Chapter Sixteen

2.3K 67 2
                                    


PAGDATING nila sa Anilao port ay tinungo nila ang isang bahagi ng pantalan. Hawak pa rin siya nito nang mahigpit sa kamay at gustuhin man niyang takasan ito ngayong nasa Anilao sila ay hindi niya magawa.

Parang bang alam nito ang iniisip niya. Ni hindi nito niluluwagan ang pagkakahawak sa kanya.Nagmamadali siya nitong iginiya patungo ang isang nakaparadang Cherokee Jeep.

Binuksan nito ang passenger door. "Get in."

Sapilitan siyang pumasok sa loob ng sasakyan. Ilang sandali pa'y humahagibis na sila patungong main road. Manaka-naka ay tumitingin ito sa rear at side view mirrors, na para bang inaasahang ano mang sandali ay may sumusunod sa kanila.

"Are we being followed?" tanong niya at lumingon sa likod. Kinakabahan.

"No."

"Where are we going?"

"Iniisip ko pa kung saan kita dadalhing ligtas ka."

His eyes never left the road. Mabilis ang pagmamaneho nito subalit hindi sa paraang ikasisindak niya.

Nagbuka ng bibig si Cheyenne upang sabihin ditong wala itong karapatang pagpasyahan ang buhay niya. Pero muli itong mabilis na nagsalita.

"Hindi ako naniniwalang natuklasan ng mga humahabol sa iyo ang kinaroroonan mo sa Tingloy kasabay ng pagkatuklas ko sa iyo. At lalong hindi ako naniniwalang ako ang nagtukoy sa kanila roon. In a way, yes. Dahil ako ang tumawag sa boss ko at ipinaalam ang kinaroroonan mo.

"Pero walang alam ang mga humahabol sa iyotungkol sa akin. Hindi nila ako kilala. And by now, they'd be surprised to know that someone helped you escape. Iyong iniwan kong nakatali ay natitiyak kong magsasalita."

Kung ano man ang sasabihin niya ay muling napigil sa lalamunan niya nang ilabas nito ang cell phone at may tinawagan.

"Tatlong lalaki ang nagtangkang patayin si Cheyenne... yes. Isang naghihintay sa cottage at dalawang backup... I realized it must be at Mrs. Cheng's end... yeah... probably a few days..."

Palihim na sinulyapan ni Cheyenne ang lalaki. She remembered him from six years ago. May kausap ding ganito sa telepono. Kinatakutan niyang isa ito sa mga galamay ni Mayora Santillanes at na sa baybayin pa nito siya minalas na mapadpad.

Now she wasn't so sure anymore. Gayunman, hindi pa rin mapanatag ang loob niya. Hindi siya nakatitiyak kung ligtas siyang kasama ang lalaking ito.

The man was dangerous. Mas kaysa sa mga tauhan ni Mayora Santillanes. Bale-wala nitong natanggalan ng patalim ang lalaking nag-aabang sa kanya sa cottage. She grimaced silently nang maalala niya kung paano nag-crack ang wrist bone ng lalaki nang agawin nito ang patalim mula rito.

At sa isang kisap-mata ay pinatay nito ang dalawang lalaking kasamahan ng una. And yet he moved with grace. Like a cat.

Ibinalik nito sa dashboard ang cell phone at nagpatuloy sa pagmamaneho. Cheyenne was studying him silently. The man was dark and attractive in a rugged way. Tulad ng sinabi ni Dureza, he looked hot. He had that almost perfect face, maliban sa dalawang pilat nito sa mukha. Isa sa may bahagi ng kilay at isa sa may bahagi ng noo. He still sported that military hair cut, tulad din noong una niya itong makita anim na taon na ang nakalipas.

She liked the sound of his voice. As much as the way he looked. Maliban sa hindi siya nakatitiyak kung ito ay kaibigan o kaaway. Ibinaba niya ang mga mata sa mga kamay nito na nakahawak sa manibela. They were big, masculine hands. Killer hands. Napahugot siya ng malalim na hininga sa huling naisip niyang iyon.

Sa loob ng isang oras ay walang usapang namagitan sa kanilang dalawa. Inaantok si Cheyenne. Tila siya idinuduyan ng takbo ng sasakyan at ng lamig sa loob niyon. Subalit nilalabanan niya ang antok. Sino ang nakakaalam kung ano ang gagawin ng lalaki sa sandaling makatulog.

Kristine Series 56: The Bodyguards 2: Jose Luis Morrison Monte FalcoWhere stories live. Discover now