Epilogue

5K 144 27
                                    


Two months later 


ISA IYONG minadaling preparasyon dahil hindi nais ni Luis na patagalin ang paghahanda sa kasal nila ni Cheyenne. It was a beautiful wedding by the sea. Maaliwalas ang karagatan at hindi kainitan ang araw.

Si Danica ang maid of honor at bagaman walang sinasabi si Luis ay alam ni Cheyenne na inilalaan nito ang puwesto ng best man sa alinman sa mga kapatid na lalaki. Si Kurt La Pierre who came with wife Jade, ang tumayong sponsor na lalaki at si Mrs. Filomena Cheng ang sa babae.

Ang ring bearer ay si Skye at ang flower girl ay si Summer. Both kids were so excited sa magiging bahagi nila sa kasal ng dalawa. A month ago, pagkatapos ng lahat ng gulo ay dinala nina Luis at Cheyenne ang dalawang bata sa Enchanted Kingdom.

It was also in those times when the two children, on their own accord, started calling Cheyenne their mommy and Luis their daddy. Marahil narinig nila ang mga iyon mula sa mga batang nakasama nila sa mga rides patungkol sa mga magulang ng mga iyon.

Luis didn't bother with the DNA test, even as Kurt suggested it and offered his help to make it faster. Anak man niya o hindi ang mga bata ay inaangkin niya ang mga ito at minamahal. But then looking at Haydee's album, noong kabataan ni Luis, Skye was a carbon copy of him. And he couldn't be more a prouder father.

At halos hindi na nito gustong mahiwalay ang mga bata sa kanila ni Cheyenne. There were times when Luis sacrificed his desire for Cheyenne and asked the two kids to sleep with them in their room.

"Naghahabol ako, sweetheart," bulong niya kay Cheyenne. "Maraming panahon ng mga bata ang hindi ko nakasama."

Cheyenne smiled at him with love in her eyes.

Habang si Summer ay unti-unting humahawig kay Cheyenne na hindi naman nakapagtataka dahil kahawig niya si Charmaine. It was as if Cheyenne was gaining back her sister pagkatapos siyang iwan nito noong maliliit pa silang mga bata kung saan walang panahong hindi niya naaalala ang kapatid.

Walang mag-iisip na hindi nila anak ang kambal. Walang pagsidlan sa kaligayahan si Cheyenne sa bagay na iyon. Who said one couldn't have the best of both worlds? The twins, her own blood, compensated her inability to give birth.

And Luis. The love of her life.

Nilinga ni Cheyenne ang paligid. It was a private ceremony by the sea. Mga piling kaibigan lamang ang naroroon. Wala pa yatang labinlimang tao lahat na nakakalat sa dalawang aisle na mga upuan. There were flowers everywhere. Ang buhangin na kanyang lalakaran ay nalalatagan ng mga talulot ng rosas.

Ang mga tauhan ng Pontevedra farm ay hindi magkamayaw sa katuwaan at abalang lahat sapagluluto at paghahanda sa villa. Kahapon pa sinimulan ng mga taga farm ang paghahanda at ang kasiyahan.

Walang kamag-anak sa magkabilang panig dahil maliban kay Danica ay pareho silang walang kamag-anak ni Luis. Gayunman, lubos na umaasa si Luis na darating ang mga kapatid. Ni hindi nito gustong tingnan ang sagot sa e-mail nila ni Cheyenne sa mga kapatid na ipinadala apat na linggo bago ang kasal. It was an invitation to their wedding through e-mail. Kinakabahan si Luis na baka ang mabasa ang maaaring negatibong sagot.

Ayon kay Luis, kung hindi raw darating ang mga kapatid ay wala itong magagawa. Ibig sabihin ay hindi siya tinatanggap ng mga ito; ibig sabihin ay kailangang magpatuloy ang buhay na hindi sila naghaharap na magkakapatid.

Nais matunaw ng dibdib ni Cheyenne sa nakikitang insekyuridad nito. Para sa isa na walang takot na sumabak na sa digmaan at sa napakaraming panganib na sinuong ay may bahagi ng dibdib nito ang kinatatakutan ang rejection ng mga kapatid.

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoWhere stories live. Discover now