaiba sa tono ng boses nito. At ang mga mata nito ay tila may ibinabadya. Something like fear. Fear of what?

"Danica, hindi mo ako naiintindihan—"

"Ako ang hindi mo naiintindihan, Luis!" anito. "I can't stay here much as I wanted to." She looked around her. "Oh, god, alam mo ba kung gaano ko pinanabikan ang lugar na ito? Ang bahay na ito? Dito ako ipinanganak at nagkaisip. Ayokong manatili at tumanda sa America!"

"Ganoon naman pala. Ano ang dahilan at aalis ka na naman? Wala pang apat na buwan mula nang umuwi kayo rito ni Mama. Hindi kita naiintindihan."

Umiwas ito ng tingin. Pagkatapos ay lumakad ito patungo sa pang-isahang bilog na duyan na yari sa rattan at may malaking kutson na ang cover ay bulaklakin at naupo roon. May ilang beses nagbuntong-hininga.

"Hindi mo marahil alam ang totoong dahilan kung bakit isinama ako ni Auntie Haydee pabalik sa America nang matapos ang vigil para sa mga magulang ko..."

"You're right. I didn't know. Walang nais magsabi sa akin." He was sarcastic.

"Nang mamatay ang Daddy at Mommy—"

"As far as I know there were no bodies found."

"Don't be such an ass. It's been six years. Of course, they are dead," paniniyak nito sa tinig na magkahalong exasperation at kapaitan. "My parents' life insurance cannot be claimed because there were no bodies. Masakit man nang labis sa dibdib ko, sana'y magagamit ko ang perang iyon upang tuluyang iwan ang lahatng ito.

"Noong una'y naniniwala akong buhay pa sila at baka na-stranded lang sa ilan sa mga isla rito. Malakas ang hangin nang gabing iyon at maalon bagaman walang bagyo. At kung nalunod man sila, na mahirap paniwalaan dahil pareho silang mahusay lumangoy, naroon ang posibilidad na inanod ang mga katawan nila sa ibang lugar."

"Naipagalugad n'yo ba noon ang lahat ng posibleng galugarin?"

"Mahabang panahon ang kakailanganin niyon. At kailangan na naming makaalis ni Auntie patungong America."

"But why?"

"Because my parents were murdered."

"C'mon, Danica..."

She ignored him. "Ayon sa statement ng mga Santillanes, maging ang sinasabi ng mga naging bisita nilang noong gabing iyon, ay hindi nakarating sina Daddy at Mommy. Na marahil ay inignora nila ang imbitasyon ni Mayora Santillanes at mas minabuting daluhan ang party sa kabilang isla.

"Hindi rin sila nakarating sa kabilang isla ayon sa mga naroroon nang gabing iyon. Inabutan mo ang mga magulang ko rito noong araw na inihatid mo si Auntie Haydee rito sa villa. Narinig mo ang sinabi ng Daddy at Mommy kay AuntieHaydee. Na dadaluhan nila ang party ni Mayora Santillanes." Malungkot na umiling si Danica.

"Balikan natin ang dahilan kung bakit isinama ka ni Mama sa America, maliban sa gusto niyang doon ka magtapos ng pag-aaral at wala kang makakasama rito."

"Auntie Haydee would have stayed, Luis. Pinanabikan niya ang lugar na ito kung saan siya isinilang, lumaki, at nagkaisip. Tulad ko rin. Nang mamatay si Lolo ay wala nang dahilan upang manatili siya sa ibang bansa." Muli nitong iginala ang paningin sa magandang tanawin sa kapaligiran, longing in her eyes.

"But there were rumors and whispers when my parents couldn't be found. Na pinatay sila ng mga kalaban ni Daddy sa pulitika..." Her voice broke and she took a deep breath. "Kakandidatong mayor si Daddy noong mga panahong iyon at marami na ang nakatitiyak ng panalo niya."

"Mga haka-haka lang iyon, Danica."

"Iyon ang totoo, Luis! Naniniwala akong iyon ang nangyari sa mga magulang ko! Kung paano ay hindi ko alam. Walang nakakaalam. Bakit sa palagay mo ay hinayaan ni Auntie na iwan sa mga katiwala ang buong manggahan six years ago?"

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon