Chapter Two

2.7K 72 2
                                    


Six years ago... 


"MAGKASINTAHAN na ba kayo ng anak ni Mayora, Cheyenne?" tanong ni Lola Didang niya habang nagpipili ito ng bigas, inaalis ang ipa mula sa butil.

Mula sa pag-iihip ng apoy sa kalan ay nag-angat ng katawan si Cheyenne. Sa nakalipas na isang buwan mula nang maging nobyo niya si Jericho ay iyon ang kauna-unahang pagkakataong binanggit ng lola niya ang tungkol dito.

Alam niyang sukal sa loob ng abuela ang panliligaw nito sa kanya noon pa man. Hindi ito lumalabas ng silid sa mga maiikling sandaling nagpupunta si Jeric sa bahay nila kapag inihahatid siya nito mula sa mainland.

"M-mag-iisang buwan na po, Lola."

Pagkatapos tahipan ang bigas ay isinalin ni Lola Didang iyon tungo sa kaldero at dinala iyon sa paminggalan. Hinugasan mula sa tubig na nanggaling sa malaking banga. Matiyagang hinintay ni Cheyenne ang kasunod nitong sasabihin habang muli niyang hinihipan ang pinagpatung-patong na kahoy sa kalan.

"Napakabata mo pa, apo, para magkaroon ng nobyo," anito pagkalipas ng mahabang sandali. "Beinte anyos ka pa lang. Baka mamaya ay hindi ka makapagtapos niyan. Iyon lang ang maipamamana ko sa iyo."

Natawa siya nang marahan. "Magtataposako, Lola. Nalimutan n'yo na bang sa isang buwan na ang graduation ko?"

"Malaki ang katandaan sa iyo ni Jericho," patuloy nito. "Kung wariin ko'y baka sampung taon ang tanda niya sa edad mo."

"Hindi po ba mas mabuti iyon, Lola? Iyong matanda ang lalaki sa babae?"

"Sa ibang sirkumstansya, ay oo, Chey. Subalit sa aking hinuha ay nabobola ka ng lalaking iyon dala ng iyong kabataan."

"Wala ba kayong tiwala sa apo ninyo?"

"Sa iyo ay mayroon, apo. Mabait kang bata, masunurin. Minsan man ay hindi mo ako binigyan ng alalahanin. Subalit wala akong tiwala sa Jericho na iyon."

"Mabait si Jericho, 'La."

Hindi iyon sinagot ni Lola Didang. Muli ay nagpalipas ito ng ilang sandali bago muling nagsalita. "Isa ka sa paaral ni Mayora, hindi ba, apo?" It was a rhetorical question and she needed not answer it.

Isinalang ng matandang babae ang kaldero sa ngayo'y nag-aapoy ng kalan. Umatras siya dahil ito na mismo ang nag-ayos ng mga gatong. Inabala niya ang sarili sa paghihimay ng talbos ng sili na ihahalonilang maglola sa manok.

After graduation from high school she was granted scholarship. Mula iyon sa foundation na itinatag at sinusuportahan nibaka mahirapan siyang magkolehiyo. Totoo namang kumikita naman kahit paano ang maliit na poultry ng lola niya. Subalit sa pamasahe na lang patungong mainland ay masyado nang magastos. Lalo at mas pinili niyang bumiyahe araw-araw dahil hindi niya gustong naiiwan ang lola niyang nag-iisa sa bahay nila.

At nitong nakaraang taon ay nagtrabaho siya bilang part-time crew sa isang malaking restaurant sa mainland Iloilo na pag-aari ni Mayora Santillanes. Requirement sa pagtanggap sa crew ay iyong scholarship ng isang estudyante. Kaya naman hangang-hanga siya kay Mayora Santillanes sa mga ginagawang tulong nito sa mga kabataan.

Bagaman napakaliit lang ng suweldo niya ay nakatulong iyon upang magkaroon siya ng panggastos sa araw-araw at hindi na umaasa sa kinikita ng maliit na poultry ng lola niya.

Sa restaurant niya unang nakilala si Jeric may dalawang buwan na ang nakararaan. Kasama ito ng ilang political figures at doon nananghalian isang araw. Siya ang nagsilbi sa mga ito. Doon nagsimula at pagpunta-punta nito sa restaurant. Nanligaw ito. Inihahatid siya sa pag-uwi niya sa Guimaras.

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoWhere stories live. Discover now