Chapter Fourteen

2.3K 74 1
                                    


IPINAGPASALAMAT niyang nakatalikod ito sa kanya kung hindi ay makikita nito ang bigla niyang pagkatigagal. Mula sa pagitan ng mga wooden jalousies ay hinayon niya ng tingin ang kabilang cottage.

Cheyenne? Walang maraming tao ang may ganoong pangalan. Kaninong bahay angtinuluyan nito kaninang sundan niya ito mula sa bayan?

"Unusual name. Cheyenne ba?"

Lumapad ang ngiti ng babae. Iniabot sa kanya ang susi ng cottage. "Cheyenne Quintana. Kasingganda ng may-ari ang pangalan niya." Nagpaalam na ito.

The busybody was a matchmaker as well. Napailing si Luis. Hindi niya mapagpasyahan kung dapat ba siyang maaliw sa babae o maiirita.

Nang matanaw niyang malayo na ito ay agad niyang inilabas ang cell phone at tinawagan si Kurt at ipinaalam dito na natagpuan na niya si Cheyenne Quintana. Na maaari na nitong sabihin kay Mrs. Cheng ang bagay na iyon. Hihintayin niya kung kailan dadating si Mrs. Cheng—probably tomorrow. Pagkatapos ay agad na siyang babalik sa Maynila.

And that was yesterday morning. Ang hinahanap niya ay kapitbahay niya mismo. Baka may dinalaw lang itong kaibigan kahapon ng umaga. O di kaya naman ay inihatid lang ang mga batang kasama nito.

Muli siyang tumingin sa kabilang cottage. Isa bang pagkakataon na ang babaeng pinahahanap ni Kurt La Pierre sa kanya ay ang babaeng natagpuan niya sa dagat may anim na taon na ang nakaraan?

Small world. Six years ago, tinakasan siya nito. Now, tumakas itong muli mula sa maalwang buhay at pinalabas na nagpakamatay dahil sa pagtatangka ng isang psychotic fan.

Niyuko niya ang malaking relo sa braso. Umiilaw iyon sa dilim. Diyes minutos bago mag-alas-kuwatro ng umaga. Inikut-ikot niya ang ulo at pinisil ang batok. Maybe he'd get some sleep. Hindi mawawala ang babae sa paningin niya dahil hindi naman nito alam ang tungkol sa kanya.

One last time, sinulyapan niya ang cottage. It was still dark. Aalisin na lang niya ang mga mata roon nang mapansin niya ang sa wari'y kislap ng liwanag mula sa likurang bahagi ng cottage.

Itinuon niya roon ang night googles.

Wala na ang kislap ng liwanag. Pero hindi siya maaaring magkamali sa nakita niya. Tila iyon sindi ng sigarilyo na ipinitik. At lalong hindi niya maipagwalang-bahala ang pananayo ng balahibo sa batok niya.

BAGAMAN madilim-dilim pa'y nababanaag na ang pangako ng umaga sa silangan. Naghikab si Cheyenne at pinara ang tricycle sa tapat ng cottage niya. Inihatid siya ng driver na asawa ng isa sa mga nakipaglamay sa dalawang matanda.

Iidlip lamang siya ng ilang sandali at pagkatapos ay maliligo at bibiyahe patungong Anilao upangmag-withdraw sa account niya. Naatang na sa kanya ang gastusin para sa pagpapalibing sa dalawang matanda.

At nariyan ang kambal. Saka na niya iisipin ang tungkol sa mga bata pagkalibing sa dalawang matanda. Sa ngayon, sa nalilitong isip niya ay hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Inilabas niya ang susi mula sa bag niya at binuksan ang cottage. She was tired and sleepy.

Naghihikab pa rin siya nang sa wari ay mapigil sa lalamunan niya ang hininga. Nananayo ang balahibo niya sa batok. Nararamdaman niyang may tao sa cottage kahit hindi niya iyon nakikita dahil madilim pa. Kasunod niyon ay ang paggiik ng sahig na kawayan dahil sa paghakbang nito.

The desire to run wasn't an option. Dahil ang takot niya ay nagpangyari upang tila siya ipinako sa kinatatayuan niya. Kahit ang tanong na nais niyang pakawalan ay hindi lumabas sa bibig niya. And then the man jumped up on her.

She screamed. Subalit nasa kamay na niya ang bibig ng lalaki upang awatin ang pagtili niya. Halos takpan ng kamay nito ang ilong niya at nagsisikap siyang makahinga. Sa kabila ng pagkabigla ay nangibabaw ang instinct ni Cheyenne na manlaban. She clawed at the man's face. Marahas itong nagmura at ibinalya siya sa may dingding.

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoWhere stories live. Discover now