Chapter Fifteen

2.2K 72 2
                                    


"HINDI mo ako naiintindihan," giit niya. "Ang lolo nila ay namatay kahapon. Ang lola nila ay kagabi naman..." Nag-uunahan ang mga salita sa pagpapaliwanag niya dahil baka hindi siya pakinggan nito. "Hindi nila alam na wala na rin ang lola nila. Ang mga batang iyon ay aking..." mga pamangkin, she would have said, but she caught herself. "responsibilidad. Sa akin silainiwan ng matandang babae bago ito namatay."

"Paano mo nakuhang magkaroon ng respon-sibilidad sa dalawang bata gayong nagtatago ka?" singhal nito at nakayuko sa kanya.

"Huwag mo akong sigawan!" Hindi niya kailangan ang isang estranghero upang ipamukha sa kanya iyon. Siya man ay iyon ang gumugulo sa isip niya mula pa kahapon. But she couldn't leave the twins behind. Lalo na ngayon.

Napaungol siya sa magulo at mapanganib na sitwasyong kinasadlakan niya.

"Nag-aaksaya tayo ng oras!"

"H-hindi alam ng mga naghahanap sa akin ang lugar nila—"

"Kung alam ko'y alam din nila."

Tinitigan niya ito sa pagitan ng mga anino ng mga puno. May mga manok nang nagsisimulang tumilaok. Malapit nang magliwanag.

"P-papaano mong—"

"Sinundan kita kahapon mula sa bayan. Ang buong akala ko'y doon ka nakatira."

Muli niyang hinatak ang kamay niya subalit pa rin nito iyon pinakakawalan. "Please, nakikiusap ako. Ayokong umalis nang hindi man lang nagpa-paalam. Kahit ilang minuto lang," pakiusap niya.

Sunud-sunod na mura ang pinakawalan nito na napapangiwi si Cheyenne. "All right. At dahilmadilim pa ay malamang na maglalakad tayo patungo roon."

"M-maagang gumigising ang mga tagarito. Tiyak na may bumibiyahe ng tricycle sa labasan."

"Hindi maaari ang gusto mo. Sa gubat tayo magdaan. May posibilidad na may mga kasama ang mga lalaking iyon."

"You killed them." Hindi niya maiwasan ang akusasyon sa tinig niya.

"Oh, I'm sorry, ma'am," he said sarcastically. "The operative word is 'survival.' Hamo nang sila ang patay kaysa ako... o ikaw, for that matter, dahil ikaw ang gusto nilang patayin!" he said unemotionally.

Tinalunton nito ang patungo sa kagubatan, hila siya. Mamaya'y huminto ito sa paglakad at nilingon siya. "Saan ang labas nito?"

"Sa... sa baybayin din. Mas malapit patungo sa bahay ng mga bata." 


WALA pang sampung tao ang naglalamay sa dalawang patay. Habang ang matandang lalaki ay nasa kabaong na nito ay nasa papag naman ang matandang babae. Ayon sa naroroong matandang babae na siyang nangasiwa pagkaalis ni Cheyenne ay sa umaga na ang dating ng funeral parlor para kay Tandang Loleng.

Sandaling namangha si Jose Luis nang makita ang dalawang patay na pinaglalamayan. Bahagyang lumambot ang loob niya. Hindi kataka-takang nais ng babaeng ito na magbalik dito. Subalit sino ang mga taong ito? Kaanu-ano ni Cheyenne ang mga namatay at ang mga bata?

Nagpalinga-linga siya sa paligid at hindi siya umaalis sa may pinto ng kubo. Tinatandaan ang mga lugar na maaari nilang takbuhan, kung sakali. Nakakita siya ng bangka sa dalapasigan na nakatali sa puno ng niyog. Subalit de-sagwan iyon. Walang silbi kung sakali at hinahabol sila.

Kinapa niya ang Glock niya na nakasiksik sa likod ng pantalon na natatakpan ng black leather jacket. Bagaman natitiyak niyang hindi alam ng mga humahabol kay Cheyenne ang lugar na iyon ay hindi niya gustong ikampante ang sarili.

Tinawagan niya si Kurt kahapon nang nasa cottage na siya at nang makatiyak siya na sa kabilang cottage nga nakatira si Cheyenne. At sigurado siyang pagkatapos nilang mag-usap ay tinawagan agad nito si Mrs. Cheng.

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoWhere stories live. Discover now