Chapter Twenty-One

2.7K 81 14
                                    


"PARANG nadaanan ko ng tingin ang pangalang iyan noong isang araw. Sa society column. Your brother's wife's family was multimillionare. This Jace is a pilot by profession; a businessman himself. He married an heiress na ang mga magulang ay hotel magnate, a certain Nick and Alaina Navarro. At kaya ko natatandaan ang pangalan ay dahilbinasa ko ang article tungkol sa pinasinayaang bagong hotel."

Daniel had always been interested in the business circle. And Luis knew why. Umaasa itong makakabasa ng mga balita tungkol sa sariling pamilya. Sa sinasabi ni Daniel ay nakadama siya ng panlulumo. Lalo lang nadagdagan ang insekyuridad niya sa nakatakdang paghaharap nila ng mga kapatid.

"May sari-sarili na kaming buhay. Hindi na siguro marapat na magtagpo pa kami."

Daniel frowned at him. "C'mon, buddy. For all you know, hinahanap ka rin ng mga kapatid mo. Makipagkita ka. Kung pagkatapos ay bale-wala sa kanila ang pagtatagpo ninyo..." He shrugged. "So be it. Sabi mo nga, may kanya-kanya na kayong buhay. Pero huwag mong pangunahan ang magiging desisyon ng mga kapatid mo."

"And when had you become a wise man? Besides, look who's talking?"

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Daniel. Pagkatapos ay pomormal. "Pag-usapan natin ang problema kung bakit ako nandito," anito sa pagnanais na ilayo ang topic tungkol sa sarili.

Nagbuntong-hininga si Luis. "Cheyenne hadn't witnessed a thing. Narinig lang niya ang ginawang pagpatay sa intercom. Isa pa, kailangan kong umuwi sa isla. May problema kaming magpinsan sa propiedad namin doon..." At muli, sa pahapyaw na mga salita ay sinabi niya ang mga pangyayari sa kanya sa nakalipas na isang buwang mahigit.

May ilang sandaling nanatiling tahimik si Daniel, bago, "Hindi kaya iisang tao ang problema ninyo ni Cheyenne?" he said thoughtfully.

Luis frowned. "Paano mo nasabi iyan?"

"Bro, Guimaras is a small island. Ilang tao ba ang makapangyarihan doon?" Broad shoulders lifted. "Well, just a hunch."

A little bit perplexed, nagdikit ang mga kilay niya. "Why didn't I think of that?"

"Because you're thinking with your..." Inginuso ni Daniel ang bagay na nasa pagitan ng mga binti niya at saka tumawa nang malakas. "Bro, kung makikita mo lang ang sarili mo sa salamin. Just arrived a few minutes ago pero napansin na kita. Hindi mo siya gustong hiwalayan ng tingin. Haven't taken her to bed yet?" Muli itong tumawa, iyong tipong nang-aasar. "You are losing your touch, my boy."

"You are so annoying..."

Ngumisi ito. "Take her to one of the rooms and do her already."

Napatayo nang wala sa oras si Luis. "You're sick!"

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Daniel. 


KINABUKASAN pagka almusal ay kinausap ni Cheyenne si Luis tungkol sa mga bata na nais niyang dalhin sa mall.

"Please, please. Buong buhay nila ay nakakulong sila sa Tingloy. Natitiyak kong hindi man lang sila naisasama ni Tandang Loleng sa Anilao noong nabubuhay pa ito."

Inihalamos ni Luis ang kamay sa mukha. "Nanganganib ang buhay mo. May naghahanap at nagtatangkang pumatay sa iyo. Paano mo naisip na mamasyal?"

"I want to bring the children to the mall. Oh, please. Siguro naman hindi mag-iisip ang mga humahabol sa akin na mamamasyal ako. Please, Luis."

Luis clenched his jaw. Mamaya pa ay tumayo na ito at kinausap si D'Angela na nakita ni Cheyenne na nagkibit ng mga balikat. Tumalikod ito upang bihisan ang mga bata. Nilapitan niya si Luis.

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoWhere stories live. Discover now