Chapter Five

2.3K 73 0
                                    


KANINA pa natauhan si Cheyenne subalit minabuti niyang magkunwaring wala pa ring malay. Kanina habang hapung-hapo siyang lumalangoy ay natanaw na niya ang mga ilaw sa baybayin. Subalit hindi na niya kaya. Ni hindi na niya maikampay ang mga braso niya sa paglangoy. She floated her body tiredly.

Kung mamamatay siya ay mas nanaisin niyang mamatay sa pagkalunod kaysa sa kamay ng mga tauhan ni Mayora Santillanes. Ipinaubaya niya ang sarili sa malalaking alon. Bahala na kung saan siya mapadpad.

At ngayon nga ay nauulinigan niya ang pag-uusap ng dalawang tao. Isang babae at isang lalaki. Nasaan siya? Mga tauhan ba ito ni Mayora Santillanes? Nahuli ba siya ng mga ito?

Muling napuno ng takot ang dibdib niya. Kasabay niyon ay ang pagkadama ng hapdi at kirot sa puso. Dahil naniwala siya sa matatamis na salita ni Jericho ay binale-wala niyang lahat ng sinabi ng lola niyang usap-usapan tungkol kay Mayora Santillanes.

Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Pinapatay ng kasalukuyang mayor ang isang kalaban sa pulitika!

Si Simeon Pontevedra.

She didn't know the man personally. Ni hindi pa niya ito nakatagpo man lang. The Pontevedras were way beyond her league. Subalit isa ito sa mga may sinasabi sa bayan ng Alfonso. Pag-aari rin ng mga Pontevedra ang isa sa pinakamalaking manggahan industry sa buong isla. Natitiyak niyang tulad ni Simeon Pontevedra ay papatayin din siya ng mga tauhan ni Mayora Santillanes sa sandaling mahuli siya.

Totoong lahat ang mga usap-usapan tungkol kay Mayora Santillanes. She should have listened to her grandmother. Ikinulong niya sa nananakit niyang lalamunan ang paghikbi.

Naramdaman niya ang pagpunas nito ng tuwalya sa buhok at sa mga braso niya. Pagkatapos ay naulinigan niya ang pagbukas-sara ng pinto. Marahil ay lumabas ang babae dahil inutusan itong kumuha ng pampalit ng damit niya. She realized the woman had to be the house help judging the authority on the man's voice.

Kapagkuwa'y naramdaman niya ang paghaplos ng daliri ng lalaki sa noo niya at hinawi ang basang buhok niya. Pagkatapos ay hinaplos nito ang mukha niya. Cheyenne held her breath.

Nang bumaba ang paghaplos nito sa mga labi niya ay muntik nang mapahugot ng hininga si Cheyenne. He murmured something she vaguely understand.

Cheyenne supressed the shiver she felt as his finger touched her skin. She couldn't let him know that she'd been awake already. Not yet. At nang simulan nitong tanggalin ang butones ng blusa niya ay sinakop ng kaba ang dibdib niya. And something else she couldn't put a name into it.

And she had to do something. She let out asoft moan. Ipinahihiwatig sa lalaki na unti-unti siyang nagkakamalay. At gayon na lang ang pasasalamat niya nang lihim nang marinig ang tinig ng matandang babae.

"Ibibihis ko itong kamiseta sa kanya..." wika nito.

Wala siyang narinig na sagot ng lalaki. Mamaya pa ay hinuhubad na ng matandang babae ang blusa niya. At nang akma nitong huhubarin ang bra niya ay umungol siya. She couldn't allow the old woman to strip her naked. Hinayaan ng matanda ang bra niya. Hindi niya mapahihintulutang matambad ang katawan niya sa lalaki.

Nagmulat siya ng mga mata at kunwa'y nagulat. "S-sino ka? Ano ang ginagawa mo?"

Nginitian siya ng matandang babae. "Huwag kang matakot. Binibihisan kita dahil basa ang damit mo," anito at bale-walang ipinagpatuloy ang ginagawa. Isinuot nito ang oversized T-shirt sa kanya. Isinunod nitong buksan ang zipper ng pantalon niya.

Inawat niya ito. "Huwag!"

"Basa ang pantalon mo, hija," anito at tuluy-tuloy nang hinubad ang pantalon niya.

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoWhere stories live. Discover now