Chapter Seventeen

2.5K 74 1
                                    


ALAS-SEIS y media nang makarating sila sa isang de-klaseng subdivision sa bandang Fairview sa Quezon City. Nagmenor si Luis sa malapit sa isang malaki at modernong bahay. Ang akma nitong pagtaas sa remote control sa gate ay napigil. He stilled for a moment.

Kapagkuwa'y kumunot ang noo nito. Biglangnaging alerto at marahas iniatras ang SUV sa gilid ng daan, sa tabi ng bakod. May ilang sandaling hindi ito tumitinag at nanatiling hawak ang manibela at tumiim ang mga bagang. Kapagkuwa'y nilingon siya.

"Stay here. And don't move," anito sabay bukas sa pinto sa tagiliran nito. "At huwag kang magkakamaling takasan ako dahil tinitiyak ko sa iyo, hindi ka aabutin ng ilang araw at makikita ka na ng mga nagtatangka sa iyo. Hindi ka pakikinabangan ng mga batang gusto mong balikan sa isla."

Kung sakali mang nasa isip niya ang makatakas mula rito ay ay iglap na naglaho sa isip ni Cheyenne pagkabanggit ni Luis sa mga bata.

Gayon man ay ikinalito niya ang ikinilos nito. Wari ay biglang naging alerto. Tumiim ang mga bagang. At nang makita niya ang mga mata nito ay parang nais niyang matakot.

Nang umikot sa bakod si Luis ay hindi na niya ito natanaw. Bigla ang kabang umusbong sa dibdib ni Cheyenne. Lumabas siya ng SUV at sinundan ang inikutan nito.

May malamlam na liwanag na natanaw si Luis sa itaas ng bahay. Samakatuwid ay may tao. Natitiyak niyang iniwan niyang nakapatay ang lahat ng ilaw nang magbalik siya sa Guimaras nang araw na magkausap sila ni Kurt La Pierre.

Besides, magmula nang mamatay si Haydee ay hindi pa siya umuuwi. Agad niyang sinimulan ang assignment nang umalis siya sa isla at sa hotel nagtuloy. Hangga't maaari ay iniiwasan niyang makita ang lahat ng makapagpaalala sa kanya sa pagkawala ng ina.

Kung hindi dahil kay Cheyenne ay hindi niya nais na umuwi muna sa bahay ng ina. Ito lamang ang maaari niyang pagdalhan dito malibang dalhin niya ito sa isa sa mga safe houses ni Kurt. Pero natitiyak niyang aalma si Cheyenne.

Nagpatuloy siya sa maingat na panunubok. Sa silid ni Haydee siya nakabanaag ng ilaw. Mula sa isang maliit na gate sa likod ng bahay ay nakapasok siya sa bakuran gamit ang remote control mula sa susi niya. Ngayon ay hindi lang sa silid sa itaas ang ilaw na nakikita niya kundi sa loob din ng kabahayan.

"B-bakit nakatutok ang baril mo?"

Napalingon siyang bigla. "Fuck! Ang sabi ko ay huwag kang lalabas ng sasakyan!" he hissed. Marahas niya itong hinawakan at ipinuwesto sa likod niya. "At sana'y hindi ka gagawa ng kahit na anong ingay..." And he murmured something like despising women who cannot follow simple instruction.

Childishly, Cheyenne made a face at his broad back.

Sa pamamagitan ng sariling susi ay nakapasok siya sa gilid ng bahay. Nakikiramdam at mailap ang mga mata. Kahit madilim ay memoryado niya ang bawat sulok ng bahay. Gayunman, may munting liwanag sa sala.

"M-may tao ba?" Cheyenne croaked.

"Quiet!" muli niyang saway rito. Alam niyang kinakabahan ito dahil nanginginig ang tinig nito. Walang nakakaalam kung saan siya nakatira maliban kay Kurt at sa mga kasamahan niya. He couldn't have possibly left the lights on. Not when he knew he'd be away for weeks.

Halos mabali ang leeg niya nang ituon iyon sa hagdanan. Mga pababang yabag ang narinig niya. Mabilis niyang tinungo ang hagdanan at agad na itinuon ang baril sa kung sino mang bumababa.

"Danica!"

"Luis!" Danica gasped. Napahawak itong bigla sa balustre. "Muntik mo na akong mapatay sa takot sa biglang paglitaw mo!"

"Dammit, I could have shot you!"

Nanlaki ang mga mata nito nang mapuna ang hawak nitong baril. "Oh, my god! Bakit ka may baril?"

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoWhere stories live. Discover now