Chapter Nineteen

2.4K 81 9
                                    


"WHAT?" Hindi makapaniwalang usal nito. 

"Paanong—?"

"Mga anak sila ng kapatid ko."

Lalong lumalim ang kunot sa noo ni Luis. "Kapatid mo? Hindi nabanggit na may kapatid ka sa office record mo na ibinigay ni Mrs. Cheng..." Lahat ng impormasyon nila tungkol kay Cheyenne ay ibinase lamang sa office records nito at sa maaaring ibigay ni Mrs. Cheng.

Hindi naman kailangan ni Kurt na gumamit ng paraan para malaman ang iba pang impormasyon tungkol kay Cheyenne mula sa pagkasanggol nito dahil hindi naman ang paghahanap dito ay may kaugnayan sa national security.

"I... I haven't seen her for years..."

"Where is your sister now?"

"They... they must have killed her, too." Nagsikip ang lalamunan niya. Pinakawalan niya ang mukha mula sa pagkakahawak nito.

"What are you talking about?" Nang hindi agad siya sumagot dahil sa pagsisikap na huwag maiyak ay sinusugan ni Luis ang sinabi at muli siya nitong hinawakan sa mga balikat. "Sabihin mo sa akin ang lahat, Chey."

Gusto niyang alisin ang mga kamay nito sa pagkakahawak sa kanya subalit nakapirmi iyon sa mga balikat niya. His nearness unnerved her.

"The last time I saw my sister was four and a half years ago. And fifteen years ago before that. Ayon sa matandang pinagbilinan niya sa mga sanggol ay uuwi siya ng Guimaras..." She paused.

"Na kakausapin niya muna si Lola at tingnan ang magiging buhay nila roon. Nais niyangdalhin doon ang mga bata upang doon palakihin..." Hindi niya napigil ang paglandas ng mga luha. "Ni hindi niya alam na wala na si Lola. Hindi siya nagtanong nang... nang magkita kami..."

"What happened?"

"Ang sabi ni Tandang Loleng ay hindi na nagbalik pa ang kapatid ko. Naiwan sa dalawang matanda ang pangangalaga sa kambal." Tuluyan na siyang napaiyak. "They could have killed her... nadamay siya sa nangyari sa akin."

Hindi nito malaman ang gagawin pagkakita sa kanyang humagulhol ng iyak. "Oh, baby, don't cry..." Kinabig siya ni Luis sa dibdib nito at hinaplus-haplos ang likod. Sapat iyon upang lalo siyang mapahagulhol ng iyak.

Lahat ng mga luhang hindi niya mapakawalan sa nakalipas na mga buwan ay parang dam na nabuksan sa mga sandaling iyon. Marahil ang pag-alo ni Luis ang nagpangyari. Sa nakalipas na anim na taon, bagaman magkakaibigan sila nina Velvet at Erwin ay wala namang alam ang mga ito sa lihim niya.

"Hey..." he said gently, patuloy sa paghaplos sa likod niya.

Patuloy rin siya sa pag-iyak. Pinagsama-samang dahilan. Isa na roon ang guilt sa pagkamatay ni Erwin na dadalhin niya sa budhi niya habang nabubuhay siya; takot, pagod sa walang katapusang pagtakas, sa walang-katiyakang bukas; sa pag-aalala sa kambal na kung hindi na siya makababalik pa sa Tingloy ay hindi niya alam kung ano na ang mangyayari.

She couldn't even explain the safety and comfort she felt in Luis's arms. Magmula nang mangyari ang pagtakas niya may anim na taon na ang nakaraan ay wala siyang naramdamang kapanatagan maliban sa mga sandaling iyon.

Nabigyan lang siya ng sandaling reprieve sa panahon ng pagsusulat niya. Until that TV guesting. Gayunman, ang mga bangungot ay patuloy. Kahit ang pagtulog niya ay hindi mapayapa sa nakalipas na mga taon.

"Hush, sweetheart," patuloy na alo ni Luis, hindi alintana na basa na ang kamiseta nito mula sa mga luha ni Cheyenne. Para bang ang puso nito ang nabibiyak sa nakikita sa kanya.

"Baka may ibang dahilan, Chey, kung bakit hindi na nakabalik ang kapatid mo. I hate to say this, pero hindi ba maaaring isipin na baka tinalikuran niya lang ang responsibilidad niya sa mga anak niya?"

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoWhere stories live. Discover now